Jonalyn Viray sad but not surprised by end of Party Pilipinas

“Hindi na naman po kami masyadong nagulat kasi dati pa po, medyo naririnig na namin na papalitan nga ang show. Although hindi pa kami sigurado dati, panay dinig-dinig lang namin. Tapos po, nitong Saturday, sa rehearsals pa lang po namin for Party P, in-announe nga na aalisin na raw po ang show,” saad ni Jonalyn Viray kaugnay ng nalalapit na pagkawala sa ere ng Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.


Hindi sinasadyang nakasabay ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer at La Diva member na si Jonalyn Viray sa isang bangko sa Tomas Morato, Quezon City kahapon, May 14.

Sinamantala namin ang pagkakataon upang tanungin si Jonalyn kung ano ang nararamdaman niya sa nalalapit na pagkawala sa ere ng Party Pilipinas, kung saan isa siya sa mainstays kasama ang iba pang La Diva members na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Tugon niya, “Siyempre po nakakalungkot kasi nga mawawala na ang Party P.”

Pero dagdag din ni Jonalyn, “Hindi na naman po kami masyadong nagulat kasi dati pa po, medyo naririnig na namin na papalitan nga ang show.

“Although hindi pa kami sigurado dati, panay dinig-dinig lang namin.

“Tapos po, nitong Saturday, sa rehearsals pa lang po namin for Party P, in-announe nga na aalisin na raw po ang show.”

Wala raw ibinigay sa kanilang dahilan kung bakit aalisin o papalitan ng ibang programa ang kanilang Sunday musical-variety show.

Ayon pa kay Jonalyn, natutuwa siya at kahit papaano ay aabot sa last episode ng Party Pilipinas sa Linggo, May 19, ang launch ng kanyang bagong album.

“At least nga po, aabot pa ako. Yung iba kasi, may mga naka-schedule yata na album launch nila sana mga June pa or last week ng May.”

Ang kaso nga, hanggang sa Linggo na lang ang Party Pilipinas.

THE REPLACEMENT. May bali-balita ring isang game show ang ipapalit sa Party Pilipinas at labinwalong celebrities na lang diumano ang mapapanood dito.

Tinanong namin si Jonalyn tungkol dito.

Sabi niya, “Hindi ko po alam.

“Baka naman po gagawin lang na game show pero may mga production numbers pa rin.

“Baka kalahati game show, kalahati ay musical-variety show pa rin.

“Pero hindi ko po talaga alam, wala pa pong sinasabi sa amin.”

Kasama ba siya sa bagong show na ipapalit sa Party Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa rin po alam, wala pa pong sinasabi,” tugon niya.

Two years pa ang kontrata si Jonalyn sa GMA-7, at walong taon na ang kabuuang panahon na inilagi niya sa naturang istasyon bilang isang Kapuso artist.

Si Jonalyn ang kauna-unahang winner ng dating singing search ng GMA-7 na Pinoy Pop Superstar.

“Hindi naman po ako pinabayaan ng GMA, hindi po ako nawawalan ng show sa nakaraang walong taon na nakakontrata ako sa kanila,” nakangiting sabi ng 23-year-old singer.

Samantala, ayon naman sa isang text mula kay Lilybeth G. Rasonable, OIC Entertainment TV of GMA Network:

"In a few weeks, there will be exciting changes in the Sunday noontime offering of GMA. The new musical-variety show will have more fun and thrilling elements that viewers must definitely watch out for, still with the biggest and brightest Kapuso stars. More information on the show will be announced soon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN