Comelec cancels proclamation of 12 elected senators on Wednesday night

Hindi matutuloy ngayong gabi, Mayo 15, ang proklamasyon ng 12 nanalong senador, ayon sa Comelec.


Binawi ng Commission on Elections (Comelec) ang nauna nitong anunisyo na ipoproklama na nila ang mga bagong halal na senador ngayong Miyerkules ng gabi, Mayo 15.

Matatandaang noong Martes, Mayo 14, ay sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. sa isang press briefing na iaanunsiyo nila at ipoproklama ang 12 bagong senador dalawang araw pagkatapos ng eleksiyon noong Lunes, Mayo 13.

(CLICK HERE to see related article.)

Ngunit ayon sa ulat ng GMA News Online, ipinagpaliban ng Comelec ang proklamasyon at hindi nila matiyak kung kailan nila ito itutuloy.

Sabi ni Brillantes, "We are going to cancel [the] proclamation tonight. There is no agreement as to when the proclamation will be, but most probably tomorrow [Thursday, May 16].

"We are still analyzing what is happening on the field."

Ayon pa sa GMA News Online, 14 sa 304 certificates ang na-canvass ng Comelec, na tumatayo bilang National Board of Canvassers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN