Vilma Santos wins third term as Batangas governor; Christopher de Leon loses in congressional race

Naiproklama na ang Star for All Seasons (second from right) bilang governor-elect ng Batangas City.


Naiproklama na ang re-electionist na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto bilang governor-elect ng nasabing bayan.

Pangatlong termino na ito ng Star for All Seasons na tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party.

Landslide victory ang nangyari kay Vilma na nakakuha ng 661,395 votes sa partial at unofficial tally of votes ngayong araw, May 15, dakong 4:25 ng hapon.

Ang sumunod naman niyang katunggali na si Marcos Mandanas Sr. ay nakakuha lamang ng 41,796 votes at sinundan ni Pradexes Bustamante na may 4,292 votes.

Gaya ni Governor Vi, landslide din ang pagkapanalo ng kanyang running mate na si Mark Leviste sa pagka-vice governor. Si Leviste ay may 597, 722 votes laban sa katunggali nitong si Rommel Arguelles na mayroon lamang 72,670 votes.

Unang tumakbo si Vilma bilang mayor ng Lipa, Batangas noong 1998 at naging kauna-unahang babaeng alkalde ng naturang bayan.

Tumakbo siya sa pagka-gobernador noong 2007 elections at nanalo siya at nanalo muli sa kanyang second term bilang governor noong 2010.



BOYET LOSES. Samantala, hindi naman pinalad na manalo ang perennial leading man ni Vilma na si Christopher de Leon bilang congressman sa second district ng Batangas.

Pinakahuli si Boyet sa tatlong naglaban-laban sa pagka-kongresista.

Nangunguna rito si Raneo Abu na may 80,723 votes, sumunod si Godofredo Berberabe with 78,924 votes, at si Christopher na nakakuha ng 29,085 votes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN