Dennis Trillo and Tom Rodriguez play gay lovers in new Kapuso soap; pledge loyalty to Popoy Caritativo

Gaganap bilang gay lovers si Dennis Trillo (kanan) at ang bagong Kapuso na si Tom Rodriguez (kaliwa) sa upcoming GMA-7 primetime series na My Husband’s Lover. Si Carla Abellana (gitna) naman ang gaganap na asawa ni Tom sa istorya.


Si Tom Rodriguez ang tinutukoy na Kapamilya actor na lilipat sa GMA-7 para gumanap ng isang mahalagang role sa upcoming primetime series na My Husband’s Lover.

Ginanap ang story conference ng naturang drama series kahapon, May 14.

Binigyan ng mainit na pagtanggap si Tom ng ibang cast ng soap na sina Dennis Trillo, Carla Abellana, Kuh Ledesma, at ilan pang Kapuso stars.

CLOSET GAY. Tuwang-tuwa si Tom dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role at kakaibang challenge daw ito sa kanyang acting career.

Gagampanan ni Tom ang role ng isang closet gay na asawa ni Carla at karelasyon nito si Dennis na isa namang all-out gay.

Sabi ni Tom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Malaki ang pasasalamat ko sa GMA-7 for giving this opportunity na isinali agad nila ako sa ganito kalaki at ka-relevant na project.

“When I heard about the audition, na ganun kaganda ang role…

“For me, I think it’s the right time, kasi in-avoid ko noon ang ganitong role kasi baka hindi ko magampanan nang tama.

“Isang beses lang ito darating sa career mo, tatalikuran mo pa ba?

“So, sabi ko, ‘Sige audition, nagpa-audition ako.”

Matagal nang napag-usapan ang paglipat ni Tom sa GMA-7.

Nag-audition din siya noon para sa Amaya, pero dito sa My Husband’s Lover siya natanggap.

Paulit-ulit itong nagpapasalamat sa GMA-7 na binigyan siya ng ganito kagandang opportunity.

LEAVING ABS-CBN. Tatapusin na lang daw ni Tom ang ilang natitirang eksena niya sa ABS-CBN daily soap na Be Careful With My Heart at magsisimula na siyang mag-taping para sa priemetime series ng Kapuso network.

Maayos naman daw siyang nagpaalam sa Kapamilya network, at natutuwa siya dahil naramdaman niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso network.

Gusto man daw niyang manatili sa ABS-CBN, pero ngayon lang siya nabigyan ng ganung kagandang project kaya lumipat na siya sa GMA-7 sa tulong ng bagong manager niyang si Popoy Caritativo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GAY LOVER. Samantala, gaya ng nabanggit, si Dennis Trillo ang gaganap na karelasyon ni Tom sa My Husband’s Lover.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na raw ng dalawang aktor kung paano sila makapagbibigay ng epektibong pagganap.

Si Dennis ay magpapakulay pa ng buhok para maiba naman daw ang look niya kumpara sa huling primetime soap niyang Temptation of Wife.

Sabi ni Dennis, “Dati, hindi ko pinanood yung may mga ganung tema na pelikula, ‘yang Brokeback Mountain, pero ngayon panonoorin ko na.

“Kailangan ko pa mag-research nang husto.”

Singit naman ni Tom, “Siyempre, magri-research din ako.

“Dun sa audition ko pa lang, nag-research na ako, tapos nag-interview.”

Dagdag pa ng bagong Kapuso, “Ang isa pang factor na nagpakampante sa akin, nang nalaman ko na si Dennis ang kasama ko dito.

“Kasi matagal ko nang kilala, matagal ko nang kaibigan si Dennis, kapatid ko pa kay Popoy.

“At least, mabawasan naman ang ilang factor ko.

“Kung ibang lalaki siguro ang makakasama ko, baka himatayin ako!

“Makakabawas din ng takot dahil si Dennis ang kasama ko rito.”



POPOY CARITATIVO. Since kasama nila sa storycon ang kanilang manager, hiningan na rin ng PEP ng kanilang saloobin sina Tom at Dennis sa isyung pag-alis nina Marian Rivera at Martin Escudero sa poder ni Popoy.

Pahayag ni Dennis, “Siyempre kailangan nandito pa rin kami para sa kanya. Nandun ang assurance na hindi namin siya iiwan.”

Hindi naman daw niya masasabing masama ang kanyang loob kina Marian at Martin, dahil desisyon naman daw nila iyon para sa kanilang career.

Sabi pa ni Dennis, “I’m sure bawat isa sa kanila may kanya-kanyang dahilan kung bakit nila ginawa iyon.

“Business ‘to, e—show business.

“Like any other business, kung saan ka nagpo-prosper, kung saan ka masaya, dun ka.”

Sabi naman ni Tom, “Siyempre nandito naman kami lahat na taga-Luminary para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have all my trust in Popoy, kaya I’ll just be here.”

Si Popoy naman ay tikom pa rin ang bibig at gusto na raw niyang kalimutan ang pangyayaring ito.

Kaya hindi na nito sinagot ang ilan pa naming katanungan tungkol sa pag-alis nina Marian at Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN