Batangas Governor Vilma Santos on why she will not run for President or VP: “Yung mga batikos, nakakapikon, baka pumatol ako, e!”

Ito ang payo ni Batangas Governor Vilma Santos sa mga umiidolo sa kanyang mga artista na sumasabak din sa pulitika: "Kapag pinagkatiwalaan ka, you have to give your all. And don’t rely na artista ka. Kailangan alam mo rin ang gagawin mo.I guess the most important thing is you serve wth your heart."


Naiproklama na kahapon, May 15, si Vilma Santos na nasa huli at pangatlong termino niya bilang governor-elect ng Batangas.

Tulad sa dalawang nakaraang gubernational race sa Batangas—taong 2007 at 2010—ay landslide victory ang nakuha ng Star for All Seasons.

Sa live interview sa kanya ngayong umaga, May 16, sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN ay inamin ni Vilma na ang pangalawang termino niya ang pinakamahirap na eleksyon na kanyang pinagdaanan.

Kuwento niya sa kanyang live interview, “Napagtulungan ako noon. Yung tatlong partido ay nagsama-sama para labanan lang ako.

“But I was able to survive. So, yun ang pinakamasarap.”

VILMA’S LEGACY. Bilang last term na niya, ano ang legacy na gustong iwanan ni Vilma sa Batangas?

Aniya, “Actually, hindi ko iniisip na last term ko na, e. Kasi meron pa naman akong three years to go, to serve.

“But, yun nga, whether we like it or not, last term.

“Ang Batangas ay nasa puso ko na ’yan.

“Ang legacy lang naman diyan, ako kasi bilang isang artista, na half of my life... tapos bigla kang pinagkatiwalaan ka at wala sa ambisyon ang maging public servant.

"Yung tiwala mismo ng mga taga-Batangas—first woman mayor ng Lipa and now first woman na governor ng Batangas—so yun ang legacy na maiiwan sa puso ko.

“Kahit na matapos na ang termino ko, sila yung nagbigay ng meaning sa buhay ko—kahit hindi bilang isang artista kundi bilang isang ordinaryong tao.”

WHAT’S NEXT? Marami raw ang nagbubuyo sa kanya na ang pagiging ina niya ng Batangas ay ma-extend pa sa mas malawak na pamunuan—ang buong Pilipinas.

Natatawang sagot dito ng actress-politician, “No, wala akong political ambition na mataas.

"Uulitin ko, hindi ko nga alam kung bakit nandito ako bilang public servant.

“Alam ko, Ate Vi ako, artista ako. I guess it was just meant to be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun mo makikita na walang political ambition.

“I may run again. I may not run. It won’t matter.

"As long as may nagtitiwala lang sa kaya kong ibigay at alam kong gawin.

“Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko alam gawin. Siguro, yun ay pupuwede.”

Dagdag pa niya, “Pero kung parang magre-rely ka ‘coz you are Vilma Santos, no, hindi.

"Ayaw ko kasi, at the end of the day, ako ang magmumukhang nganga. Ayaw ko naman ng ganun.”

Idol daw siya ng mg artistang tumatakbo sa iba’t ibang posisyon. Ano ang maipapayo niya sa mga ito para maging isang epektibong lider ng kani-kanilang lugar?

Sabi ni Vilma, “Siguro hindi payo, kundi gusto kong i-share: Public service is no joke.

“Lalo na ang mga artista ay spoiled, malaki ang suweldo.

"Dito, kung gusto nila ng serbisyo at makakuha talaga ng tiwala, trabaho talaga ito. Sakripisyo.

“Ang priority ko ngayon ay hindi na show business, e. It’s my family, my immediately family.

"Second ay ang pagiging public servant.

“So, may sakripisyo.

“Ngayon, kung hindi mo kayang bitawan ang luho ng showbiz para isakripisyo sa totoong buhay na pagserbisyo sa tao, mahihirapan ka.”

Malaking bagay rin daw na ibigay nang todo ang pagtatrabaho bilang public servant.

“I guess, it’s the most important thing. Kapag pinagkatiwalaan ka, you have to give your all.

“And don’t rely na artista ka. Kailangan alam mo rin ang gagawin mo.

“I guess the most important thing is you serve wth your heart.

“Minsan dumarating hindi mo pinaplano. So, walang magandang advice.

“Unless nandiyan na kayo, you have to work if gusto niyong maging effectve na magsisirbisyo sa publiko.”

LEAVING SHOWBIZ? Marami ang nagsasabing unti-unti na niyang iniiwanan ang showbiz.

It took years bago niya ginawa ang huling pelikula niyang The Healing (2012) na tumabo nang husto sa takilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay sinundan ito ng indie movie na Ekstra, na entry sa Directors’ Showcase ng Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon.

Paano siya muling napapayag na gumawa ng pelikula sa gitna ng napakalaking obligasyon niya sa Batangas?

Sabi ng award-winning actress, “Sa akin naman, basta alam ko na na-implement na ang lahat ng programa.

"I have this HEART program. Talagang tutok ako diyan.

“Acronym which means Health, Education for environment, Agriculture—alam n’yo naman na ang Batangas ay agricultural province—then Road infrastracture and Technology.

“Big part of my budget goes to HEART.

"Pag alam ko na na-implement na ’yan, workable na, durable na, at nagmo-monitor ka na lang, then I can do one film.

“Pero pag alam ko na may problema, I cannot.”

Sabi pa niya, “Yun kasi ang aking priority. I make sure na implemented lahat ’yan.

“Pag alam ko na okey na, then puwede na akong… nagsu-shooting din kasi ako weekend, e. Puwede na.”

NOT JEALOUS. Sinabi rin ni Vilma na hindi siya naiinggit sa trabaho ng isang Presidente ng Pilipinas.

“Sa totoo lang, hindi ako naiinggit sa trabaho ng isang President—damn if you do, damn if you don’t.

“Yung mga batikos, nakakapikon, baka pumatol ako, e!” natatawang pagbibiro niya.

Dagdag ni Vilma, “Baka may maganda akong intensiyon at aangal kayo nang aangal, baka patulan ko kayo ko.

“Angal kayo nang angal, o di kayo ang gumawa!

“Ang trabaho ng presidente ay hindi madali at hindi ibig sabihin na gusto mo ang pangalang Presidente.”

Ano ang puwedeng magpa-convince kay Vilma para tumakbo siya for a higher position, gaya ng presidency or vice presidency?

Tugon ni Vilma, “Hindi ko iniisip, e. Wala akong plano na ganung pupuntahan.

“Kasi sanay ako sa administration… administrative kasi ang trabaho ko.

“So, hindi ko iniisip what to do next.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m sorry, pero ang gusto ko lang ngayon ay do my best and excel.

“At the end of the day, ang gusto ko ay makuha ang report card.

"Pag nakuha ko yun, I won’t settle for less.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN