Nancy Binay on tirades against her: “Di ba ho, borderline racist na ‘yong comments?”

Nancy Binay says, “Itong mga pag-atake na ‘to, hindi pa rin ito mababawasan.”


Nagsalita na si Nancy Binay kaugnay ng kabi-kabilang pambabatikos sa kanya sa iba’t social networking sites.

Sa kasalukuyan ay naglalaro sa pang-apat at pang-lima ang puwesto ni Nancy base sa partial and unofficial tally ng Commission on Elections (Comelec) sa senatorial race.

Dahil sa kanyang pagkakapasok sa Top 12, kaliwa’t kanan ngayon ang natatanggap niyang pambabatikos, hindi lamang tungkol sa pagka-diskumpiyado sa kakayahan niya kundi maging tungkol sa pisikal niyang anyo.

Yung iba pa nga ay ginagawang katatawanan ang kulay ng kanyang balat at pati na ang sinasabi kakulangan niya ng karanasan sa panunungkulan sa gobyerno.

“I’m bothered,” pag-amin ni Nancy nang makapanayam siya ni Ian Cruz para sa "Unang Balita" segment ng Unang Hirit na ipinalabas kanina, Mayo 16.

Pagpapatuloy niya, “Kasi, bakit nagiging isyu ‘yong kulay ng balat ko?

“Di ba ho, borderline racist na ‘yong comments? And majority of the Filipinos ay ganito ang kulay, e.”

Sa palagay ni Nancy, posibleng hindi lamang siya ang nais puntiryahin ng mga pambabatikos na ito.

Maaari rin daw na nais sirain ng ilan ang kanyang ama na si Vice President Jejomar Binay, na mayroong planong tumakbong Pangulo sa 2016 elections.

Ani Nancy, “Pinaghahandaan ko na nga ‘yong sarili ko na itong mga pag-atake na ‘to, hindi pa rin ito mababawasan.

“Feeling ko nga, mas madadagdagan pa ‘to, dahil siyempre ngayon nakatutok na ‘yong mga detractors namin sa 2016.”

Pero sa kabila ng inaabot niyang pambabatikos mula sa netizens, nirerespeto niya raw ang kanilang opinyon at nagpapasalamat pa rin dahil maganda ang standing niya sa senatorial race.

Sabi niya, “Gusto ko rin hintayin ‘yong official results from COMELEC, e, before ako… mag-celebrate.

“Pero ngayon ako ay nagpapasalamat kasi hindi ko ine-expect na magiging gano’n ang suporta sa akin.

“Kasi alam n’yo naman na ako, kasama si Congressman JV [Ejercito Estrada], pagdating doon sa black propaganda, bugbog na bugbog kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN