Mark Anthony Fernandez happy for mom Alma Moreno; feels bad for stepdad Joey Marquez

Maliwanag ang pananaw ni Mark Anthony Fernandez tungkol sa takbo ng kanyang career. Aniya: “I will just stick to what I know and do best, and that is acting… Dito ako masaya and I would like to keep it this way for a long time.”


Hindi maipaliwanag ni Mark Anthony Fernandez ang kasiyahang nararamdaman sa pagkapanalo muli ng kanyang ina na si Alma Moreno bilang councilor sa second district ng Parañaque City.

Kuwento ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinawagan siya ng kanyang ina at ibinalita ang pagkapanalo nito sa eleksyon.

“Sobra akong natuwa para kay Mama. Ito kasi talaga ang gusto niya.

“Tsaka yung tiwala nga ulit ng mga taga-Parañaque ay bumalik na ulit sa kanya. Kaya nga sa ikalawang pagkakataon ay ibinoto at pinanalo nila si Mama.

“Alam ko naman na maraming magagawa si Mama para makatulong pa sa maraming tao.

“Kaya nga siguro pinanalo siya ni Lord ay dahil may purpose pa siya at kailangan siya ng Parañaque City.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa last taping day ng GMA-7 afternoon drama series na Bukod Kang Pinagpala, sa Verdala Estates Events Place, Antipolo City kahapon, May 15.



NO SHOW. Inamin ni Mark na hindi siya nakapunta sa huling linggo ng pangangampanya ng kanyang ina sa Parañaque.

Naging sunud-sunod kasi ang taping niya para sa Bukod Kang Pinagpala at puro malalayo pa ang location nila.

Pero bilang suporta sa kanyang ina, nag-provide si Mark ng mga campaign materials at giveaways para sa kampanya nito.

“I donated mga T-shirts, bull caps, mga pamaypay, mga pocket calendars, posters...

“Lahat ng kailangan ni Mama para ipamigay sa mga pupuntahan niya ay ibinigay ko.

“It’s my own way of helping her and showing my undying support for her candidacy.

“Nag-sorry nga ako kay Mama dahil hindi ko na siya nasamahan sa pag-iikot niya. Naintindihan naman niya ako.

“Alam niyang kailangang kong magtrabaho, tsaka alam din niya na yung pagmamahal at suporta ko sa kanya ay nandoon parati.

“Lagi naman akong tumatawag kay Mama at kinukumusta ko ang pag-ikot-ikot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s doing okay naman daw at, heto nga, nanalo nga siya.

“Sobra akong natuwa talaga dahil alam ko ang naging hirap ni Mama at yung kagustuhan niyang bumalik ang tiwala ng mga taga-Parañaque City sa kanya.

“Sa pagkapanalo nga niyang ito, I pray na maging maganda ulit ang simula niya at marami pa siyang matulungan.”



REGRETS. Sa kabilang banda, nalungkot naman si Mark sa pagkatalo ng kanyang stepfather na si Joey Marquez bilang congressman ng Parañaque.

Alam daw kasi ni Mark na matagal nang gustong bumalik ng kanyang Tito Joey sa public service.

Sabi ng aktor, “Sa mga ganyan naman talaga, may sinusuwerte at merong hindi.

“In the case of Tito Joey, I felt really bad kasi matagal na niyang gustong mag-serve ulit sa Parañaque.

“I guess hindi pa ito ang tamang panahon. Baka nga he needs more time para muling matanggap ulit siya ng mga taga-Parañaque.

“Hopefully, kung may plano pa si Tito Joey na tumakbo sa susunod na election, he might make it na.

“It’s all in God’s time naman, e.”

Dating naupo bilang mayor ng Parañaque si Joey.



WINNERS. Natuwa naman si Mark sa pagkapanalo ng magkapatid na Anjo at Ryan Yllana bilang mga konsehal ng Quezon City at Parañaque, respectively. Kasamahan noon ni Mark ang dalawa sa pangangalaga ng dati nilang manager na si Douglas Quijano.

Sabi ni Mark, “With Kuya Anjo and Ryan naman, masaya ako kasi yung puso nila ay for public service talaga.

“Kahit magkaiba silang lugar na nanalo, tiyak na they will do their very best to serve.

“Nasubukan naman na ng marami ang kayang gawin nilang dalawa before, ituluy-tuloy lang nila.”



POLITICS. Tinanong din ng PEP si Mark kung may balak siyang pasukin ang pulitika tulad ng kanyang ina at ng yumaong ama na si Rudy Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rudy ay tumakbong mayor ng Quezon City noong 2001 pero nabigo itong manalo.

Sabi ni Mark, “I will just stick to what I know and do best—and that is acting.

“Aaminin ko na may mga offers na akong tumakbo before, pero ako na ang tumatanggi.

“I will admit, wala akong alam sa ganyang trabaho, e. Hindi ko passion ang politics… sa entertainment lang talaga tayo babagay.

“May mga tao talaga na pinanganak at bumabagay sa ganyang mundo.

“Katulad nga ni Mama, siguro nga destiny niya ang maging isang politician talaga.

“Ako, I really don’t see myself na papasukin ang mundong ‘yan.

“Pero ayoko rin magsalita ng patapos, kasi baka biglang may ibang mangyari, di ba?

“But for now, sa nangyayari ngayon, happy na ako being an actor and doing different roles on TV and the movies.

“Dito ako masaya and I would like to keep it this way for a long time.”



ENDING. Nagpapasalamat naman si Mark dahil consistent na mataas ang ratings ng Bukod Kang Pinagpala na magtatapos na sa June 7.

Saad niya, “Actually, ayaw pa naming tapusin ang istorya, pero kailangan hanggang doon na lang. Or else, magda-drag na ito.

“We’re happy for the positive feedbacks at sa mataas na ratings… wala na kaming mahihiling pa.

“Abangan nila ang final episode namin sa June 7 dahil pinaghandaan namin ito para sa loyal televiewers ng GMA Afternoon Prime.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN