Jackie Rice says trip to Japan with non-showbiz boyfriend is purely vacation—no wedding

Jackie Rice on settling down: on settling down: “Hindi naman ako puwedeng magbuntis… gusto kong ikasal muna ako… kahit nga kasal, huwag din muna.”


Lumipad patungong Japan para magbakasyon ang Kapuso actress na si Jackie Rice kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Nag-last taping day na kasi ang toprating GMA-7 afternoon drama series na Bukod Kang Pinagpala at sa June 7 na ang big finale nito.

Kuwento ni Jackie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa location shoot nila sa Antipolo City last May 15, matagal na nilang plano ang bakasyon na ito.

“Ngayon lang natuloy dahil tapos na nga itong Bukod Kang Pinagpala.

“Noong ibinigay na yung schedule ng mga natitirang taping days, doon na kami nag-ayos ng bakasyon namin.

“Gusto ko rin naman magpahinga at mag-enjoy sa ibang bansa.

“Ilang months din kaming naging sobrang busy sa show kaya deserved naman naming lahat na magbakasyon.

“Siguro mga one week kami sa Japan, pasyal-pasyal lang—as in bakasyon talaga.”



WEDDING ARRANGEMENTS. Dahil silang dalawa lang ng boyfriend niya ang magbabakasyon sa ibang bansa, may nagsasabing baka doon na magpakasal ang dalawa.

“Kasal talaga agad? At sa Japan pa, ha?” natatawang reaksiyon ni Jackie.

“Walang ganoon... vacation lang talaga… walang kasal na magaganap unless yayain niya ako!

“Kaso, hindi naman ako niyayaya—wala pa namang proposal kaya walang kasal na magaganap.

"Simpleng bakasyon lang ito talaga.”

Kung may plano na raw magpakasal si Jackie, gusto nila ng kanyang boyfriend na dito sa Pilipinas gawin para makasama nila ang kani-kanilang pamilya.

“Importante sa akin na present ang parents ko.

“Kahit na matagal na silang hiwalay, magkaibigan naman sila at kailangan nandoon sila sa future wedding ko, di ba?

“At siyempre, pati mga kapatid ko, kailangan nandoon din sila. Tapos, mga family members ng boyfriend ko.

“Hindi kami gagawa ng anumang plano pa na hindi sila kasama,” diin ni Jackie.



IN BUSINESS. Pero wala pa raw talaga sa isipan ni Jackie na mag-settle down dahil bata pa raw siya at marami pa siyang gustong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just turned twenty-three years old noong April 27—marami pa akong mga plano sa buhay.

“Unang-una, hindi pa bayad yung bahay na binili ko.

“Gusto ko ring makapag-invest sa ilang properties sa probinsiya namin sa Olongapo City. At gusto ko ring magkaroon ng business.

“Actually, may inaasikaso na akong business—yung Nail Files Nail and Foot Spa… kumuha ako ng franchise.

“Right now, pina-finalize namin yung mga papers. Pagkabalik ko from Japan, hopefully ay okay na lahat.

“Wala akong partners dito sa business na ito, sa akin lahat ito.

"Mahirap yung may ibang tao pang involved sa negosyo, di ba?

“Kahit ang boyfriend ko, sinabi ko na solo ko ang business na ito.

“Baka kasi pag-awayan pa namin ang business, masira pa ang apat na taong relasyon namin.

“Hanggang kaya kong asikasuhin ang negosyo ko, ako ang bahala.

“Kapag kailangan ko ng tulong, siyempre to the rescue naman parati ang boyfriend ko,” saad ni Jackie.



PREGGY FRIENDS. Hindi ba naiinggit si Jackie sa ibang StarStruck girls na magkaka-baby na?

Ang kasabayan niya sa StarStruck 3 na si Iwa Moto at ang StarStruck 4 Avenger na si Stef Prescott ay parehong five months pregnant.

Habang ang ibang pang StarStruck alumna na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at LJ Reyes ay may kanya-kanya nang anak.

Sabi ni Jackie, “Actually, nakakainggit nga kasi mga mother na sila… may mga babies na silang aalagaan.

“Like si Iwa, nag-text-an lang kami kelan lang at nagkumustahan. Happy raw siya sa pagbubuntis niya."

Pero aniya, “Hanggang inggit na lang siguro ako.

“Hindi naman ako puwedeng magbuntis… gusto kong ikasal muna ako.

"Kahit nga kasal, huwag din muna.

“Ayokong paghinayangan ang mga trabahong darating pa sa akin.”



LAST EPISODE. Isang malaking eksena raw ang mapapanood sa final episode ng Bukod Kang Pinagpala.

May mangyayari sa role ni Jackie bilang Janet na siyang magdadala ng malaking pagbabago sa bawat characters sa drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi pa raw puwedeng i-reveal ni Jackie ang magaganap sa ending.

“Kailangan subaybayan nila ang Bukod Kang Pinagpala hanggang sa kahuli-hulihang episode nito.

“Alamin nila ang mangyayari kina Bessie, Leandro, Ofelia, at Lara. At siyempre kay Janet.

“Ano ang magiging kapalit ng mga nagawa ko sa mga taong ito?"

Dagdag niya, “Nagpapasalamat nga kami na consistent ang mataas na ratings namin simula pa noong nag-pilot kami last February.

“For almost five months, inabangan nila ang mga nangyayari sa series namin kaya masaya kaming magtatapos.

“Naging very close na nga kaming lahat kaya sobra naming mami-miss ang bawat isa.

“Hopefully ay makatrabaho ko ulit sila sa mga future projects natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN