Comelec may proclaim six winning senators Thursday night; postpones release of election results


Pansamantala munang ipinatigil ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. ang pagpapalabas ng unofficial election results mula sa Comelec transparency server, kung saan may access ang mga election watchdogs at ang media, ayon sa ulat ng GMA News Online.

Sinabi umano ni Brillantes sa mga reporters, “Now, I’m going to issue already that we stop the transparency for the meantime. Suspend lang para hindi magkagulo dahil magpo-proclaim na kami mamayang gabi, e.”

Ipinaliwanag ni Brillantes sa isang press briefing na ang suspensiyon ay pagbibigay-daan sa pinangungunahan niyang National Board of Canvassers na magpoproklama ng lima hanggang anim na senatorial candidates ngayong gabi, Huwebes, Mayo 16.

Pagpapatuloy pa ng Comelec chairman, patuloy na matatanggap ng media at ng election watchdogs ang mga resulta ng bilangan, subalit hindi muna nila ito dapat ilabas.

Isa pa raw dahilan ng temporary suspension sa paglalabas ng mga resulta ay upang maiwasan ang pagkalito dahil sa nakatakdang pagpoproklama sa unang batch ng mga nanalo sa pagkasenador.

Inaasahang itutuloy ang paglabas ng mga election results sa publiko pagkatapos ng proklamasyon sa mga unang nanalong senatorial candidates

Samantala, nagpasa naman ng petisyon ang United National Alliance o UNA na ipagpaliban muna ang proklamasyon sa anim na nanalong senador dahil umano sa mabagal na bilangan sa paglabas ng mga resulta ng boto.

Sa kasalukuyan, tatlong kandidato lang mula sa UNA ang pasok sa Magic 12, habang siyam naman mula sa Liberal Party o Team PNoy.

Pag-uusapan pa umano ng Comelec kung ano ang magiging desisyon nila sa petisyon ng UNA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN