Vice Ganda on Nancy Binay’s victory: "Nanalo na siya, so itigil na natin ang kapaitan."

Welcome daw na mag-guest si Senator-elect Nancy Binay sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice. Ayon kay Vice, “Sabi ko, ‘Go. Wala naman akong personal kay Nancy… Di kami magkakilala, wala akong galit o sama ng loob sa kanya… opinyon ko lang yung nasabi ko.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vice Ganda sa rehearsal ng concert niyang I-Vice Ganda Mo Ako sa Smart-Araneta Coliseum kagabi, May 15.

Binati ni Vice ang lahat ng mga nanalo sa katatapos na eleksyon, kabilang na ang ngayo’y senator-elect na si Nancy Binay.

Matatandaang lumikha ng kontrobersiya ang naging pahayag ni Vice tungkol kay Nancy sa nakaraang presscon ng kanyang concert.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero sabi ni Vice kagabi, “Kasi nanalo na siya, nanalo na siya, so itigil na natin ang kapaitan.

“Kung nanalo na ang tao, ibigay na natin sa kanya yung tagumpay niya, di ba?

“Nanalo siya, igalang natin yun kaya kinongratulate ko siya.

“Hindi na natin iku-contest yun kasi tao na ang bomoto—igalang natin ang desisyon ng tao.”



JUST BEING HONEST. Tumanggap ng iba’t ibang reaksiyon ang naging pahayag noon ni Vice tungkol kay Nancy.

Sa iba ay naging totoo lang daw si Vice, pero naging dahilan din daw ito para makakuha ng simpatiya si Nancy mula sa publiko na nakatulong lalo sa kanyang kandidatura.

Ano sa palagay ni Vice ang naging epekto ng kanyang pahayag tungkol kay Nancy?

Aniya, “Hindi ko alam kung ano ang epekto.

"Kasi noong time na yun, naging honest lang naman ako sa sarili ko, sa taong kausap ko.

“Hindi ko na inisip, ’Makakasira ba ito sa tao?’

"Hindi, naging honest lang naman din talaga ako.”

Sa ilang interviews kay Nancy ay nabanggit nito na pinanonood ng mga anak niya ang noontime show na kinabibilangan ni Vice, ang It’s Showtime!.

Ano ang reaksiyon dito ni Vice?

“Ay, maraming salamat... siya din naman pinapanood ko siya.

“Pero wala… tanggapin na natin yun.

"Sabi ko nga sa Showtime, ’Chew what you cannot accept, accept what you cannot change.’

“Yung pagiging senador niya ngayon, isang bagay na hindi na natin mababago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So let’s just accept and respect, tapos magtulungan na lang tayo.

“Suportahan natin siya dahil dapat ang mamamayan at ang pamahalaan, magtulungan.

“’Yan kasi, kung magbabatuhan lang tayo nang magbabatuhan, walang mangyayari.”



GUESTINGS. Nag-guest ang ilang politicians sa late-night program ni Vice na Gandang Gabi Vice bago ang eleksyon.

Marami ang nag-aabang kung magge-guest din sa kanyang show si Nancy ngayong nanalo na ito bilang senador.

May kuwento naman si Vice kaugnay nito.

“Sa party ni Tita Cory [Vidanes], tinanong ako noong staff, ‘Gusto mo bang i-guest sa GGV? Okay lang ba sa iyo kung kukuning guest?’

“Sabi ko, ‘Go. Wala naman akong personal kay Nancy…

“Hindi kami magkakilala, wala akong galit o sama ng loob sa kanya… opinyon ko lang yung nasabi ko.”



BASHERS. Sa ngayon ay katakut-takot na pambabatikos ang tinatanggap ni Nancy Binay sa social networking sites, tulad ng Facebook at Twitter.

Ano ang reaksiyon ni Vice dito?

“Nababasa ko, pero hindi ko na naman control yun, and for sure, hindi naman sa akin nagsimula yun, kaya wala.

“Sabi ko nga, ang eleskyon, natapos na kaya yung mga isyu na nagsimula at natapos na nangyari noong eleksyon, tapusin na rin dapat.

“Iba ng chapter na ito, hindi na siya kandidato ngayon, senador na siya, so irespeto natin.”



UNAFFECTED. Sa kasagsagan ng isyu tungkol sa naging opinyon ni Vice noon, hiningan ng komento tungkol dito ang kaibigan ni Vice na si Kris Aquino, ngunit umiwas magbigay ng komento ang TV host-actress.

Naikuwento naman ni Vice na hindi ito naging isyu sa kanila ng kaibigan.

“Pagkatapos nga noong presscon, tumawag sa akin si Kris.

“Sabi ko, ’Heto na si Kris, tatalakan ako nito!’

“Tapos, noong tinawagan niya ako, sabi ko wala akong sinabing masama.

“Sabi niya, ’Okay lang ‘yan, di naman pikon ang mga Binay at kilala ko naman ang Binay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Di naman sila pikon sa mga ganyan, deadma lang sila sa mga ganyan.

"’At sa tinatagal-tagal na ng pamilya nila sa pulitika, sigurado, di na sila apektado sa ganyan.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN