UPDATED Starry 2013 elections: Who won, who lost?

Ilan sa mga nanalo ngayong 2013 elections ay sina: (L-R) Alfred Vargas, representative ng Quezon City; Vilma Santos-Recto, governor ng Batangas; Joseph Estrada, mayor ng Manila; Lucy Torres-Gomez, representative ng Leyte; at Herbert Bautista, mayor ng Quezon City.


Bagamat hindi pa tapos ang bilangan para sa 2013 mid-term elections, malinaw na kung sino ang mga kandidatong inihalal ng mga Pinoy sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno—mula senador hanggang konsehal o board members.

Gaya ng mga nakaraang eleksyon, marami ang interesadong malaman kung ano ang naging kapalaran ng mga artista at iba pang celebrities na tumakbo ngayong May 13 elections.

Kinalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang partial and unofficial tally mula sa Comelec upang ihatid sa inyo ang resulta ng kandidatura ng mga personalidad na ito.


SENATE RACE. Nangunguna ngayon sa senatorial race ang dating Movie and Television Review and Classification Board chairman na si Grace Poe, anak ng Movie Queen na si Susan Roces at ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

Nasa ikalawang puwesto ang dating broadcast journalist na si Loren Legarda, habang pumapangatlo naman si Chiz Escudero na nobyo ng aktres na si Heart Evangelista.

Nasa pang-limang puwesto ang kontrobersiyal na si Nancy Binay, anak ni Vice President Jejomar Binay.

Nasa pampitong puwesto naman ang dating TV host na si Bam Aquino, pinsan ni Pangulong Noynoy Aquino at ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Kasalukuyang nasa labing-isang puwesto ang dating mayor at congressman ng San Juan ni JV Ejercito Estrada, anak ni dating Pangulong Erap Estrada.

Ang dating news reporter na si Risa Hontiveros ay nasa 17th spot at mukhang malabo nang makapasok sa Top 12.


GUBERNATORIAL RACE. Naiproklama na ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas. Ito ang ikatlo at huling termino ng multi-awarded actress bilang governor.

Muli ring naihalal bilang gobernador ng Laguna ang aktor na si Jeorge “ER” Estregan Ejercito.

Ang modelo namang si Migz Villafuerte ang pinakabatang naging gobernador sa edad na 24 pagkatapos niyang talunin ang kanyang lolo na si Luis Villafuerte sa Camarines Sur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Migz ang pumalit sa kanyang ama na si LRay Villafuerte, na natalo ni Dato Arroyo (anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo) sa congressional race sa fifth district ng CamSur. Na-link noon si Migz sa Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Ang mga nanalo namang vice governor ay sina Daniel Fernando (Bulacan), Jolo Revilla (Cavite), Jinkee Pacquiao (Sarangani), at Dingdong Avanzado (Siquijor).

Nahalal din muli bilang vice governor ng Ilocos Sur ang mister ni Dina Bonnevie na si DV Savellano.


MAYORALTY RACE. Muling naluklok sa puwesto si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos niyang talunin si Alfredo Lim sa kanilang mainit na labanan para maging mayor ng Manila.

Landslide naman ang pagwawagi ni Herbert Bautista para sa kanyang ikalawang termino sa Quezon City.

Nahalal ding muli ang asawa ni ER Ejercito at dating sexy star na si Maita Ejercito bilang mayor ng Pagsanjan, Laguna.

Ang dating governor ng Rizal na si Jun Ynares ay mayor na ngayon ng Antipolo City. Si Ynares ay bayaw ni Senator Bong Revilla at asawa ng dating child actress na si Andrea Bautista.

Ang ama nina Toni at Alex Gonzaga na si Carlito Gonzaga ay nahalal naman bilang vice mayor ng Taytay, Rizal.

Ang running-mate ni Erap na si Isko Moreno (Francisco Domagoso) ay muling nanalong vice mayor ng Manila pagkatapos niyang talunin ang komedyanteng si Lou Veloso.

Bukod kay Lou, ang iba pang hindi pinalad na manalong vice mayor ay ang actor-singer na si Alex Castro (Marilao, Bulacan), ang singer na si Rey Valera (Meycauayan, Bulacan), at ang dating action star na si Rey Malonzo (Caloocan City).

Hindi naman pinalad sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Ormoc City ang aktor na si Richard Gomez.


CONGRESSIONAL RACE. Sa mga tumakbo naman sa Kongreso, ang mga pinalad na manalo ay ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao (Sarangani), ang TV personality na si Lucy Torres-Gomez (Leyte, fourth district), ang aktres na si Lani Mercado (Cavite, second district), ang aktor na si Dan Fernandez (Laguna, first district), at ang asawa ni Dawn Zulueta na si Anton Lagdameo (Davao del Norte, second district).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagwagi rin sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (Pampanga, second district) at si dating First Lady Imelda Marcos (Ilocos Norte, second district).

Ang mga nabanggit ay pawang re-electionists.

Sa mga first-timers naman, ang mga pinalad ay ang aktor na si Alfred Vargas (Quezon City, fifth district), ang direktor na si Lino Cayetano (Taguig City), ang dating ABS-CBN reporter na si Sol Aragones (Laguna, third district), at ang PBA coach na si Yeng Guiao (Pampanga, first district).

Bagamat mahigpit ang naging labanan para sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur, sa huli ay natalo pa rin ang aktor na si Aga Muhlach kay Wimpy Fuentebella.

Ang iba pang hindi pinalad na manalo ay sina Christopher de Leon (Batangas, second district), Joey Marquez (Parañaque), Annabelle Rama (Cebu, first district), Rez Cortez (Camarines Sur, fifth district), Imelda Papin (San Jose del Monte, Bulacan), Onemig Bondoc (Bataan, second district), at Shalani Soledad (Valenzuela, second district).

Ngunit ang mister ni Shalani na si Roman Romulo ay nagwagi muli sa Pasig City.


COUNCILORS/BOARD MEMBERS. Marami ring celebrities ang tumakbo at nanalong councilors at board members.

Kabilang sa mga celebrity na nagwaging konsehal ay sina Roderick Paulate, Gian Sotto, Lala Sotto, Precious Hipolito, at Anjo Yllana sa Quezon City; Roselle Nava, Ryan Yllana, Jason Webb, at Alma Moreno sa Parañaque City; Charee Pineda sa Valenzuela; Daisy Reyes sa Pateros; Monsour del Rosario sa Makati; Janella Ejercito (anak ni Senator Jinggoy Estrada) sa San Juan; at sina Robert Ortega at Yul Servo sa Manila.

Ang mga nanalo namang board members o bokal ay sina Jestoni Alarcon (Antipolo City), Gary Estrada (Quezon), Angelica Jones (Laguna), Teri Onor (Bataan), Maricel Morales (Pampanga), Maynard Lapid (Pampanga), Lito Camo (Oriental Mindoro), former PBA player Franz Pumaren (Quezon City), former PBB housemate Bob dela Cruz (Marilao, Bulacan), at Matthew Mendoza (Palawan).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga hindi pinalad na magwagi ay sina TJ Trinidad (Pasay), Ervic Vijandre (Taguig), Allan Paule (Muntinlupa), Emilio Garcia (Laguna), Dennis Padilla (Laguna), Anthony Castelo (Quezon City), Dan Alvaro (Quezon City), Jobelle Salvador (Parañaque), Tado (Marikina), Heber Bartolome (Quezon City), Jograd dela Torre (Manila), at Long Mejia (Calumpit, Bulacan).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN