PEPtalk. Aljur Abrenica confirms rumors of attitude problem in the past: "Naging problema po ako sa set, totoo naman. Pero ngayon, hindi na.”

Inamin ni Aljur Abrenica na nagkaroon nga siya ng attitude problem: “Before pa siguro...mga matagal na, nagkaroon po ng problema..."

Click here to watch PEPtalk’s interview with Aljur Abrenica


Huling hirit sa tag-init!

Sa pagpapatuloy ng PEPtalk Bodies Special, inalam ng hosts na sina Rommel Llanes at Abby Mendoza kung totoo nga bang nagkaroon ng attitude problem si Aljur Abrenica.

Napagkuwentuhan din sa episode na ito ang pagkakapareho at pagkakaiba nila ng kanyang nakababatang kapatid at TV5 talent na si Vin Abrenica.

Narito ang buong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso hunk.

Abby: “Aljur, siyempre, ‘yan, marami ka nang achievements, malayo na ang narating mo.

“Pero ba, sa tingin mo, sa punto ng career mo, may pagbabago ba sa ‘yo? Kasi parang may nagsasabing yumabang or nagkakaroon ka daw ng attitude problem, or nagkaro’n ka daw ng attitude problem? Totoo ba ito?”

Aljur: “Talaga?

“Siguro, kung sino man ako ngayon, dahil din sa mga pinagdaanan ko. Pero alam ko sa sarili ko, malaki na nga pinagbago ko, pero hindi sa…”

Abby: “Attitude?”

Aljur: “Oo, hindi [dun].”

Rommel: “There was a time ba na nagkaproblema ka sa set? Na nagkaroon ng problema dahil nagka-attitude ka daw?

Aljur: “Before… Wala…

"Sa palagay ko…oo. [laughs] Honest nga ako, e…

“Siyempre, nagkakaroon din minsan ng kanya-kanyang side, e. May sarili po akong dahilan, may dahilan din po sila.

“Kumbaga, sa madaling salita, misunderstanding. Aaminin ko naman po, before.”

Rommel: “Pero naayos din?”

Aljur: “Oo. Before po yun. Before po yun, Mga...

“Before pa siguro...mga matagal na, nagkaroon po ng problema. Naging problema po ako sa set. Totoo naman.

“Pero ngayon, hindi na. Hindi na po, simula nung… Talagang sasabihin ko?

“Matagal na po. Matagal na po na naayos ko, at aaminin ko naman na ako rin po yung mali.”

Abby: “So, natuto ka na? Ano’ng cause ng pagbabagong ito? Nag-mature?”

Aljur: “Nag-mature po. Sa totoo lang, ang natutunan ko po, dapat pag nagkatrabaho po, is lahat po kayo mag-unawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano naman po yung problema, pag-usapan, magkapatawaran, magbigayan. Para mas magkaroon ng magandang environment ang pagtatrabaho.

“Kasi, by the end of the day, ang iisipin mo rin, yung resulta, yung produkto, ng produkto. It’s…yung manonood pa rin nung ginagawa mo… ang manonood, yung tao.

“So, sana, kung maganda yung environment, maganda rin yung kalalabasan.”

YOUNGER BROTHER VIN. Pinag-usapan din ng PEPtalk hosts at ni Aljur ang relasyon nito sa kanyang kapatid na si Vin Abrenica na ngayo’y pinasok na rin ang showbiz.

Abby: “Okay, moving on to a lighter topic.

“Kapatid mo si Vin Abrenica. I know how close you are. In a previous interview, sabi mo, sabay pa kayo naliligo kapag nagkakasabay ang call time, di ba? Ganun ka-close. Gaano nga ba kayo ka-close?

“Okey, ano na lang similarities n’yo as a person? He looks up to you so much.”

Aljur: “Similarities namin? Pero sobrang magkaiba kami, ha, yung personality namin.

“Siguro yung pagkakaparehas namin is yung determination. ‘Tapos pag may ginusto kaming isang bagay, gagawin namin lahat para sa—basta yung mabuting paraan, ha—sa ikabubuti nito. Yun yung pagkakaparehas namin.

“Similarity din namin, is we share plans.

“Pinag-uusapan namin yung plano namin. ‘Tapos pag nagkamali kami, sinasabi namin. Yun yung pagkakaparehas namin. At, nagtutulungan kami.”

Rommel: “Hindi na kayo dumarating sa ano, siyempre pareho kayong prangka, nagsasabihan kayo ng kung ano mang diperensya n’yo sa isa’t isa.

“Hindi ba dumarating dun sa puntong nag-aaway kayo, nagkakasamaan ng loob?”

Aljur: “Pinagdaanan na po kasi namin ‘yan. Bata pa lang.

“Sa totoo lang, nung maliit pa kami ni Vin...lately lang naman kami nagkasundo niyan, e.”

Rommel: “Nung malalaki na kayo?”

Aljur: “Oo, nung artista na ako, saka na kami nagkasundo. Before, talagang every day, talagang…walang uuwing [hindi] duguan sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag nag-away talaga kami, yun yung ibig kong sabihin. Talagang, nagsuntukan.. Lahat ng klaseng away, pinagdaanan namin.

“Ultimo yung kama nga lang, yung space nga lang ng paa namin, dapat, ako panalo. Hanggang sa bumangon ako, nagsuntukan na kami. Tapos, pipigilan pa kami ng tatay ko. May round two pa yun. Ganun kami noon.

“So, napagdaanan naming lahat ng away. Alam na naming yung mga ugali namin. Alam ko ugali niya, alam ko yung ayaw niya, alam niya rin yung ayaw ko.”

Rommel: "Sa babae, di naman kayo nagkaroon ng problema?"

Aljur: “A, hindi. Yan yung hindi namin…ni minsan hindi kami nagkaproblema pagdating sa babae.

“So, ang ibig kong sabihin, ngayon...”

Rommel: “Artista kayo pareho, e.”

Aljur: “Oo. Siguro, para sa akin, napakaimposibleng mag-away kami. Dahil nga sinabi ko nga sa ‘yo, prangka kami, nasasabi namin, nase-settle namin..”

Rommel: “Nung nag-artista ka, e, di kumikita ka na. Anong klaseng kuya ka ba? Ikaw ba yung galante, nag-aano ka ba lagi kay Vin? Binibili mo ba siya..?”

Aljur: “Basta ang alam ko, nung hindi pa artista si Vin, nung nasa college pa lang siya at nag-i-start pa lang ako.

“Nag-start kasi ako, 16, e. So, hindi ko na-experience mag-college. Hindi ko na-experience yung ganito, ganyan.

“Ang siniguro ko nun—kung paano ako naging kuya sa kanya—yung mga hindi ko na-experience ng buhay-16,17,18,19… kasi nagtatrabaho ako, pina-experience ko sa kanya.

“Kumbaga, yun nga, galante. ‘Ano bang gusto mo?’ Binilhan ko siya ng lahat, laptop, cellphone, tapos yung kotse, binigyan siya ni Erpats.

“Kumbaga, pina-experience ko sa kanya yung hindi ko na-experience.”

Abby: “Pero yung differences n’yo? Sino ba mas malaki katawan sa inyo? Sino mas sexy?

Aljur: “Para sa akin, siya. Para sa akin, aaminin ko, siya. Siya talaga.

“Yung genes, mas mataas siya sa akin, 5’11” to be exact. ‘Tapos yung built niya, mas malaki siya sa ‘kin. Yung abs niya, kumpleto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya. At mapapatunayan niya yun.”

KEEPING FIT. Inalam din ng PEP kung paano nga ba name-maintain ni Aljur at Vin ang kanilang magandang pangangatawan.

Rommel: “Yung katawan n’yo pareho, pareho kayong maganda ng katawan.”

Aljur: “Magkaiba po kami ng built.”

Rommel: “Siya, mas mass siya, e. Ikaw, lean. Ganun ba yun?”

Aljur: “Mas payat po ako.”

Rommel: “Ano bang klaseng workout ginagawa mo ngayon?

Aljur: “Same lang, isometric. Parehas po kami ng training, isometric. ‘Tapos sinasamahan po namin ng Muay Thai.”

Rommel: “Hmm, may pinaghahandaan ka? Muay Thai, e.

“Wala ka naman pinaghahandaan? May sama ng loob? Kailangang hamunin?”

Aljur: “Wala naman. Dati pa po nating exercise yun.”

Click here to watch PEPtalk’s interview with Aljur Abrenica


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN