Vice Ganda on being compared to Daniel Padilla: “Unang-una, lalaking-lalaki si Daniel, baklang-bakla ako...”

Ipinagmamalaki ni Vice Ganda ang kanyang concert na gaganapin bukas, May 17, sa Araneta Coliseum. Sabi niya tungkol dito, “Pinakabongga ito sa lahat ng aspeto, sa lahat ng ginawa kong konsiyerto kung ikukumpara ko sa naunang dalawa. Ito talaga ang pinakabongga sa lahat—sa ticket sales, sa bilang ng mga taong manonood, sa production value, sa lahat. Ito na ang pinakabonggang mga guests, napagsama-sama ko ang mga superstars."


Bukas ng gabi, May 17, na gaganapin ang concert ni Vice Ganda na I-Vice Ganda Mo Ako sa Smart-Araneta Coliseum.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang comedian-TV host kagabi, May 15, sinabi niyang hindi pa siya masyadong kinakabahan.

Aniya, “Hindi pa, hindi pa ako kinakabahan.

"Siguro bukas pa, Thursday night siguro ako manginginig.

“Ngayon, hindi pa, kasi ang dami ko pang iniisip, ang dami ko pang ginagawa kaya hindi pa ako masyadong naka-focus sa tension.

“Oo puspusan, kailangang dumance, kailangang lahat na.

“Lahat ng di ko napasabog last year at yung mga nakalaang pasabog ko this year, abangan nila, kasi marami talaga silang mapapanood.

“Mabubusog ang kanilang tenga, ang mata, ang dibdib nila sa kakahalakhak.

“Pinakabongga ito sa lahat ng aspeto, sa lahat ng ginawa kong konsiyerto kung ikukumpara ko sa naunang dalawa.

“Ito talaga ang pinakabongga sa lahat—sa ticket sales, sa bilang ng mga taong manonood, sa production value, sa lahat.

“Ito na ang pinakabonggang mga guests, napagsama-sama ko ang mga superstars—Regine [Velasquez], Ms. Ai-Ai [delas Alas], Dawn Zulueta, Enrique [Gil], Daniel [Padilla].”

DANIEL PADILLA. Sa nakaraang interview kay Daniel Padilla ay nabanggit nito na dapat ay huwag na silang pagkumparahin ni Vice dahil lamang sa magkasunod ang concerts nila sa Araneta.

Nilinaw naman ito ni Vice sa PEP.

“Wala naman talaga kaming point of comparison ni Daniel, magkaibang-magkaibang linya kami.

“Unang-una, lalaking-lalaki si Daniel, baklang-bakla ako.

"Magkaibang linya kami, nasa komedya ako... iba.

“Pero mayroon kaming common denominator—love kami pareho ng mga KathNiels [fans nina Kathryn Bernardo at Daniel]…

“Love na love ako ng mga fans nila Kathryn at Daniel, kaya love na love ko silang lahat.”



SOLD OUT. Masaya namang binalita ni Vice mahirap nang makakuha ng tickets para sa nalalapit niyang concert.

“Super soldout. Two weeks before the concert, na-soldout na sila, so nag-release sila ng SRO [standing room only] tickets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, na-soldout na rin yung SRO tickets, so last minute, kaya kami puspusang rehearsal ngayon.

“Kasi, binago yung opening number, kasi hindi na matutuloy yung ano talaga, ang naka-ready nang number.

“Kasi manggagaling dapat ako sa itaas, sa general admission, manggagaling ako sa tao.

“E, ang sabi ng Araneta, hindi na raw ako puwedeng manggaling doon dahil punung-puno na raw ang taas.

“Baka magkagulo daw, so hindi na ako puwedeng manggaling doon, so sa ibang bahagi na ako ng Araneta manggagaling.

“Nandoon silang lahat, yung mga taong ine-expect ko, pati yung mga taong hindi ko ini-expect.

“Nagulat ako, kasi mayroon na rin silang mga tickets, nagulat ako. Kasi di ko alam kung saan sila nakakuha.

“Yung iba nga, hindi ko na alam kung saan ko sila ikukuha ng mga tickets, nagtatanong sila kung saan sila makakabili, e, wala na talaga.”



REPEATS. May plano na bang kasunod ang concert niya?

Aniya, “Pinag-uusapan na nila yung repeat, kasi may clamor pa, e.

“Kasi, kahit soldout na siya, may clamor pa ang mga tao sa mga tickets, kaya pinag-uusapan nila na magkaroon ng repeat.

“Baka,” pahabol pa niya.

UPCOMING MOVIES. Inalam din namin kay Vice ang mga pelikulang nakalinya niyang gawin.

“Tuloy daw, after nitong concert, yun ang mangyayari.

“Gagawa na ako ng pelikula, hindi ko lang alam kung alin doon.

"Kasi, bukod doon sa naka-sked—yung Girl Boy Bakla Tomboy—mayroon pang sinasabi sa akin si Direk [Wenn Deramas] na baka gusto kong gawin.

"Mayroon pa siyang ibinubulong na iba pa.

“Hindi ko lang alam kung anong project ang gagawin ko, but definitely, mayroon akong pelikula ngayong taon na ito.

“Baka Metro Manila Film Festival pa rin yata, kasi June na kaya baka filmfest siya uli.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN