Comelec proclaims top six senatoriables; Nancy Binay no-show

Iprinoklama na ng board of canvassers ng Comelec ang anim sa Top 12 senatoriables: (L-R) Chiz Escudero, Grace Poe, Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, at Sonny Angara. Hindi naman sumipot si Nancy Binay.


Ginanap na ang proklamasyon sa anim na senators-elect ngayong gabi, May 16, sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

Sila ay sina Grace Poe, Loren Legarda, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Nancy Binay, at Sonny Angara.

Sa pangunguna ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., iprinoklama ng Comelec en banc, na tumatayo rin bilang National Board of Canvassers, ang anim na nangungunang senatorial bets.

Inaasahan namang maipoproklama ang natitira pang anim sa Biyernes, Mayo 17.

NO-SHOW. Sa anim na senador ay tanging si Nancy lamang ang hindi dumalo, samantalanag nahuli naman si Alan Peter.

Ang kumatawan kay Nancy ay ang kanyang abugado na si Donna Camitan.

Ang hindi pagsipot ng anak ni Vice President Jejomar Binay ay may kinalaman sa petisyon ng United Nationalist Alliance (UNA) na ipagpaliban muna ang proklamasyon ngayong araw, subalit ibinasura ito ng Comelec.

Si Nancy ay isa sa tatlong senatorial candidates mula sa UNA na pasok sa Magic 12. Ang dalawa pa ay sina JV Ejercito Estrada at Gringo Honasan, na nasa No. 10 at No. 12 sa kasalukuyan.

Kinumpirma naman ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle na may kinalaman nga sa petisyon ng UNA ang hindi pagsipot ni Nancy.



HIGHLIGHTS. Matapos iproklama si Cayetano ay lumapit siya para kamayan at bumeso kay Legarda, na pumayag namang makipagbeso.

Matatandaang nagkaroon ng iringan ang dalawa dahil sa tinuran ni Legarda na isang kapwa kandidato niya sa pagkasenador ang umano’y nagkalat ng paninira sa kanya. Ito’y may kinalaman sa hindi diumano pagdeklara ni Loren ng condo niya sa U.S. sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth o SALN.

Hindi man pinangalanan, umikot sa media na si Cayetano umano ang tinutukoy ni Legarda.

Naging highlight din ang pagdalo ng mga mahal sa buhay ng mga nanalong senador.

Una na rito ang aktres na si Heart Evangelista, ang kasintahan ni Senator Escudero. Napuno ng kantiyawan ang bulwagan nang sinamahan ni Heart ang senador para sa photo-op.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinakamalakas na hiyawan naman ay nang tawagin ang pangalan ni Grace, na siyang nanguna sa senatorial race.

Kasama ni Grace ang ina na si Susan Roces, ang kanyang asawang si Teodoro Misael Llamanzares, at ang kanilang tatlong anak na sina Brian, Hanna at Nika.

Kasama naman ni Loren ang kanyang ama, ang anak na si Leandro, at ang kanyang yaya.

Sumama naman kay Cayetano ang misis nitong si Taguig mayor-elect Lani Cayetano at ang kapatid na si Senator Pia Cayetano.

Kasama naman ni Sonny Angara ang kanyang asawa at mga anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN