Senator Bong Revilla bent on having PNP “harassment” investigated in the Senate

Despite the trauma that Senator Bong Revilla claims their family went through on election day, the actor-politician is confident that his son, Cavite Vice Governor-elect Jolo Revilla, is ready to face his responsibility as a public servant. He also relayed in an interview, “Iba rin yung maranasan niya yung makatikim siya ng tunay na laban na tulad nun. Ako, marami na akong pinagdaanan, e. Matitindi na yung pinagdaanan kong laban.”


Hindi raw palalagpasin ni Senator Bong Revilla ang diumano’y pangha-harass ng Philippine National Police (PNP) sa tahanan ng mga Revilla sa Bacoor, Cavite noong mismong araw ng eleksyon, May 13.

Ayon sa nailathalang balita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, pumalag ang actor-politician nang mapag-alaman ng kanilang pamilya na bibigyan daw sila ng search warrant dahil sa paglabag sa ipinatupad na gun ban.

(CLICK HERE to read related story.)

Tila eksena sa isang action movie ang naganap sa may bandang likuran ng bahay ng mga Revilla sa Justineville Subdivision sa Bacoor.

Ayon naman sa May 13 report ng GMA News Online, dumating ang SWAT team upang mag-backup sa iba pang pulis na naunang dumating para silipin kung may illegal firearms ang mga kotseng nakaparada sa labas ng bahay ng mga Revilla.

Noong hapon ding iyon ay natagpuan ang apat na firearms—dalawang AK-47 at dalawang Armalites—sa mga sasakyang sinasabing pag-aari ng National Bureau of Investigation (NBI).

Dagdag pa ng report, dalawa sa rifles ay walang “exemption documents” galing sa Comelec.

Nang makapanayam ng PEP at iba pang miyembro ng media si Bong noong Miyerkules, May 15, sa set ng epicserye niya sa GMA-7 na Indio sa Marilao, Bulacan, buhay na buhay pa sa isip nito ang mga kaganapan noong Lunes.

Kuwento ng senador, “Itong ginawa sa aming ito, parang Martial Law. Parang Martial Law na tayo.

“Kaya… nakakalungkot lang. Ang police ang dapat na magpatahimik sa ating kapaligiran tapos sila pa yung nanggugulo.

“Hanggang ngayon, patuloy na nangha-harrass. At isa sa hina-harrass nila ay senador pa!

“Di ba, parang mali yata yun? Nawalan na ng respeto.”

Mariin ding sinabi ni Bong na hindi siya naniniwalang walang kinalaman ang mga opisyal dito.

“Under DILG [Department of Local and Interior Government] ’yan. Oo, under ng mayor ’yan—peace and order.

"Pero siyempre, PNP na ’yan. Philippine National Police.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kung anong order sa kanila ng higher [officials] nila, like regional director, ng provincial director, ng hepe... ganun ang ranking niyan, e.

“So… e, ang order unang nanggagaling sa region. Susunod lahat dito sa baba.

"So, yung lahat ng nangyayari diyan sa baba, dito sa provincial level at saka dito sa city e imposibleng hindi alam ’yan ng region.

“Pagdating sa region, imposible ding hindi alam ’yan ng chief PNP.”

Maya-maya ay hindi na napigilan ng senador na magbanggit ng pangalan.

Diin ni Bong, “Hindi ako naniniwala na hindi alam ito ni Mar Roxas, [ni] Secretary Mar Roxas. Alam niya ’yan…

“Dahil papasok yung police, papasukin yung bahay ng senador without their knowledge? Alam nila ’yan.

“Tapos sasabihin nila legitimate yung operation. Tingnan nila kung yung ginagawa ng police nila ay tama!”

Nagsaad din ang Indio star ng mga maaaring motibo ng mga may pakana ng panggigiit sa kanyang tahanan.

“Is it because of politics? Dahil natalo yung manok nila? Dahil hindi umubra kung ano yung gusto nila mangyari na pangha-harrass sa amin? Hindi kami natakot? Hindi kami lalaban?

“Ang point ko lang dito e sa tama lang tayo. Wag sa mali.

“Dahil yung panahon na yun, wala na kaming matakbuhan, e. Wala na kaming matakbuhan kundi NBI.”

Anong susunod na hakbang ang gagawin ni Bong kaugnay ng insidenteng ito?

Wika ng actor-politician, “Of course we will file a case against them. Paiimbestigahan ko sa Senado and then tingnan natin from there.

"Gusto ko malaman kung sino talaga ang…

“Antayin muna natin yung imbestigasyon.

"Ang sabi ko nga, imposibleng hindi nila alam sa itaas.

“Ang tanong lang, bakit? Bakit ganun sila kagalit sa akin? Anong kasalanan ko sa kanila?”

(ED’S NOTE: Bukas ang PEP sa panig ng mga sangkot sa isyung ito.)



JOLO, LANI. Sa kabila ng insidente, masaya naman si Bong na pinalad na manalo ang kanyang maybahay na si Lani Mercado bilang Cavite second district respresentative at ang anak na si Jolo bilang Cavite vice-governor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung nadismaya o natakot ba si Jolo dahil sa insidente, sinabi ni Bong na nakita niyang mas naging matatag ang anak.

“Magiging part ito ng foundation niya. Magiging matatag siya.

“Iba rin yung maranasan niya yung makatikim siya ng tunay na laban na tulad nun.

“Ako, marami na akong pinagdaanan, e. Matitindi na yung pinagdaanan kong laban.

“Pero gayunpaman, nakaraos tayo at nagpapasalamat ako sa mga Caviteño, sa tiwala na ibinigay nila sa amin, yung patuloy na tiwala at pagmamahal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN