Isko Moreno on getting support from Erap for his mayoralty bid in 2016: “I’ll be excited.”

Ani Vice Mayor Isko Moreno, hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan ang plano niyang pagtakbo bilang mayor ng Maynila sa 2016.


Mahigit isandaang libong boto ang lamang ni re-elected Manila Vice-Mayor Isko Moreno sa katunggali nitong si Lou Veloso.

Ayon sa opinyon ng karamihan, isa itong malaking agwat na boto na ipinagkatiwala kay Isko ng kanilang constituents.

Sa panayam ng Umagang Kay Ganda ngayong araw, May 17, sinabi ni Isko na hindi niya inasahan ang ganito kalaking outcome of votes.

“Hindi ko naman ito inaasahan, kasi sa eleksyon ay hindi mo naman alam kung ikaw ay mananalo o hindi.

“Wala namang nakakaalam kung sino ang mananalo.

“Yung lamang ay talagang bonus na lang ’yan, e.”



PLANS FOR MANILA. Ang trabaho bilang vice mayor ay hindi na raw bago kay Isko. Ito na ang ikalawang termino niya bilang vice-mayor ng Maynila.

Ano ba ang aasahan sa kanya ngayon na bago na ang liderato sa Manila City Hall?

Paliwanag ng dating Manila councilor, “Tulad ng habilin ni Mayor-elect Erap [Joseph Estrada]—to cure the fiscal problem kasi, as you can see, Manila is bleeding internally with our finances.

“Kaya ang plano talaga ay kung paano magkaroon ng mga bagong resources ang bagong siyudad at kung paano magiging episyente yung koneksyon.

“Kung paano magkakaroon ng bagong batas, tulad sa pagpapahigpit sa mga empleyado ng pamahalaan na auto-secure through using technology.

“Yung upang maging episyente yung mga ahensiya, yung mga bureau ng bawat department—like yung finances, licenses, business permits, assessor and treasury.

"Pag nagsama ang apat na ‘yan, bilyon ang perang pumapasok diyan.

“So, heto ang isa sa mga gagawin namin na we want to hire or generate more jobs sa mga taga-siyudad.”

Tututukan din daw nila ang kaayusan at kaligtasan sa buong Maynila bilang isa ito sa pinakamalaking problema ng siyudad.

Ani Isko, “At yung plano nga ni Mayor-elect Erap to keep the peace and order sa Manila.

“Yun ang number one priority niya so we can invite business sectors to go back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang Manila ngayon ay parang naging warehouse.

“Tambakan na lang kami ng goods na galing o mga nakatira sa Makati, The Fort, [and] so on and so forth.

“So, maghahanap kami ng ehemplo upang mahikayat sila na bumalik na sa Manila kasi tahimik na.”



MAYOR ISKO IN 2016? Naniniwala ba siya na tandem na talaga sila ni Erap? Na pagkatapos ng isang termino ay siya ang susuportahan ni Erap sa pagka-alkalde sa susunod na eleksyon?

Natatawang tugon ng actor turned politician, “Katatapos pa lang ng halalan kaya may flashback pa ako nito.

“Kulang na lang ay tamaan ako ng bote at buti na lang ay nakailag ako.

“Hindi ko pa naiisip ang 2016 dahil malayo pa yun.

"I think, sa ngayon, ang mahalaga ay yung inaasahan sa amin ng tao.

“Kasi no matter what ay madidisgrasya din kami pare-pareho kung 2016 ang pag-uusapan, kapag wala kaming maipakitang performance ngayong termino na ito.

“Ngayon, kung magkatotoo yun at naniniwala naman ako kay Mayor-elect Erap na kilala siya ng taumbayan na may isang salita, I’ll be excited.”

Sabi pa niya, “I’ll be honored na mapagkatiwaalan ng isang dating pangulo na ngayon ay isa nang alkalde ng aming siyudad.

“Siguro, it will be a humbling experience.

“For the meantime, heto muna ang… saka na ‘yan.”

Kilala si Isko na dating batang lansangan. Ano naman ang adhikain niya sa mga nagkalat na bata at pamilya sa lansangan na Manila?

Pahayag niya, “All this time, kung mapapansin n’yo ang track record ko bilang konsehal, I came up with ideas, programs, and governance to address the quality of life ng tao.

“Education and health care. Yung basic needs, nandun ako lagi, e. Hindi ako lumalabas unless may ibang sobrang resources.

“Ako, naniniwala ako na kahit ikaw ay lumaki sa kalye, kung ikaw ay mabibigyan ng pamahalaan [ng pagkakataon] na makapag-aral ka ay matitiyak na ang kinabukasan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang bata ay kailangang magtiyaga, e. Pero kailangan talaga ng gobyerno na sila ay kakailanganin.”

Mas nanaisin niya nga raw na bigyan ang mga ito ng edukasyon kaysa bigyan ng pansamantalang lunas sa kagutuman.

Saad ni Isko, “Ako kasi naniniwala na yun ang mas kailangan nila kaysa sa bigyan ko sila ng pangtawid ng gutom.

“Hindi naman ako araw-araw na nandito ako o araw-araw na nasa gobyerno ako.

“But I want to give them something na kahit talikuran ko na ang trabaho ko ay pakikinabangan pa rin nila ng limang taon, sampung taon o buong buhay nila for that matter.

“Pero dual na obligasyon ‘yan, e. Obligasyon ko na bigyan sila ng edukasyon ngayon, pero yung tao ay obligasyon nila ang ayusin ang buhay nila.”



ON MAYOR LIM. Nagkikita pa ba sila ni outgoing Manila Mayor Alfredo Lim?

Saad ni Isko, “Nakikita ko naman siya na pumapasok pa naman.

“Ako kasi, pagkatapos ng proclamation ay nag-opisina na kaagad ako sa City Hall.

“Hindi pa kami nagkakausap.

“Kakausapin ko pa rin naman siya dahil ang halalan ay isang araw lang.

“Kung mapapansin ninyo, ang sabi ko ay we are inviting them to participate in the government where he used to be.

“Binubuksan namin ang aming pintuan."

At nagbigay rin ng assurance si Isko sa mga empleyado ng City Hall, lalo na yung naging malapit kay Mayor Lim, na wala silang planong paghigantihan ang mga ito.

Wika niya, “Yung mga kakabakaba na baka ang sa isip nila ay matengga sila, na baka magantihan sila, ay pumanatag ang kalooban dahil hindi mangyayari yun.

“Ang katunayan niyan, nang maging alkalde si Erap sa San Juan ay halos wala siyang tinanggal na mga tauhan.

“Basta trabaho lang kayo, huwag kayong gagawa ng mga bagay sa madilim na bahagi, sa susunod na tatlumpung araw na nalalabi ay mananatili kayo diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang matatanggal unless may gagawin silang kakaiba, at yun naman ay pananagutan nila sa bayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN