Zanjoe Marudo willing to star in remake of erotic film Scorpio Nights

Zanjoe Marudo on playing different characters: “Ang sarap umarte nang hindi ikaw—yung ibang tao ang ginagampanan mo—parang mas masarap gawin.”


Isang tatay na ang gagampanan ni Zanjoe Marudo sa remake ng ’80s soap opera na Annaliza.

Malayo sa sexy image ni Zanjo ang gagampanan niyang papel bilang si Guido, ang tatay o ama-amahan ni Annaliza na bibigyang-buhay muli ng child actress na si Andrea Brillantes.

Ang orihinal na gumanap ng papel na Annaliza ay ang yumaong teen star na si Julie Vega.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe sa presscon ng Annaliza kahapon, May 16, sa ELJ Building ng ABS-CBN compound.

VERSATILE ACTOR. Ngayong gumanap na siya ng father role, mapapanood pa rin ba siya sa ibang projects na nagpapaseksi?

“Oo naman, seksi pa naman ako, e!” bulalas ng aktor.

“Nagkakataon naman kasi... nagkataong noong siguro nagsisimula ako, iyon ang mga ibinibigay sa aking mga projects.

“Tapos ngayon, nabigyan ako ng ganitong klase ng project na napaka-challenging at saka napakagandang role sa Annaliza...

“Na kailangan na mapatunayan ko sa tao yung pagmamahal ko sa anak ko.

“Tapos, if after nito bibigyan nila ako ng ibang characters, kunyari remake ng Scorpio Nights, okay lang din!

“Di ba?” ang tumatawang sabi ni Zanjoe.

Ang Scorpio Nights ay erotic film noong 1985 na idinirek ni Peque Gallaga at pinagbidahan nina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda, at Daniel Fernando.

Dream project ba ni Zanjoe ang Scorpio Nights?

“Hindi naman, ang sinasabi ko lang, kahit naman anong roles ang ibigay...

“Lalo na kung naniniwala naman ako doon at kaya ko namang gampanan... Machete, mga ganyan, mga superhero.

“Tsaka kasi, ang sarap maglaro, lalo na pag malayo sa totoong buhay mo, di ba?

“Ang sarap umarte nang hindi ikaw—yung ibang tao ang ginagampanan mo—parang mas masarap gawin.”

Na-realize niya lang ba ito nang pumasok siya sa showbiz? Modelo si Zanjoe bago naging artista.

“Oo, doon ko lang naman naintindihan, mula nang mag-artista ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga ganyan kasi, wala naman akong alam pagdating sa pag-arte.

“E, minsan kasi, hindi naman yung destination, e, yung journey ang importante kaya natututo ang isang tao.”



ROLE MODELS. Nagko-comedy si Zanjoe, nag-gay role sa Bromance, at ngayon ay father role naman ang ginagampanan niya.

Sino ang peg o iniidolo niya sa veteran stars?

“Si Carlo Aquino po!” sabay tawa ni Zanjoe, na ang tinutukoy ay ang Annaliza co-star niya.

“Hindi... Siguro siyempre, yung mga idol ko, sila Mang Dolphy, si Vic Sotto pagdating sa comedy.

“Yung mga nagpapatawa sila, tapos pag nag-drama sila, nakakaiyak din sila.

“Tapos, wala silang pakialam masyado sa kahit saan. Kumbaga, hindi sila namimili, lahat ginagawa nila.

“And sa mga drama naman siguro, si Tito Boyet [Christopher de Leon] at yung mga talagang nakikita ko na magagaling.”



PUBLIC SUPPORT. Para sa mga hindi pa nakakaalam, may acting award na si Zanjoe.

Pagpapaalala ng aktor, “Nanalo na po ako sa MMK [Maalaala Mo Kaya], Best Actor po sa Gawad Tanglaw...

“Yung ano, yung malaking bisikleta, ’Kuliglig’ [episode].

“Yung karakter ko doon, noong bata siya noong lumaki, gumanti siya doon sa mga pumatay sa pamilya niya.”

Hindi naman daw umaasa ng award si Zanjoe para sa papel niya bilang si Guido sa Annnaliza.

“Hindi, hindi naman. Sana lang maraming manood, sana nga tangkilikin ng maraming tao...

“Sana suportahan ng tao para kay Andrea. Kasi si Andrea yung nakikita nating susunod na prinsesa ng ABS, e.

“Tsaka napakahusay na bata, napakabait... ang taas ng pangarap niya... parang gagawin niya ang lahat para sa pamilya niya.

“And saka tingin ko, ito yung batang hindi dadaan sa awkward stage. Simula ngayon hanggang paglaki, maganda talaga, e.

“Kaya sana, suportahan natin si Andrea kasi napakaganda ng hangarin sa buhay.

“Tsaka siguro ito na, it’s her time to shine!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN