Richard Poon on wedding with Maricar Reyes: "This year... Ba’t patatagalin pa kung sure naman kayo sa isa’t isa?”

Nagbalik-tanaw si Richard Poon sa unang pagkikita nila ng kanyang future bride na si Maricar Reyes: “Pinakiramdaman ko siya at ang unang offer ko sa kanya ay pagkain. Medyo may stiffness pa... may discomfort. Hindi ko pa matantiya, e. Pero as the… nag-shoot na kami. Nagkaroon na ng araw, nagtanong na ako sa kanya kung saan siya nag-aral, kung taga-saan siya. So, doon nagsimula yun.”


Sa panayam ni Boy Abunda kay Richard Poon sa segment nitong “Ikaw Na!” para sa late-evening news program na Bandila, ibinida ng singer ang kanyang latest album na Legends.

Labindalawang international artists daw ang kanyang binigyang-pugay rito, with “Truly” of Lionel Ritchie as its carrier single.

Pagmamalaki ni Richard, “Ngayon ay hindi ko mailabas ang kuwarentang kanta na ‘yan na original dahil ang ginagawa ko…

“Kasi ibinabalik ko nga yung mga kantang luma.

“Ito ngang album ko, it has twelve legendary artists—from Madonna, Beatles, Michael Jackson—all of them.

“I picked one song each ang gave my version of it.

“It’s already available nationwide... It’s my first pop album as a solo artist.”

Sa kanyang ina raw siya nagmana sa husay sa pagkanta.

Pagmamalaki ng ASAP mainstay, “She has an operatic voice kaya hindi ako tone deaf pagdating sa music—yun ay dahil sa kanya.”



ON MARICAR REYES. Tungkol naman sa engagement niya sa aktres na si Maricar Reyes, paano nito binago ang kanyang buhay?

“I think mas confronted ako to deal my… let’s say my selfishness on…

“Working out on a relationship is may ibang tingin ang ibang tao sa iyo na…

“At minsan may kaunting friction, may kaunting tampuhan, pero it’s how you manage it.

“So I think, it’s the most important at pinakamalaking pagbabago sa buhay ko,” sagot ni Richard.



CRUSH AT FIRST SIGHT. Nang una pa lang daw silang magkita ni Maricar ay may kakaiba nang naramdaman si Richard para sa aktres.

“Actually, crush ko na siya sa Betty La Fea pa lang.

“Sabi ko, ‘Oy, may mukhang Chinese.’ Tapos biglang nag-Tagalog... Pilipina pala!

“And I was filming the music video na ’You And I’ and ang van namin, maaga pa lang ay bumiyahe na and we picked her up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Siya pala yun.’”

Kuwento pa niya, “Hindi ko pala alam na she had a bad disagreement with her manager, so tahimik lang siya.

“Pinakiramdaman ko siya at ang unang offer ko sa kanya ay pagkain.

“Medyo may stiffness pa... may discomfort. Hindi ko pa matantiya, e.

“Pero as the… nag-shoot na kami. Nagkaroon na ng araw, nagtanong na ako sa kanya kung saan siya nag-aral, kung taga-saan siya.

“So, doon nagsimula yun.”

Aminado ang crooner na hindi love at first sight ang kanyang naramdaman for Maricar.

“I would like to put it into words na parang crush at first sight—crush ko siya.

“I think yung love, yung true meaning of love is something na you have to develop.”



WEDDING PLANS. Marami na ang nagtatanong sa plano nilang pagpapakasal at kung may specific date na ba ito.

Ani Richard, “Lagi ko ngang sinasabi na kung puwede ay bukas na.

“Pero kapag kasal ay marami talagang dapat intindihin... yung supplies... wedding events.”

Pero sinigurado niyang ngayong taon magaganap ang kasal.

“Ah, oo... this year,” mabilis niyang tugon.

“Ba’t patatagalin pa kung sure naman kayo sa isa’t isa?

“You are willing to work it out... ba’t kailangang patagalin pa?”



PHIL-TAIWAN RIFT. Napag-usapan din ang tungkol sa alitan ngayon sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas.

Si Richard ay may dugong Taiwanese kaya inalam ni Boy kung maging ang parents niya ay apektado nito.

Wika niya, “Actually, my mom called from Taiwan.

“I know I’ve got to work on my visa, pero mukhang as of now ay mukhang walang direct flight to Manila.

“Pero I told her na this will pass naman.

"And hopefully ay makabalik siya dito sa Pilipinas kasi gusto ko na siyang makita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN