Ai-Ai delas Alas on reported separation from non-showbiz husband: “Ibigay n’yo muna ang pananahimik ko sa bagay na ito.”

On her Instagram account, Ai-Ai delas Alas posted this yesterday, May 17: “reg PEP ALERT IBIGAY NYO MUNA ANG PANANAHIMIK KO SA BAGAY NA ITO.. ako na mismo ang magsasabi pag ready na ako emotionally.. SALAMAT SA LAHAT NG SUPORTA AT PAGMAMAHAL NYO SA AKIN GOD BLESS EVERYONE!!”


Bagamat may “pinagdadaanan,” itinuloy pa rin ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang pagiging special guest sa ikatlong major concert ni Vice Ganda na I-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Smart Araneta Coliseum kagabi, May 17.

Sa umpisa ng segment nina Vice at Ai-Ai ay tinanong nila ang audience kung sino sa kanilang dalawa ang mas maganda. Nung natagalan sa pagsagot ang pinagtanungan nila, pabirong binanggit ng Comedy Queen na siya na lang ang piliin lalo pa’t may “pinagdadaanan” daw ito.

Pero sa sumunod na segment nila, kasama ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino, work mode na si Ai-Ai at hindi mahahalatang meron siyang isyu na kinakaharap.

Naging makulit ang palitan ng jokes ng dalawang komedyante habang kunwaring inaakit si Paulo.

Subalit sa bandang huli, nang kailangan nang umalis nina Vice at Paulo sa stage para sa solo spot ni Ai-Ai, muling nabanggit ang “pinagdadaanan” ngayon ng komedyana.

Sinabi kasi ni Ai-Ai kay Vice, “Hindi mo ba ako i-introduce? Introduce mo ang number ko."

Natatawa namang sumagot si Vice, “Sabihin ko? Ano gusto mo, the newlywed o ano…?

Napayakap naman si Ai-Ai kay Vice at sinabing, “G*** naman ‘to. Huwag n’yo na anohin!”

Agad namang sinabi ni Vice, “Bakit, may gusto ka bang sabihin? Ito na ang pagkakataon.”

Ngumiti na lamang si Ai-Ai habang itinutulak paalis ng stage sina Vice at Paulo.

Sabi pa niya, “Ayaw ko. Huwag naman dito.

“Nag-guest na nga ako sa ’yo kahit ang dami kong pinagdadaanan, e. Umalis ka na. Huwag mo nang sabihin ‘yon."

Pagkatapos ay pabirong yumakap si Ai-Ai kay Paulo, “Oh, s***! Paulo!!!!”

Ngumiti naman si Paulo at sinabi sa kay Ai-Ai, “Okay lang ‘yon.”



SEPARATION. Marami ang nagulat nang ibalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon ng umaga, May 17, sa pamamagitan ng PEP Alerts, ang paghihiwalay ng mag-asawang sina Ai-Ai delas at Jed Salang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read PEP Alert.)

Hindi inaasahan ng karamihan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari dahil noong April 3 lamang nang unang mabalita rin sa PEP ang pagpapakasal nilang dalawa sa pamamagitan ng civil wedding sa Las Vegas, Nevada.

(CLICK HERE to read related article.)

Ilang oras matapos mai-post ang PEP Alert, nag-post naman si Ai-Ai ng isang Bible verse sa kanyang personal account sa Instagram (aiaidelasalas).

“EXODUS 14:14… the Lord will fight for you and you only have to be silent… SA LAHAT PO NG MGA NAGMAMAHAL SAKEN… reg PEP ALERT IBIGAY NYO MUNA ANG PANANAHIMIK KO SA BAGAY NA ITO.. ako na mismo ang magsasabi pag ready na ako emotionally.. SALAMAT SA LAHAT NG SUPORTA AT PAGMAMAHAL NYO SA AKIN GOD BLESS EVERYONE!!”

Sa kanyang pag-alis sa Araneta matapos ang concert kagabi, kapansin-pansin na naka-shades ang komedyana.

May nakapagsabi na napaiyak ang aktres sa loob ng dressing room pagkatapos ng kanyang production number.

Subalit hanga sa kanya ang fans dahil kahit meron siyang "pinagdadaanan," the show must go on.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN