The PEP List: nominees for the first quarter is out; voting begins for PEPsters Choice!

Noong Marso 14 ay pormal na inanunsyo ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sa pangunguna ng editor in chief na si Jo-Ann Maglipon ang The PEP List. Dito ay paparangalan ng PEP ang mga artista, mang-aawit at mga palabas na nagbigay-kulay sa mundo ng showbiz sa loob ng isang taon.


And the excitement begins!

Dahil nakalipas na ang first quarter ng taon, ilalabas na ang kauna-unahang PEP List, na magbibigay-pugay sa mga hot stars, hot projects, at hot topics sa showbiz industry mula January hanggang March.

Matatandaang noong March 14, inilunsad ang proyektong ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na merong tatlong components:

1) Audited, kung saan ang resulta ay base sa official numbers— page views, unique visits, shares sa networking sites, at comments.

Narito ang 10 categories: Newsmaker of the Year, Celebrity Pair of the Year, Teen Star of the Year, Single Most-Read PEP Article, Most-Watched PEPtalk, Photo of the Year, Most Talked-About Personality, Hot Movie of the Year, Face of the Year, at Razziest Award.

2) Selected by the PEP editorial team, na dadaan sa masusing deliberations base sa itinakdang criteria.

Narito ang 12 categories: TV Show of the Year, TV Star of the Year, Showbiz Treasure of the Year, Child Star of the Year, Breakout Star of the Year, OPM Artist of the Year, FAB Award, Pinoy Pride, Thumbs Up Awardee, Staff Reporter of the Year, Top Three PEP Contributors, at PEP Reporters’ Choice.

3) PEPsters’ Choice, kung saan ang winners sa 10 categories ay base sa botong makukuha ng mga nominado sa pamamagitan ng microsite (The PEP List microsite) at mobile microsite (m.pep.ph).

Para sa pangatlong component, nakahanda na ang mga PEP List na naglalaman ng pangalan ng mga nominees!

Sino sa tingin mo ang female newsmaker ngayong first quarter?

Si Kris Aquino ba na humingi ng PPO (Permanent Protection Order) sa korte laban kay James Yap nitong March?

O si Maricel Soriano na hindi natuloy ang proyekto kasama si Gerald Anderson, pagkatapos ng outburst niya sa set noong last week ng January?

Paano na ang sentimiyento ni Kim Chiu tungkol sa budding romance ng ex-boyfriend na si Gerald at ex-confidant na si Maja Salvador noong January?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


O yung isyu ng mga magulang ni Heart Evangelista laban sa boyfriend nitong si Chiz Escudero noong third week ng March?

Si Sarah Lahbati kaya na nasa Switzerland ang lumikha ng pinakamalaking ingay ngayong first quarter?

Ang mga pangalang makikita sa microsite ay hango sa naitalang numbers— ilan ang nagbasa? nag-share sa networking sites? nag-comment?— sa loob ng 15 days simula noong na-publish ang artikulo.

Dumaan din ang initial list sa deliberation among the PEP staff.

Pagkatapos nito, limang pangalan ang natira kung saan pipili ang PEPsters ng kanilang choice.

Maaari kayong bumoto ng 50 beses sa microsite ng PEP List kada isang araw sa bawat kategorya, at 50 beses din sa mobile site kada isang araw sa bawat kategorya.

Bawat katapusan ng voting period ay ilalabas ng PEP ang kabuuang bilang ng boto para sa bawat nominado, sa bawat kategorya, na itatala at beberipikahin muna ng Punongbayan & Araullo auditing firm.


THE NOMINEES. Narito na ang mga nominees (in random order) na naging visible, nagkaroon ng project o award, at tumatak sa showbiz fans sa unang bahagi ng 2013:

FEMALE TV STAR: Sarah Geronimo, Kris Aquino, Marian Rivera, Kim Chiu, at Jodi Sta. Maria.


MALE TV STAR: Robin Padilla, Coco Martin, Richard Yap, Derek Ramsay, Vice Ganda

FEMALE NEWSMAKER: Kris Aquino, Kim Chiu, Heart Evangelista, Sarah Lahbati, Maricel Soriano


MALE NEWSMAKER: Gerald Anderson, James Yap, Derek Ramsay, Chiz Escudero, Willie Revillame

CELEBRITY PAIR: Nikki Gil and Billy Crawford, Ogie Alcasid and Regine Velasquez, Kim Chiu and Xian Lim, Toni Gonzaga and Paul Soriano, John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban

FEMALE TEEN STAR: Julia Montes, Kathryn Bernardo, Julie Anne San Jose, Sophie Albert, Louise Delos Reyes

MALE TEEN STAR: Daniel Padilla, Elmo Magalona, Derrick Monasterio, Khalil Ramos, Kristoffer Martin

CHILD STAR: Ryzza Mae Dizon, JB San Agustin, Zaijian Jaranilla, Mona Louise Rey, Bugoy Cariño, Xyriel Manabat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BREAKOUT ARTIST: BB Gandanghari, Angeline Quinto, Daniel Padilla, Vin Abrenica, Isabelle Daza

SHOWBIZ TREASURE (FEMALE): Gloria Romero, Anita Linda, Gina Pareño, Nova Villa, at Luz Valdez

SHOWBIZ TREASURE (MALE): Eddie Garcia, Ronaldo Valdez, Joey de Leon, Eddie Gutierrez

FAB (FEMALE): Angel Locsin, Anne Curtis, Judy Ann Santos, Solenn Heussaff, Bea Alonzo

FAB (MALE): Piolo Pascual, Xian Lim, Enchong Dee, Coco Martin, Enrique Gil

OPM ARTIST (base sa datos na ibinigay ng Odyssey): Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Gloc9, Piolo Pascual, Aimee Torres


PRIMETIME TELESERYE: A Beautiful Affair; Apoy Sa Dagat; Aryana; Aso ni San Roque; Enchanted Garden; Ina, Kapatid, Anak; Indio; Juan Dela Cruz; Kahit Konting Pagtingin; Kahit Puso’y Masugatan; Kailangan Ko’y Ikaw; Kidlat; Mundo Mo’y Akin; Never Say Goodbye; Pahiram ng Sandali; Paroa: Kuwento ni Mariposa; Princess and I; Temptation of Wife

PEPsters, let the voting begin. Simulan na ang inyong PEP List!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN