Kristoffer Martin on girlfriend Joyce Ching: “Feeling ko kasi, mas gusto ni Joyce yung biglaan... yung spontaneous lang.”

Kristoffer on what she likes most about Joyce: “Nandoon yung concern niya parati kaya mahal na mahal ko ang taong ’yan.”


Kahit itinambal na si Kristoffer Martin kay Kim Rodriguez sa GMA-7 afternoon drama series na Kakambal Ni Eliana, wala naman daw nababago sa relasyon niya with his real girlfriend na si Joyce Ching.

Sinabi ng Kapuso tween actor na kung ano raw ang nakasanayan nilang gawin ni Joyce noon ay nagagawa pa rin nila ngayon, tulad ng panonood ng sine at pag-dinner sa labas.

Pero depende nga raw iyon sa magiging schedule niya dahil three times a week ang taping niya para sa Kakambal Ni Eliana at madalas ay nasa location sila.

Pinapasalamat nga ni Kristoffer na very understanding ang kanyang girlfriend. Kapag may trabaho siya sa dapat na date night nila, hindi raw ito nagagalit.

“Very understanding naman talaga si Joyce, e.

“Alam naman niya ang schedules ng tapings ko. Kapag may naiba, pinapaalam ko naman sa kanya.

“Hindi naman siya yung demanding na girlfriend.

“Kung kelan ako puwede talaga, dun ko siya yayayain na lumabas.

“Ang maganda pa ay tinatanong niya muna ako kung puwede ba akong magpuyat kasi nga inaalala rin niya na baka may taping ako kinabukasan.

“Nandoon yung concern niya parati kaya mahal na mahal ko ang taong ’yan,” ngiti pa ni Kristoffer nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Kakambal Ni Eliana sa Heroes Hill Subdivision, Quezon City kamakailan.

LOVES SURPRISING JOYCE. Mahilig ngang sorpresahin ni Kristoffer si Joyce. Kapag alam niyang nasa bahay lang ang kanyang girlfriend ay bigla na lang niya itong pupuntahan na unannounced.

“Madalas akong gano’n. Magugulat na lang siya na nandoon na ako sa may pintuan,” kuwento ni Kristoffer.

“I like to surprise her kasi natutuwa ako sa reaction ng mukha niya.

“Like minsan, sinabi ko na hindi muna tuloy ang movie date namin kasi biglang may dumating na work. Okey lang naman sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero gusto ko lang siyang i-surprise talaga.

“Ginagawa ko naman ’yan kapag alam kong matagal na kaming hindi lumalabas dahil nga sa work.

“Kaya sosorpresahin ko siya sa bahay nila. Matatawa na lang siya kasi ginulat ko na naman siya sa pagdating ko bigla.

“Doon ko na siya yayayain lumabas at ituloy na ang date namin.

“Feeling ko kasi, mas gusto ni Joyce yung biglaan kesa sa pinaplano pa namin. Yung spontaneous lang,” diin pa niya.

Isa pang gusto ni Kristoffer kay Joyce ay ang hindi pagiging selosa nito.

Dagdag niya, “Tinatanong ko naman siya kung nagseselos ba siya kay Kim? Natatawa lang siya.

“Sa totoo lang, hindi nga siya nagseselos. ’Tsaka magkakilala naman sila ni Kim. Nagkasama kami sa Reel Love Presents Tween Hearts before, di ba?

“Though hindi naman sila yung super-close or magbarkada noon, kapag nagkita sila, okey sila. Walang awkward feeling. Nagtsitsikahan naman sila.

“Tsaka minsan, kinukumusta ni Joyce si Kim. Baka raw kasi naiirita na si Kim sa pagiging makulit ko!” sabay tawa niya.

JOYCE GEARS UP FOR REMAKE. Pero mukhang magiging busy nga rin daw si Joyce dahil magsisimula na ito ng taping para sa bagong drama series, ang muling pagbabalik ng ‘90s series na Anna Karenina.

Ang mga nagbida sa original series na ito na umere noong 1996 ay sina Antoinette Taus, Sunshine Dizon at Kim delos Reyes. Sa 2013 remake, ang mga bida na ay sina Barbie Forteza, Joyce Ching at Krystal Reyes.

Magiging partners nila dito sina Derrick Monasterio, Hiro Magalona at Julian Trono.

Natuwa nga si Kristoffer dahil sa bagong show ng kanyang girlfriend at bida ito kasama sila Barbie at Krystal.

“Siyempre, una akong natuwa na may bagong show ang girlfriend ko,” masaya niyang saad.

“Medyo matagal din siyang napahinga after Mariposa.

“Ngayon ay pareho na kaming magiging busy.”

At ang partner nga ni Joyce ay si Hiro Magalona na matagal nang kaibigan ni Kristoffer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Barkada ko ’yang si Hiro. Iisa lang ang manager namin,si Tito John Fontanilla.

“Wala akong dapat na ikaselos dahil kaibigan ko nga si Hiro.

“Kaya alam kong magiging okey siyang partner kay Joyce,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN