Enzo Pineda clears rumors about getting back with ex-gf Louise delos Reyes: “Sa pagiging friends ulit namin, puwede kaming magsimula ulit.Who knows na baka maging kami ulit?”

Enzo on the possibility of getting back together with Louise: “We both realized na masyado kaming pumasok sa isang bagay na sobrang bilis. Yung pakikipagrelasyon pala, it has to take time. Kailangan ay kilalanin namin ng husto ang bawat isa. If we are meant to be, mangyayari ’yon,”


Pinabulaanan ni Enzo Pineda ang balitang nagkabalikan na raw sila ng kanyang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes.

Mayroon kasing nagbalita na nakita silang sweet ulit ni Louise noong pareho silang nag-attend ng 50th anniversary show ni German “Kuya Germs” Moreno sa Resorts World Manila.

Pero nilinaw nga Starstruck 5 First Prince na walang balikang nangyari sa kanila ni Louise.

“Naging good friends lang ulit kami.

“Ever since the breakup kasi, hindi naging maganda yung mga nangyari sa amin.

“Nandiyan yung hindi niya ako pinapansin kapag nagkakasalubong kami.

“But I am still a gentleman. Hindi naman ako pinalaking bastos ng mga magulang ko.

“Kahit na alam kong hindi niya ako papansinin, binabati ko pa rin siya.

“I still say ‘hi’ to her kahit na alam kong dededmahin niya ako.

“Ako naman, ayoko ng gano’n kasi. Nagsimula kasi kami ni Louise bilang magkaibigan.

“Sana kahit paano, we stay as friends,” hiling ni Enzo sa aming panayam sa kanya sa set ng Kakambal Ni Eliana sa Heroes Hill Subdivision, Quezon City.

Nagkaroon nga ng pagkakataon si Enzo na makausap na si Louise—hindi para magkabalikan sila, kundi para maging maayos ulit ang kanilang pagiging magkaibigan.

“We both decided to be good friends na lang,” dagdag ng binata.

“We both realized na masyado kaming pumasok sa isang bagay na sobrang bilis.

“Yung pakikipagrelasyon pala, it has to take time. Kailangan ay kilalanin namin ng husto ang bawat isa.

“Sa pagiging friends ulit namin, puwede kaming magsimula ulit.

“Who knows na baka maging kami ulit? Anything naman is possible.

“If we are meant to be, mangyayari ’yon,” diin niya.

Pero sa pagkakataong ito nga raw ay mas gustong mag-concentrate muna ni Enzo sa kanyang career.

NOT COURTING KIM. Nagpapasalamat nga siya na maganda ang pagtanggap ng marami sa Kakambal Ni Eliana. At maayos ang pakikipagtrabaho niya sa bida ng serye na si Kim Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw din ni Enzo na hindi siya nanliligaw kay Kim.

Aniya, “Hindi ko po priority ang manligaw or magkaroon ng bagong girlfriend.

“Kami naman po ni Kim, very professional ang relationship namin.

“We are both actors at kailangan ipakita namin na seryoso kami sa trabaho namin.

“Pareho kaming may goal sa buhay at yun ay ang mabigyan pa kami ng mas magaganda pang projects in the future.

“Kaya focus lang kami sa work.

“Kami nga nila Kim, Kristoffer [Martin] at Lexi [Fernandez], we work as a team. Gusto namin na maging maganda lahat ng mga eksena namin sa series.

“Kaya nagtutulungan kami parati. Gusto namin na lahat kami magaling sa show na ito,” diin ni Enzo.

ALMOST DONE WITH COLLEGE. One year to go na lang pala si Enzo para matapos na niya ang kurso niyang Entrepreneurial Management sa University of Asia and the Pacific in Pasig City.

Nag-leave of absence muna si Enzo dahil sa magkakasunod na trabaho niya.

“Tatapusin ko ang course ko kasi yun ang promise ko sa mga parents ko.

“Since one year na lang, I will try my best na tapusin ‘yan.

“I would like to start my own business someday. Kaya kailangan kong makatapos.

“Yung ibang mga classmates ko kasi, tapos na sila at may sarili na silang mga career na rin.

“Ayoko namang umabot ng edad na 25-years old na hindi pa ako tapos ng college.

“I’m 22 years old now. God-willing bago ako mag-24 years old ay tapos na ako,” ngiti pa niya.

SAD ABOUT PARTY PILIPINAS ENDING. Anyway, isa nga si Enzo sa nalungkot sa pagsasara ng Party Pilipinas ng GMA-7.

This Sunday (May 19) ipapalabas ang pinakahuling episode ng naturang noontime musical-variety show kaya hindi raw nila maiwasan ang malungkot.

“Malaki ang nagawa sa amin ng Party Pilipinas. Lalo na sa batch namin sa Starstruck 5. Right after kasi ng Starstruck, ang Party Pilipinas ang naging unang show na naging regular kami,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Diyan kami natutong maging mahusay na mga performers.

“Lalo na ako, dancing ang pinaka-expertise ko. Kaya lalo akong nagkaroon ng confidence sa live stage.

“Mami-miss ko ang mga rehearsals namin. Especially kapag may big dance number kami nila Mark Herras, Aljur Abrenica, Rocco Nacino at Sef Cadayona. Pinagpupuyatan talaga namin ang pag-ensayo.

“Maganda ang samahan namin sa Party Pilipinas kaya hindi namin maiwasan ang malungkot talaga.

“Wala po akong balita kung ano ang ipapalit nila sa Party Pilipinas. Pero kung ano man ang ipalit nila, sana ay makasama ulit kami,” pagtatapos niyang asam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN