Barretto sisters post party photos on Instagram—Marjorie’s birthday party and Claudine’s pajama party

Kahapon ay nag-post ng kani-kanilang mga larawan sa Instagram ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto. Si Marjorie ay nagkaroon ng birthday party na dinaluhan ng kanyang mga kapatid na sina Gretchen, Mito, at Jayjay; habang si Claudine ay nagkaroon ng pajama party kasama ang kanyang mga anak at pamangkin. Wala si Claudine sa party ni Marjorie, at wala naman sina Marjorie at Gretchen sa party ni Claudine.


Ngayong araw, May 19, ang 38th birthday ni Marjorie Barretto, pero kagabi naganap ang isang intimate salo-salo nito with family and friends.

Kaugnay nito, nag-post si Marjorie sa kanyang Instagram account (marjbarretto) ng mga larawan na kuha sa kanyang party.

Sa mga larawan, makikitang kumpleto ang mga anak ni Marjorie, kasama ang mga kapatid na sina Jayjay, Mito, at Gretchen.

Sa isang larawan ay makikitang kayakap ni Marjorie si Gretchen habang nasa likuran nila sina Jayjay at Mito.

Ang caption ni Marjorie: “They love and protect me no matter what...My two brothers and best sister in the world @gretchenbarretto.” May 1,000 plus likes na ito.

Sa Instagram account naman ni Gretchen (gretchenbarretto) ay nag-post ang aktres ng larawan na kayakap din si Marjorie at nasa likod din nila sina Mito ay Jayjay.

May caption ito na: “Happy birthday my dearest mahal @marjbarretto ♥@jjbarretto & mito barretto.” May 1,600 plus likes na ito.

Sa ilang mga komento sa parehong litrato ay may naghahanap kina Claudine Barretto at Gia Barretto-Reyes, dalawa pa nilang kapatid. Ang isa pang kapatid ay si Michie.

Pitong lahat ang mga anak nina Inday at Mike Barretto.



CLAUDINE’S PAJAMA PARTY. Si Claudine naman ay kahapon din nag-post sa kanyang Instagram account (claubarretto) ng larawan niya kasama ang limang bata.

May caption ito na: “Pajama party tonight with kids!” May halos 600 likes na ito.

Three days ago ay nag-post din si Claudine sa kanyang Instagram account ng larawan kasama si Sabina. May caption ito na "My Princess Sabina & i having a message."

Sa isang post naman ay makikita sina Sabina at Santino na nagluluto ng hotcakes at may caption itong "Slappy cakes."

Dito naman ay may tatlong followers si Claudine na nag-comment, na kanyang sinagot ng puro pasasalamat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN