Alden Richards on termination of Party Pilipinas: “Life goes on.”

Alden on being "bashed" by loyal fans of Julie Anne San Jose and Elmo Magalona: “Ang hirap…ang hirap lumugar. May mga fans na hindi talaga maintindihan ang situation na we’re friends.Na sila yung nagbibigay ng malice.”


Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit malungkot ang young actor na si Alden Richards sa dressing room ng Party Pilipinas kaninang tanghali, May 19.

Nakasalampak lang ito sa sofa na tila wala sa mood at naghihintay na lang ng kanyang production number.

Bungad ng baguhang aktor, “Kasi last day na ng Party Pilipinas.

“Kelan lang nga ba ako naging regular dito? Siguro two years and a half ago. Hayun.

“Napamahal na sa akin ang show.

“Ang dami kong memories dito.

“Hindi ko ini-expect noon na magiging stage performer ako, doing singing, dancing and more...

“Dito talaga ako na-develop as an artist.”

Dagdag pa niya, “As an artist, it’s worth the while. Hindi nasayang yung oras na tuwing Sunday ay excited kami na pumunta dito sa GMA.

“Tapos, all of a sudden ay heto na nga.

“We’re all saddened na all of a sudden... heto, na-cancel na.”

TRAINING GROUND. Malaki raw ang nagawa ng Sunday noontime show na ito sa kanyang career.

Pag-amin ng sumisikat ng aktor, “Malaki. Kasi kapag artista ka, hindi naman kinakailangan na marunong ka lang umarte o magaling ka lang sumayaw at marunong kumanta.

“Kailangan buo ka, at itong Party P nga ang humubog sa skills ko... sa talent ko.

“Maging sa personality ko ay malaki ang nagawa ng show sa akin. Like, ang ibang artista ay dito kami nagkikita-kita. Nag-i-ipun-ipon. Nagsasama-sana.

“So, ang dami kong na-meet.”

Noon pang nakaraang linggo nila nalaman na huling araw na ng Sunday show na halos tatlong taon ding umere.

Aniya, “Last Saturday [May 11] evening, after rehearsal, bigla na lang nilang sinabi sa Team A na tomorrow [May 12] will be their last dito sa Party P.

“At ang Team B naman will be today.

“So, nagulat ang lahat.”

CLUELESS ABOUT TERMINATION? Sa tingin niya, ano ang dahilan sa biglaang pagkakasenla ng show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng Party P mainstay, “Kasi parang marami ang nagsasabi na… hindi naman actually bad comments pero marami ang pumupuna.

“So, after sabihin ang news na yun, na-challenge kami lahat. We did our best.

“Napuno naman namin yung SM Manila, thankfully.

“Pero, yun nga, it’s gonna end.”

Nanghihinayang siya sa pagkawala sa ere ng show na naging Sunday habit ng lahat ng involved sa production— artists, cameramen, crew, personal assistants at iba pa.

But then somehow ay inaasahan na raw niya na darating ang araw na ito.

Pahayag ni Richard, “Nasasayangan kami kasi ito talaga ang venue namin in performing.

“Ini-expect ko na ito.

“Kasi noon, ang dami nang speculations na last na ’to — na bibigyan na lang nila kami ng three months... then two months.

“Heto na nga, nangyari na.

“Hindi naman talaga ako na-shock. Pero, nalulungkot pa rin ako.”

Sa tingin ba niya ay kasama siya sa ipapalit na show?

GAME SHOW TO REPLACE PARTY P? Ang balita ay isang game show na may halong variety show ang nakatakdang ipalit sa Party Pilipinas.

“Hindi ko alam,” pasubali niya. “Hindi pa naman kasi official kung ano ang ipapalit.

“Pero sana ay makasama ako.

“Sana nga kami-kami pa rin ang magkakasama para masaya.

“Iba kasi ang bonding namin dito.”

Kaya nga raw marami siyang mami-miss sa mga mainstays.

“Marami,” sagot niya na unti-unti nang nawawala na ang lungkot sa mukha, “Mga kaibigan ko.

“Halos lahat naman nakapalagayan ko ng loob. Naging mga ka-close ko.

“Hindi ako nahirapan makisama sa kanila.”

Sabay turo namin kay Julie Anne San Jose na nakikinig sa aming panayam.

Nangingiting sambit ng nali-link sa young singer na katabi niya, “Of course, kasi dito rin lang kami nagkikita niyan.

“Dito rin lang kami nagkakausap na dalawa at wala na nga ngayon.

“Magkakaroon na kami ng less communication.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, hindi naman ito ang end ng lahat. Hopeful pa rin ako na may projects or shows na magkakasama pa kami.”

IRKED BY “CONFRONTATIONAL” FANS. Kaya nga hindi matapus-tapos ang mga intriga at isyu sa pagitan nilang dalawa ni Julie Anne.

Pahayag niya sa tonong nagpapaliwanag talaga, “Oo nga, lalo na’t solid talaga ang fans nina Julie at Elmo [Magalona].

“Ang hirap…ang hirap lumugar.

“May mga fans na hindi talaga maintindihan ang situation na we’re friends.

“Na sila yung nagbibigay ng malice.”

Dugtong pa niya, “Kasi hindi lang naman ako ang nalalagay sa ganitong sitwasyon na nag-aaway-away ang fans.

“Ewan ko kung bakit.

“Ilang beses ko na ring ipinaliwanag sa kanila but I guess hindi nila maintindihan yun.

“Sarado ang isip nila na heto lang ang gusto naming gawin.”

Wala na raw siyang pakialam sa magiging reaksyon ng iba sa pagiging magkaibigan nilang dalawa.

“We will say what we have to say,” mariin niyang sabi, “And we will do what we’re gonna do.

“Wala na kaming magagawa.

“So, ako, bahala sila. Ako, tao lang.

“Heto ang trabaho ko at hindi ako gagawa ng isang desisyon na ikasisira ng career ko.”

Sabi pa niya, “It’s very upsetting. Nakakainis...

“Yung iba kasi dinadamay ang family ko. Hindi naman siguro tama na pati ang pamilya ko idamay nila.

“Kahit naman sino, kapag involved na ang family ay talagang maiinis na.

“Kasi hindi naman sila ang artista. Hindi naman sila yung nasa trabahong ganito.

“Kung ako lang sana, magiging okey pa ako.”

LIFE GOES ON. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa mga ganitong pang-aasar simula pa noong mag-ambisyon pa lang siyang maging isang artista.

Ani Alden, “Noon pa man handa na ako. Minsan lang kasi nakakapikon din.

“Alam ko ang pinasok kong trabaho. Alam ko na hindi ito opisina na parang tahimik lang ang lahat na gumagawa ng kanilang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bilang tao, meron din tayong limitasyon. Pero sa ngayon, okey naman ako.

“Hangga’t kaya ko pa, sige lang.”

Dagdag pa niya, “Life goes on. Hindi naman tayo nawawalan ng problema.

“Itong pagkawala ng Party P, isa lang ito sa challenges sa buhay naming lahat.

“It does happen naman sa lahat ng tao.

“Basta, life goes on talaga,” pagtatapos niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN