Ritz Azul insists there is nothing going on between her and Derek Ramsay

Posibleng magkaroon ng kissing scene ang young star na si Ritz Azul sa veteran dramatic actor na si Christopher de Leon sa kanilang teleserye sa TV5 na Misibis Bay. Sabi ni Ritz tungkol dito, “Kasi katulad noon, yung kissing scene namin ni Derek… Di ba sinabi ko noon na hindi pa ako ready? Pero noong day na ini-explain sa akin ni Direk Mike, naging ready ako doon sa kissing scene.”


Pagkatapos ng Kidlat, magbibidang muli si Ritz Azul sa bagong mini-series ng TV5, ang Misibis Bay.

Ang dating working title ng Misibis Bay ay Temptation Island na mula sa direksiyon ng indie at Survivor Philippines director na si Monti Parungao.

Makakasama ni Ritz dito ang Kapatid stars na sina Daniel Matsunaga, Vin Abrenica, Victor Silayan, Luke Jickain, Malak So Shdifat, at Megan Young.

Tampok din dito ang mga premyadong artista na sina Christopher de Leon, Vivian Velez, at Ms. Boots Anson-Roa.

Unang nabigyan ng break si Ritz sa Nagbabagang Mga Bulaklak na sinundan ng Glamoros at Kidlat.


Ngayon naman ay bida siya ulit sa Misibis Bay.

BATTLE OF THE SEXY BODIES. Noong Huwebes, May 16, ay ginanap ang story conference ng mini-serye sa Max’s restaurant. Dito nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz.

Nangingiting ibinahagi ni Ritz ang pagdadaanan niyang challenge sa gagampanang role.

Aniya, “Sobrang kumplikado ng role, sobrang iba sa mga ginanapan ko na dati.

“And kung saan sa Kidlat lighter siya, ‘eto heavier naman… sexy-drama kasi siya.

“Magpapa-sexy ako—kailangan dahil part siya ng show."

Gaano ka-sexy?

Sabi ni Ritz, “Alluring… sexy! Abangan na lang nila kasi iba talaga. Lahat ng mga tao dito nagpapaka-sexy.”

Ayon sa producer ng project na si Camille Montano, halos lahat ng lalabasang eksena ni Ritz ay kailangang sexy ang mga damit niya.

Sabi naman ng young actress, “Nakakatuwa nga dahil workshop pa lang namin… yung unang day, kain kami nang kain.

“Yung second-day workshop namin, sina Daniel, Malak, Megan, sobrang diet na.”

Bagamat napansin naming pumayat na si Ritz, confident na ba siya sa kanyang pangangatawan ngayon?

Tugon niya, “Compared dati, oo. Mas confident na ako bilang nag-FHM na rin ako.

“Nagma-mature na rin ako… and well, ginagawa ko lang naman yung trabaho, gusto kong maging professional.

“Yun ang trabaho ko, yun ang hinihingi ng script and… mahal ko kasi ang trabaho ko, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LEVEL UP. Ngayong pumayat na siya, pakiramdam ba niya ay puwede nasiya magpa-sexy sa kanyang roles?

Sagot ng 19-year-old actress, “Dati pa naman ako nagpapa-sexy, hindi lang ganoon kahalata.

"Ngayon, mas level up ng konti.

“Pero hindi naman siya all-out talaga na seksing-sexy… sexy siya pero may drama.”

May lumabas na isyu noon kay Ritz na habang ginagawa niya ang Kidlat, pinagsabihan siya ng heads ng TV5 na magpapayat na. Totoo ba itop?

“Oo, totoo yun," pag-amin niya.

"Nakita naman natin yung first week ng Kidlat, yun ang time na na-stress ako, napakain ako.

“Maganda naman ang pagkakasabi nila, hindi ako pinagagalitan talaga.

“Lagi naman nila akong nire-remind kung ano yung dapat kong i-improve… so naging part yun ng sinabi nila.”

Kapag hindi siya magpapapayat, mawawalan ba siya ng projects?

Sabi ni Ritz, “May point na kinabahan ako.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Shucks! Parang hindi ko na yata nagagawa nang maayos yung trabaho ko! Kailangan ko itong gawin maigi… ‘Eto ang gusto ko, kaya dapat lang na ipaglaban ko ang gusto ko.’

“Nagulat din sina Direk Mike [Tuviera], bigla akong pumayat. Sabi nila, ‘Bakit? Anong nangyari?’

“Nag-diet ako, nag-workout, nag-Zumba, nag-Muay Thai… lahat ginawa ko talaga.

“Medyo nag-crash dieting ako and itinutuluy-tuloy na rin.

"Kasi, ang seseksi ng mga kasama ko dito [Misibis Bay], dapat sasabay ako.”



LUCKY DUO. Hindi lang si Ritz ang may magandang standing sa TV5. Ang kasamahan niya at winner ng Star Factor na si Eula Caballero ay may ongoing show rin ngayon—ang Cassandra: The Warrior Angel.

Feeling ba ni Ritz ay masuwerte sila ni Eula dahil hindi sila pinababayaan ng istasyon?

“Oo naman, sobra!" bulalas niya.

"Sobrang suwerte namin kasi yung focus ng network, masasabi kong nasa amin din.

“Binabantayan kami… lahat ng dapat naming i-improve, sinasabi nila, tinutulungan kami. Thankful kami.”

May usap-usapan na kinaiinggitan daw silang dalawa ni Eula ng ibang talents ng Kapatid network dahil magaganda ang projects na ibinibigay sa kanila. Ano ang masabi ni Ritz dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Hindi ko narinig yung mga ganoong issue, e.

“Ako naman kasi, masaya ako na may natatanggap akong mga shows.

“After noong Kidlat, meron na naman ako, ‘eto ngang Misibis Bay. So, sobrang saya ko.

"Ginagawa ko lang talaga yung best ko.

“And siguro… well, masasabi kong nagta-trust din yung network sa amin. Kasi, sobrang nagta-trust din kami sa network.”



GETTING READY. Kahit hindi pa detalyado ang mga eksenang gagawin ni Ritz, posibleng magkaroon ng kissing scene o di kaya’y bed scene si Ritz kay Christopher de Leon sa Misibis Bay.

Handa na ba siya sa ganitong paghaharap nila ng award-winning actor?

“Hmmm… abangan na lang. Kasi katulad noon, yung kissing scene namin ni Derek…

“Di ba, sinabi ko noon na hindi pa ako ready? Pero noong day na ini-explain sa akin ni Direk Mike, naging ready ako doon sa kissing scene.”

Ano ang nararamdaman ni Ritz sa nalalapit na paghaharap nila sa kamera ng isang Christopher de Leon?

“Excited ako, kasi award-winning actor siya at matagal ko na rin siyang pinapangarap na makatrabaho.

“Inaasahan ko na marami akong matutunan sa kanya and siyempre, iba yun, e—Christopher de Leon yun… medyo may kaba!”

Kilala sa husay sa acting ang tinaguriang “Ms. Body Beautiful” na si Vivian Velez.

Gaganap na kontrabida si Vivian sa Misibis Bay. Hindi ba kabado si Ritz sa mga eksena nila?

“Well, hindi naman. Hindi pa kasi kami nagmi-meet.

"Siguro pag na-meet kami, yun na.

“Malalaman ko kung ano ang mararamdaman ko.”



FOR REAL? May kumalat na balitang nagkamabutihan na sila ni Derek habang ginagawa nila ang Kidlat.

May real-life romance bang naganap sa kanilang dalawa ng Kidlat lead actor?

Natawa muna si Ritz bago siya sumagot.

“Well, lagi naman kaming nagbibiruan ni Derek sa taping. Lalo na before nung kissing scene, lagi niya akong binibiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And nagkakayaan din kaming kumain sa labas, pero group.”

Hindi ba nagpaparamdam si Derek ng interes sa kanya?

Natawa uli si Ritz at parang nailang sa narinig niyang tanong.

“Hindi naman siguro… pero friends-friends kami.

"Kasi, kami talagang apat nina Erika [Padilla] at si Gerald Napoles, ako at si Derek.

“Hindi kami partner-partner, friends lang kaming apat,” nangingiting sabi ni Ritz.

Nililigawan ba siya ni Derek?

“Hindi. Friends nga kaming apat,” mabilis niyang sagot.

Hindi pa ba nagpaparamdam si Derek sa kanya hanggang ngayon?

“Hanggang ngayon, nag-uusap-usap pa kaming apat.”

Silang dalawa lang ni Derek?

“Siyempre, minsan nag… nag… tulad noon, nag-campaign kami sa Bicol para kay Kuya Aga [Muhlach].

“Tinulungan namin siya… ganoon lang,” giit niya.



DEFENSIVE. Panay ang iling ni Ritz habang nangingiti sa mga pang-uusisa sa kanya kung ramdam ba niyang may ipinapakitang interes si Derek.

“Hindi ko alam… hindi ko alam. Wala naman siguro,” sabi niya.

May takot ba siyang ma-link or maging sentro ng atensiyon ni Derek?

Napakunot-noo muna si Ritz saka nagsalita.

“Bakit takot? Hindi naman siguro, wala namang takot…

“Ano yun? Takot na baka ma-link kay Derek? Hindi naman ako takot.

“Kung ano yung nakikita ng tao, go with the flow… friends lang talaga kami,” giit ni Ritz.

Pero nasabi niya sa isang interview namin na ready siyang mag-boyfriend, pagpapaalala sa young actress.

“Oo,” mabilis niyang tugon.

“Bakit mo naman ipinapaalala?” tanong pa niya.

Ibig bang sabihin, kung sakaling manligaw si Derek, puwede niyang sagutin at maging boyfriend?

“Well, tignan na lang natin. Ayoko namang magsalita,” sagot niya.

May nababasa kami sa mga reaksiyon at mga pangiti-ngiti ni Ritz sa pagtatanong namin tungkol sa kanila ni Derek.

Pero depensa niya, “Wala naman talaga—nagkikita-kita lang kaming apat, group kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN