Ai-Ai delas Alas receives Louis Vuitton bag from friend Willie Revillame

Ilang oras matapos ang kanyang emosyunal na rebelasyon tungkol sa paghihiwalay nila ng asawang si Jed Salang, patuloy ang takbo ng buhay para sa komedyanang si Ai-Ai delas Alas sa piling ng kanyang malalapit na kaibigan.


Matapos ang kanyang emosyunal na paglalahad ng kanilang hiwalayan ni Jed Salang sa The Buzz kahapon, May 19, tuloy ang takbo ng buhay para kay Ai-Ai delas Alas.

Hindi mababaang ang labis na sakit na nararamdaman ni Ai-Ai nang umupo siya bilang isa sa mga judge sa Pilipinas Got Talent Season 4, na nagkaroon ng live elimination kagabi.

Matapos nito, tumuloy sila nina Kris Aquino at Vice Ganda sa AFP Theater para sa 44th Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. (GMMSFI).

Ginawaran ang tatlo bilang Phenomenal Box-Office Stars dahil sa tagumpay ng kanilang pelikulang Sisterekas (2012).

Kaugnay nito, nag-post si Ai-Ai ng larawan nilang tatlo nina Kris at Vice sa kanyang Instagram account (aiaidelasalas).

May caption ito na: “GMFAWARD...PHENOMENAL BOX OFFICE STARS...ME, FRIENDSHIP KRIS, VICE MARIE...TO GOD BE THE GLORY SALAMAT PO SA BLESSING NA ITO.”

Meron na itong 2,600-plus likes.

Matapos nito, nag-post ng isang quotation si Ai-Ai: “Dear God, thank you for everything.”

May note din siyang: “maraming salamat po PANGINOON...at sa buong sambayanang pilipino dito man at sa lahat ng sulok ng mundo...THANK YOU PO SA DASAL, SUPORTA AT PAGMAMAHAAL NINYO...GOD BLESS EVERYONE.”

Ngayong araw naman, May 20, nag-post si Ai-Ai ng larawan nila ng kaibigang si Willie Revillame at ng isang bag na aniya’y regalo sa kanya ng TV host.

Sabi ni Ai-Ai tungkol sa mga larawan:

“GOOD MORNING...NAPAKASAYA NG UMAGA KO PAG GISING KO ETO BISITA KO SI WILLI REVILLAME...isa kang TUNAY NA KAIBIGAN THANK YOU SA LV [Louis Vuitton] BAG...THANK SA PERA IBINIGAY MO SA ATE KO MGA YAYA AT DRIVER...LABYU WILL...GOD BLESS YOU MORE...SANA 2 pa EROPLANO MO HEHEHE MABUHAY KA.”

Samantala, wala pang naririnig mula sa kampo ni Jed Salang pagkatapos ng mga naging pahayag ni Ai-Ai laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN