Director Wenn Deramas supports Ai-Ai delas Alas’s decision to leave husband Jed Salang

Bilang matalik na kaibigan ni Ai-Ai delas Alas, itong ang pahayag ng direktor na si Wenn Deramas tungkol kay Jed Salang: “Hindi ako galit. Hindi naman ako ang nabugbog. Hindi naman ako ang hinagis niya sa kama. Hindi naman ako yung ganun, yung kinaladkad. Pero sabi ko nga, nandoon yung simpatiya ko kay Ai-Ai. Siya yung kakampihan ko anytime. Huwag mangyayari na mangyari na kasama ko si Ai-Ai. Dyusko, mapapasigaw ako ng ‘Darna!’ Lagot si Jed, alam niya yun.


Bilang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Ai-A delas Alas, kinunan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang direktor na si Wenn Deramas tungkol sa paghihiwalay ng komedyana at ng asawa nitong si Jed Salang.

Nakausap ng PEP si Direk Wenn sa 44th Box Office Entertainment Awards na ginanap kagabi, May 19, sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Cubao, Quezon City.

Tumanggap siya ng parangal bilang Most Popular Film Director.

Ang hiwalayan nina Ai-Ai at Jed ay kinumpirma mismo ng Comedy Concert Queen sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon.

Sinabi niya na naghiwalay sila noong May 2, kulang-kulang lamang isang buwan pagkatapos nilang ikasal sa Las Vegas, Nevada noong April 3.

(CLICK HERE to read related story.)



LONGTIME FRIENDSHIP. Matagal na panahon na ang itinatakbo ng pagkakaibigan nina Direk Wenn at Ai-Ai bilang ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila.

Ilan sa mga pelikula ni Ai-Ai na si Wenn ang nagdirek ay ang mga sumusunod: Ang Tanging Ina (2003), Volta (2004), Ang Cute Ng Ina Mo (2007), Pasukob (2007), Ikaw Pa Rin Bongga Ka Boy! (2008), Ang Tanging Ina Nyong Lahat (2008), BFF: Best Friends Forever (2009), Ang Tanging Pamilya (2009), Ang Tanging Ina Mo (2010), at Sisterakas (2012).

Ano ang reaksiyon ni Direk Wenn sa sinapit ng pagsasama nina Ai-Ai at Jed?

Sabi niya, “Matagal na niyang [Ai-Ai] nasabi ‘yan sa akin, e. Siguro May 5 o May 7… parang ganun.

“Tumahimik na muna ako kasi yun naman ang kanyang request—na hayaan muna siya.

“Bilang kaibigan—‘kakambal’ nga ang tawag ko—nakikisimpatiya ako.

“Umiyak ako nang sobra dun sa interview sa kanya sa The Buzz kasi nararamdaman ko yung pinagdadaanan niya. Hindi madali yun, e.

“Sa lahat ng ginusto niya ay heto lang tayo, hindi nawala.

“Kasi, mahirap yung kapag ikaw lang ang nagtatrabaho sa isang relasyon. Mahirap…

“Kasi dapat dalawa kayo. Dapat ay pareho ninyong gusto at pareho ninyong mahal ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi magwu-work ‘yan kung ikaw lang.”

Noong nalaman niya na may ganitong pinagdadaanan si Ai-Ai, ano ang naging payo niya sa kaibigan?

“Ang unang salitang lumabas sa akin ay ‘Alam kong hindi ka okey kaya hindi ko na tatanungin kung okey ka na.’ Di ba?

“May proseso ‘yan, e.

“Binibigyan namin ng taning ang isa’t isa na, ‘O, tatlong buwan lang.’

“Para siyang sakit na pagkatapos ng tatlong buwan ay okey ka na dapat.

“Kilala ko si Ai-Ai, si Aileen [totoong pangalan ni Ai-Ai], sa pagiging matapang na tao.

“Kaya niya ‘yan. Kaya niya ‘yan.”

Ano naman ang naging payo niya kay Ai-Ai noong panahong sinasaktan diumano siya ni Jed?

Sabi ni Direk Wenn, “Noong malaman ko kasi ay hiwalay na rin sila. May 2 sila naghiwalay, e.

“So, ang dapat mo na lang gawin diyan ay suportahan mo na lang sa naging desisyon niya na humiwalay.

“Yung iba ang iisipin niyan ay, ‘Ano ba, kabagu-bago lang…’

“Pero para sa akin ay siya yung may pinakatamang ginawa.

“Dahil yung iba ay nagtiis. Siya ay hindi.

“Kumbaga, kung ang ending nito ay ganito din, ngayon pa lang ay putulin na natin.”

Sabi pa niya, "So, kung ako ang tatanungin na, ‘Ang bilib-bilis naman…’

“Siya yung babaeng hindi ko naringgan na umabot isang taon, limang taon bago kumawala dun sa dinadanas niya.

“Siya yung pinakatamang ginawa, sa pagkakaalam ko.”

PHYSICAL FIGHT. Bago pa man naganap ang kasalan nina Ai-Ai at Jed ay marami nang kuwentong umiikot tungkol sa diumano’y pisikal na sakitan ng dalawa.

Pagbabalik-tanaw ni Direk Wenn, "Ang istorya nito ay merong malaking away na nangyari bago yung kasal tapos nagkabalikan.

“Yun ang naging ending [yung kasal].

“So, sa isang babaeng umasa na nanggaling sa isang matinding away ay yun na ang pinakamaganda, e—yung alukin ka ng kasal.

“Yun naman talaga ang ultimate na gusto niyang mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa pagkakaalam ko ay naglabasan yung matitinding ano [away], after the wedding.”

Kaya tama nga raw na mayrooong pre-nuptial agreement ang dalawa.

“Oo,” pagsang-ayon ni Direk Wenn. “Proteksyon na yun ng bawat babae.

“Proteksyon din yun ng bawat lalaki… lalo na si Ai-Ai ay may tatlong anak.”

Nagalit din ba siya kay Jed?

Paliwanag ng box-office director, “Hindi naman ako puwedeng magalit dun sa taong hindi naman ako ang ginawan ng atraso.

“But definitely, kung tatanungin n’yo ako kung kanino ako kakampi, siyempre dun sa taong mahal ko—si Aileen.”

Ngayon lang ba niya nakitang umiyak nang husto ang kanyang kaibigan?

Nag-isip muna si Direk Wenn bago nagsalita na natatawa, “Sa maraming bagay, sa iba’t ibang dahilan, hindi naman.

“Iba’t iba lang ang dramatic scenes ni Ai-Ai sa bawat problema.

“Pero ngayon ko lang nakita siya na umiiyak na ang sakit-sakit.

“Dati pag umiiyak siya ay natatawa pa, pero yung ngayon, hindi, e.

“Parang nakikita mo talaga kung ano ang nasa loob, e.”

THE RIGHT MAN FOR AI-AI. Matagumpay ang career ni Ai-Ai ngunit madalas ay bigo siya pagdating sa pag-ibig. Ito ba ay patunay sa kasabihang “one can’t have everything”?

Pananaw ni Direk Wenn, “Hindi naman siguro. Nasa tamang panahon lang ‘yan at nasa tamang tao.

“Example, kung may na-meet si Ai-Ai na isang tao na tama, malamang ay hindi nangyari yun.

“Siguro kasi, hindi pa yun, di ba, yung tamang tao.”

Apektado rin daw si Direk Wenn sa nangyari.

Pag-amin niya, “Actually ang iniiyakan ko ay ang mga anak niya—sina Sancho. Mababait ang mga batang ‘to, e.

“Kahit sila, ang dream nila para sa kanilang nanay ay hindi yung para sa kanila kundi kung paano magiging masaya ang nanay nila.

“Pare-pareho silang nakakaramdam ng sakit sa pinagdaanan ng nanay nila.”

Muli, ipinagdiinan ni Direk Wenn na hindi siya galit sa stepfather nina Sofia, Sancho, at Sean Nicolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbibiro pa niya, “Hindi ako galit. Hindi naman ako ang nabugbog. Hindi naman ako ang hinagis niya sa kama.

“Hindi naman ako yung ganun, yung kinaladkad.

“Pero sabi ko nga, nandoon yung simpatiya ko kay Ai-Ai. Siya yung kakampihan ko anytime.”

Pero dagdag niya, “Huwag mangyayari na mangyari na kasama ko si Ai-Ai. Dyusko, mapapasigaw ako ng ‘Darna!’

“Lagot si Jed, alam niya yun.

“Hindi... sa maikling panahon ay naging kaibigan ko din si Jed, e.

“Nakasama ko, nakausap ko. Nakita ko rin yung puso.

“Nalulungkot ako. Nalulungkot talaga ako kasi mahal naman talaga siya ni Ai-Ai.”

Gaano ba niya kakilala si Jed?

“Hindi ko puwedeng sabihin na nakilala ko siya,” pasubali ni Direk Wenn.

“Kasi, tingnan mo ang nangyari. Kahit nga si Ai-Ai, ang akala niya ay kakilala na niya, e.

"Mas lalo naman ako. Hindi naman ako nakasama dun.”

Pero inamin ni Direk Wenn isa siya sa mga naging saksi sa problemang pinagdaanan ng mag-asawa.

“Oo… tahimik lang ako.

“Maaga kong nalaman ang lahat ng ito, e.

“Kasi, di ba, nasa Bromance din si Ai?” pagtukoy niya sa pelikula ni Zanjoe Marudo kunsaan may guest role ang komedyana.

Patuloy ni Direk Wenn, “Ang nabanggit lang niya sa akin ay ‘Ang dami kong kuwento sa ‘yo kambal.’ Kasi, kambal nga ang tawagan namin.

“So, yun nga, noong May 7 ay naikuwento na niya sa akin.

“At sinabi niya na magsasalita siya kapag sigurado na siya sa lahat—at ginawa na niya ngayon.”

Ano naman ang kanyang mensahe sa isa sa paborito niyang aktres at komedyana?

“Kaka-text lang namin kanina!” natatawang sabi ni Direk Wenn.

“Kaya mo ‘yan. Ano lang ‘to, malay mo, meron kasi tayong ipinipilit minsan na… yun pala ang ending ay hindi pala gusto ni God yun.

“Pero tiyak, may mas maganda ang ibibigay sa ‘yo at yun naman ang inaasahan kong mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malay mo, si Brad Pitt na ang makatuluyan niya!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN