Ai-Ai delas Alas’s eldest son Sancho threatens Jed Salang on Twitter

Ito ang isa sa mga tweet ng panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho patungkol sa kanyang stepfather na si Jed Salang: “Jed wag kang lalabas ng alabang wag kang lalabas ng parañaque sana nakikita mo kung anong nangyayare ngayon”


Bago pa man umere ang panayam ni Ai-Ai delas Alas sa The Buzz kahapon, May 19, sunud-sunod ang pagpu-post ng mensahe sa Twitter ng isang "Sancho delas Alas" at may user name na "sanchovito."

Sancho delas Alas ang pangalan ng panganay na anak ni Ai-Ai.

Tweet ni "Sancho" bandang 4:48 p.m.: “pinaka mabigat na interview na napanuod ko...:( super Bigat promise”

Ang panayam ni Ai-Ai sa The Buzz ay may kinalaman sa pakikipaghiwalay nito sa kanyang asawa na si Jed Salang pagkatapos lamang ng tatlumpung araw na pagsasama bilang mag-asawa.

Ayon kay Ai-Ai, sinasaktan diumano siya ni Jed ay mayroon din daw third party na involved.

(CLICK HERE to read related story.)

Bandang 5:10 p.m., muling nag-tweet si "Sancho" sa isa niyang follower: “paps ang hirap makita si mamang umiiyak kumidyante kasi si mama eh..Kaya ang bigat talaga”

Nilagyan pa niya ito ng hashtag na “killjedsalang”

Mga 5:17 ng hapon, ganito naman ang tweet ni "Sancho": “Jed wag kang lalabas ng alabang wag kang lalabas ng parañaque sana nakikita mo kung anong nangyayare ngayon”

May 47 retweets at 24 favorites na ito.

Kasunod naman nito ang mensahe ng pasasalamat ni "Sancho" sa ilang followers niya sa Twitter na nagpahayag ng suporta para sa ina.

Tweet pa niya: “i agree pinakamabigat sa panganay...:(“

Isa namang nagpakilalang security staff ng PAGCOR ang nag-tweet kay Sancho.

Sabi nito kay Sancho: “sure thing! DM mo sa akin name niyan ex na yan mkakarating sa boss namin!security staff ako sa pagcor hyatt support kami sa mom mo”

Sagot naman ni "Sancho": “yes please! Pati yung ex na nagwowork sa pagcor sama mo na rin sa pagka banned. J”

Mga 6:55 p.m., tweet ni "Sancho" sa isa niyang follower: “‘yan gusto niya eh sumikat...Sikat na sikat na siya ngayon in a bad way nga lang.”

Ngayong araw, sinabi rin ni "Sancho" sa isa niyang follower na nabawi na ang sasakyang ibinigay ni Ai-Ai kay Jed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INSTAGRAM ACCOUNT. Ngayong araw rin, nag-post si "Sancho" sa kanyang Instagram account (sanchovito) ng isang screenshot ng account ni Jed sa IG na hindi na raw mahanap.

Caption niya dito: “Anyare? Di mo na kaya?”

Sa halos 71 comments sa post na ito ni "Sancho," tanging isa lang ang kanyang sinagot.

Aniya, “lalaban ako ng patayan para sa nanay ko... Kaya nga po gigil na gigil ako pinigilan lang po ako ni mama kasi hindi po worth it.”

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring naririnig na pahayag mula sa kampo ni Jed kaugnay ng naging mga pahayag nina Ai-Ai at Sancho.

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Jed kung may nais itong ipahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN