Jed Salang deactivates his Instagram account because of bashers; Ai-Ai delas Alas discovers Jed’s alleged girlfriend

Deactivated na ang Instagram account ni Jed Salang matapos makatanggap ng pambabatikos at pagmumura na nagsimula nang aminin ng kanyang asawa na si Ai-Ai delas Alas sa isang showbiz talk show ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Deactivated na ang Instagram account (jed_salang8) ni Jed Salang mula pa kahapon, May 20.

Ito ay dahil sa mga basher na nag-post ng masasakit na salita laban sa kanya, pagkatapos magsalita ng asawa niyang si Ai-Ai delas Alas sa The Buzz noong Linggo, May 19, tungkol sa tunay na mga dahilan ng kanilang paghihiwalay.

(CLICK HERE to read related story.)

Bukod sa literal na pagmumura ng bashers kay Jed sa sarili nitong Instagram account, pinaratangan siya na "user", "makapal ang mukha", at iba pang mga below-the-belt na salita.

Kaugnay nito, inilagay naman ng eldest son ni Ai-Ai na si Sancho delas Alas sa kanyang Instagram account (sanchovito) ang screenshot ng deactivated account ng kanyang stepfather na may caption na "Anyare? Di mo na kaya?"

CAMARO CAR. Sa pamamagitan din ng kanyang Instagram account, kinumpirma ni Sancho na nabawi na ang Camaro car—na nagkakahalaga ng P3 million—na "monthsary gift" ni Ai-Ai kay Jed noong May 2 at naghahanap na sila ng buyer ng kotse.

Ikinasal sina Jed at Ai-Ai sa Las Vegas noong April 3. Bilang paggunita sa kanilang civil wedding monthsary, ang Camaro car ang ibinigay na regalo ni Ai-Ai kay Jed.

Pero naghiwalay sila noong May 2.

Ilang oras matapos magsalita ni Ai-Ai sa The Buzz noong Linggo, namataan si Jed sa isang dinner na ginanap sa Ayala, Alabang.

Ayon sa isang eyewitness, nagkuwento si Jed sa kanyang mga kausap at sinabi niya ang panig bilang depensa laban sa mga pahayag ni Ai-Ai.

JED’S GIRLFRIEND. Noong Sabado, May 18, natuklasan ni Ai-Ai na totoo ang lahat ng kanyang hinala na tuloy pa rin ang relasyon ni Jed sa girlfriend nito na nagtatrabaho sa PAGCOR sa Parañaque.

Sa PAGCOR ginaganap ang taping ng ABS-CBN talent search na Pilipinas Got Talent, kunsaan isa sa mga hurado si Ai-Ai kasama sina Kris Aquino at Freddie Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa isang malapit kay Ai-Ai, kapag kasama raw ng komedyana si Jed sa taping, nakikipagkita raw ang huli sa kanyang girlfriend.

Para raw binagsakan ng langit si Ai-Ai nang malaman niya ang kasunduan ng dalawa na pakikisamahan muna siya ni Jed at hihiwalayan.

Pumayag daw ang babae pero nagalit ito nang malaman na pinakasalan ni Jed si Ai-Ai dahil wala ito sa kanilang usapan.

Nakumpirma rin daw ni Ai-Ai na ibinibigay ni Jed sa kanyang girlfriend ang mga expensive bag at shoes na binibili nila ng komedyana sa tuwing nagpupunta sila sa ibang bansa.

Pasalubong daw sa kanyang ina ang mga bag at sapatos ang sinasabi ni Jed kay Ai-Ai.

Bukas ang PEP para sa panig ni Jed tungkol sa mga isyu na kinasasangkutan niya.

Sa kasalukuyan ay walang paraan ang PEP na makuha ang panig ni Jed dahil deactivated na ang kanyang Instagram account at walang makapagbigay ng contact number niya.

Noong Lunes, pinuntahan ni Marie Lozano ng TV Patrol ang opisina ni Jed sa Alabang para hingin ang pahayag niya tungkol sa interbyu kay Ai-Ai ng The Buzz ngunit wala siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN