Rochelle Pangilinan to celebrate 31st birthday in Boracay with fellow Kapuso stars

Inamin ni Rochelle Pangilinan na dumaan na sa matinding pagsubok ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Arthur Solinap. Sabi ni Rochelle, “Third party niya, siguro first year pa lang namin noon… Tapos, sinabi ko sa kanya, kung kaya niyang gawin, kaya ko rin gawin.”


Malamang na magtatrabaho at hindi na naman makakapag-celebrate ng kanyang kaarawan bukas, May 23, ang dancer-actress na si Rochelle Pangilinan.

Kinumpirma ni Rochelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang makapanayam namin siya sa pocket presscon ng PPL Entertainment Inc. last week, na wala siya sa Maynila sa birthday niya.

Kuwento niya, “Nasa Boracay ako at doon ako magse-celebrate ng birthday. Tumanggap na rin ako ng work.

“Sana, plano ko, birthday ko, hindi muna magwo-work. Ganoon din noong isang taon.

“Pero ngayon, masasakop kasi ang birthday ko, from May 23 to May 27, ang Kapusolympics.

“Kaya makikipaglaro muna ako, makikipag-man-to-man sa mga artista doon!

“At saka, palagi naman akong ganoon… come what may.

“Kung magkakaroon kami ng bonding moment ng PPL artists, e, di okay.

“Kung sa May 24 maaga kaming gigising, huwag na lang.”



SURPRISES. Tuwing birthday ni Rochelle ay may sorpresa palagi sa kanya ang boyfriend na si Arthur Solinap.

Ngayong taon, ina-anticipate ba ni Rochelle ang regalo ni Arthur sa kanya?

Sagot niya, “Hindi. Kasi kapag ina-anticipate mo at hindi naman natuloy, yung expectation niya kapag hindi mo na-achieve, malulungkot ka.

“So, huwag na lang.

"Ganoon ang ugali ko, e. Kahit na kapag Christmas, kapag nandiyan na ang regalo ko, hindi ako makakatulog ng December 23, 24…

“Gusto ko na talaga siyang kalikutin, kahit butasin lang. Ganoon ako ka-excited kasi.

“So, puyat ako pagdating ng December 25. Hindi ko na siya ma-appreciate kasi puyat na ang utak ko!” natatawa niyang sabi.

Ngayong birthday niya, ano ang wish ni Rochelle?

“Siyempre good health at siyempre, more taping, more regionals. At siyempre, marami pang trabaho.

“Hindi magkasakit ang pamilya ko… happy life.”



THIRD PARTY. Sa limang taon daw na relasyon nila ni Arthur, masasabi ni Rochelle na masaya naman sila.

Pero ano ang pinakamatinding pinagdaanan nila?

Sabi ni Rochelle, “Third party niya... siguro first year pa lang namin noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sanay kami sa single life. So, dire-diretso… may nabalitaan ako.

"So, yun lang naman ang pinaka-worst.

“Tapos, sinabi ko sa kanya, kung kaya niyang gawin, kaya ko rin gawin.”

Itinuloy ba ni Rochelle ang banta niya?

“Hindi, kasi naniniwala naman ako na kapag ang isang mali... mas lalong magiging mali.

"Parang panakot lang!” natawa niyang sabi.

Dagdag ni Rochelle, “Pero, kaya ko rin namang gawin.

"At saka kung sakali man, hindi naman ako sa babae magagalit—sa kanya [Arthur].

“Kasi, hindi naman alam ng babae. Hindi pa kami open noon.

“Pero kung alam na ng babae, siyempre sa babae na ako magagalit. Pero noon lang yun.”

Hindi na ba naulit?

“Hindi na,” sagot ni Rochelle.

Dugtong pa niya, “At saka, ipinasok niya rin kasi ako sa pagiging Christian.

“Yung image ko, pagiging butangera ko, hindi na rin siguro niya nae-expect na magseseryoso ako.

“At noong time na yun, hindi pa rin niya alam.

“At saka, sinabi niya rin sa akin, ’Magbabago ako hindi para sa iyo kung hindi para sa sarili ko.’

“Which is mas okay, ikaw mismo at walang makakapag-utos sa iyo na magbabago ka.

"Hanggang sa… yun, nag-grow na kami.”

Sa parte raw niya, may nabalitaan din si Arthur.

“Pero kinausap niya lang ako… deadma. Parang noong first year namin, nalinaw na rin lahat,” sabi ng dating miyembro ng SexBomb.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN