Megan Young feels lucky to be working for both TV5 and ABS-CBN; goes daring in Misibis Bay

Bagamat konektado pa rin si Megan Young sa Star Magic at ABS-CBN, pinapayagan siyang tumangggap ng trabaho sa ibang network—gaya ng mini-serye ng TV5 na Misibis Bay. Ito ang ikalawang proyekto ni Megan sa Kapatid network pagkatapos ng Never Say Goodbye.


Megan Young considers herself lucky dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makapagtrabaho sa tatlong TV networks.

Naging finalist siya sa second season ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck. Pagkatapos ay lumipat siya sa ABS-CBN at ngayon ay magkakasunod ang mga trabaho niya sa TV5.

Para kay Megan, kung saan may maayos na trabaho ay masaya raw niyang tatanggapin ito.

Aniya, “I’m just lucky to have work. And it just so happens that TV5 has been good to me and they gave me a follow-up project after Never Say Goodbye.

“I’d like to thank Star Magic because pinapahiram nila ako sa TV5.

“Since wala pa naman silang project for me, might as well work sa lugar na may offer, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa story conference ng mini-series ng TV5 na Misibis Bay noong May 16, Huwebes, sa Max’s restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City.

BACK-TO-BACK PROJECTS ON TV5. Ang huling project ni Megan sa Kapamilya network ay ang primetime series na A Beautiful Affair, na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Pagkatapos ng stint niya rito ay wala pang maibigay sa kanyang follow-up project ang ABS-CBN kaya pinayagan siyang tanggapin ang Never Say Goodbye ng TV5.

Kuwento ni Megan, “I was still taping for Never Say Goodbye when they said na may follow-up project ako for TV5.

“Siyempre, hindi naman ako sobrang umasa because I know that they have their own talents and hiniram lang nila ako. Natural lang na hindi ako maging priority nila.

“But then my handler told me na may story conference for TV5 for a project titled Misibis Bay, at kasama nga ako.

“So natuwa naman ako because I never really expected na makakasama pa ako sa cast.

“Ang nakakatuwa pa is that I am reunited with the same people I worked with noong nasa StarStruck pa ako sa GMA-7. Parang reunion lang ito para sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya I know that I will be at home working with TV5 because kilala ko na rin ang mga taong makakatrabaho ko.”



DARING AND SEXY. Daring and sexy ang role ni Megan sa Misibis Bay, na kukunan sa mismong luxury resort na matatagpuan sa Cagraray Island sa Albay.

Sophisticated na may pagkakontrabida ang papel ni Megan, at paparada siya kasama ang co-stars niyang sina Ritz Azul at Malak So Shdifat na suot ang mga sexy swimwear.

Saad ni Megan, “Nakakatawa nga kasi nga I am used to be told na magdala ng ten sets casual for taping.

“Ngayon, they will ask me to bring ten sets of bathing suits and specifically two-piece bikini ang required!

“So it’s really a sexy and daring role for me and ready naman ako.

“I just turned 23 years old last February and I want to experiment on different roles habang kaya ko pa.”

Hindi ito ang unang beses na nag-attempt na maging daring si Megan. Nagawa na rin niya ito before sa Precious Hearts Romances Presents Hiyas with Zanjoe Marudo last year.

Sabi niya, “That was my first time to try a sexy role. But I think itong Misibis Bay, it’s a lot sexier than Hiyas.

“And my role, according to the writers, is both emotionally and physically demanding.

“Kaya nag-acting workshop na ako with Ritz, Malak, and the rest of the cast.

“Na-explain na sa amin yung mga roles namin and it’s up to us to bring it to life.”

Wala raw problema kay Megan ang magsuot ng mga sexy swimwear dahil alaga naman daw siya sa kanyang katawan.

“Naturally payat talaga ako. I don’t really gain so much weight.

“Kahit na kumain ako ng marami, I can burn it easily. I have fast metabolism.

“Kaya konting exercise ko lang, okey na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very sports-minded pa naman ako. I do running and wakeboarding.

“So they won’t have a problem with me gaining weight because I will be maintaining my figure all throughout the taping of Misibis Bay.”

Hindi lang daw silang mga babae ang magpapakita ng kanilang mga katawan kundi pati na ang male cast na pinangungunahan nina Daniel Matsunaga, Victor Silangan, Luke Jickain, at Vin Abrenica.

“Marami ang matutuwa sa show namin because there is something for everybody.

“Kung ang mga guys, sa amin nina Ritz at Malak manonood, ang mga girls and gays naman aabangan ang mga six-pack abs nina Daniel, Luke, Victor and Vin.

“Kaya mabubusog ang mga mata nila by watching Misibis Bay!” natatawang sabi niya.



LAUREN YOUNG. Nagpapasalamat din si Megan na hindi lang ang career niya ang gumaganda, kundi pati sa kanyang kapatid na si Lauren Young.

Nasa GMA-7 na si Lauren at kasalukuyang napapanood sa primetime series na Mundo Mo’y Akin.

Sabi ni Megan, “I am happy for my sister kasi matagal din siyang walang work before.

“Now that she’s with GMA-7, maganda ang pag-alaga nila sa kanya.

“I have been reading good reviews ng series na ginagawa niya.

“At least now, pareho na kaming busy kahit na sa magkaibang networks kami.

“I always tell her to be thankful and always love her job.

“Alam n’yo naman dito sa showbiz, hindi mo alam kung kailan ka meron or walang work.

“Kaya very thankful ako that there are people who believe in me and they trust me with projects tulad nga nitong Misibis Bay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN