Anne Curtis ready to invade California for Annebisyosa world tour

“Ayoko naman talaga ng mga intriga. But like I always say, you can’t avoid it. Kasali na rin ‘yan sa line of work natin, di ba? Ever since naman, ayoko. Ayoko talaga. Pero, I’m the type of person kasi na I’m going to live my life as I wanted," pahayag ni Anne Curtis tungkol sa pagharap sa mga intriga.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne Curtis noong Biyernes, May 17, habang naghihintay ng segment niya sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Naikuwento ni Anne sa amin na baka sa June o July pa simulan ang shooting ng bago niyang pelikula.

Nagkataon daw kasi na pumasok ang Annebisyosa World Tour concert niya sa Amerika.

Sabi ni Anne, “Siyempre, when it comes to that, you have to wait for the producer. So, ito, meron na.”

Nakapag-show na siya sa Hong Hong bilang parte pa rin ng kanyang Annebisyosa world tour.

At sa pagkakataong ito ay sa Amerika naman magpe-perform si Anne— dalawang shows sa Pechanga Resort & Casino sa California.

Ayon kay Anne, “Sa June 15 and 16 yung show.

"Excited na ako kasi alam ko, all the people are excited kasi hindi nila napanood dito.

“Ito talaga ang dream ko—makatapak ang concert ko sa abroad.

“Ito na yun, e. At billboard pa, ha!

"Chepanga Resorts and Casino—same stage as Billy Idol.

“Before me, it’s Il Divo, Billy Idol, Paul Anka, siya yung right before me.

“Then after me, it’s Cyndi Lauper.

“Kaya nga noong nakita ko yung hairstylist na na-meet ko sa States... hindi siya Filipina ha, pero sabi niya, ‘Hey, I saw a billboard.’

“I said, ‘Are you sure?’

“I dont know anything about it. Wala pang nasasabi sa akin o napipirmahang contract or anything.

“Tapos, bigla na lang sa Instagram ko, nata-tag ako ng mga Pinay na, ‘Darating ka pala rito.’

"Billboard siya, ‘Anne Curtis…’

“Siguro sabi ng mga Amerikano, ‘Who’s this girl?’” natatawa pa niyang sabi.

ANNE, THE PERFORMER. Sa episode ng It’s Showtime noong Biyernes ay bigla na lang siyang pinabirit ng kanta at pinahiga pa. Pero kaswal lang sa kanya ito at mabilis niyang nagagawa.

Kinakabahan pa rin ba siya kapag nagpe-perform siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman,” pag-amin ni Anne.

“Every time… ganito-ganito lang ako, pero alam ng mga tao sa backstage na hindi ako kumakausap ng mga tao right before the show.

“So, masaya-saya ako, pero mga fifteen minutes or when I get there, yun na yung dumarating na yung, ‘Oh, my god, kaya ko ba ‘to?’”

Mas confident na ba siya ngayon sa career o sa status niya sa showbiz? Yung tipong hindi na niya kailangan ng mga ingay, ng mga intriga?

“Ayoko naman talaga ng mga intriga,” sambit niya.

“But like I always say, you can’t avoid it. Kasali na rin ‘yan sa line of work natin, di ba?

“Ever since naman, ayoko. Ayoko talaga.

“Pero, I’m the type of person kasi na I’m going to live my life as I wanted.

“Not necessarily thinking na magiging bad ba ‘to in the eyes of the writer because I want to do it.

“Yun lang, minsan, hindi pabor sa lahat ng tao.

“So, doon lang dumarating yung intriga.

“But no regrets. Kasi, for me, ginawa ko ang gusto kong gawin.”

Paano niya ilalarawan ang buhay niya ngayon?

“Happy, content—contentment,” nakangiti niyang sabi.

ANOTHER CONCERT. Natupad na ang pangarap ni Anne na makapag-concert sa isang malaking venue katulad ng Smart Araneta Coliseum. May plano ba siyang mag-concert muli sa ganoong kalaking venue?

“Tingnan natin, let’s see. MOA naman!” at saka siya tumawa.

Sa MOA Arena ba ang next target niya?

Natatawang sabi pa rin ni Anne, “Hindi naman, hindi naman.

“Yung thought lang of something na nandoon.

“Pero mararamdaman ko naman kung tama ba o huwag muna.

“E, sa ngayon, hindi muna.”

NEW MOVIE. Excited na rin si Anne na simulan ang bago niyang pelikula na si Chris Martinez daw ang magdidirek.

Isa raw itong “dark comedy.”

“Hindi siya slaptick. Smart siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But at the same time, medyo larger than life… ang hirap i-explain.

“And it’s my first time with Chris Martinez, at matalinong magsulat ng istorya si Chris Martinez, di ba?”

Choice din ba niyang huwag munang gumawa ng teleserye pagkatapos ng Kailangan Ko’y Ikaw?

“Oo,” nakangiting sabi niya.

“Nakakapagod din naman yung ano, e, Showtime, magti-taping… taping, Showtime, balik-taping.

“Maganda rin siya.

“Although I love doing teleserye, pero siyempre if I can have the choice, masaya talaga ang movie tapos Showtime.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN