Max Collins clarifies rumored rift with Benjamin Alves; admits dating Fabio Ide

Nababalitang nililigawan ngayon ng Brapanese model-actor na si Fabio Ide ang Kapuso actress na si Max Collins. Pero ayon sa aktres ay nagde-date pa lang sila ngayon.


Noong ginagawa nina Max Collins at Benjamin Alves ang primetime series na Coffee Prince ay napabalitang nagkakamabutihan na ang dalawa.

Ngunit nang matapos ang teleserye ay tila natapos na rin ang magandang pagtitinginan nila.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Max ang relasyon nila ngayon ni Benjamin?

Nakangiting sagot ng young actress, “Okay naman, friends pa rin.”

Natawa naman siya nang tanungin kung alam niya ang ibig sabihin ng “friends.”

Pero sabi rin niya, “Wala naman, hindi kami nagkikita, hindi kami nagkakausap.

"So, hindi ko na alam kung ano ang nangyari."

DEDMAHAN? Nabalitang nagdededmahan daw ngayon sina Max at Benjamin, tulad noong anniversary ni German Moreno sa Resorts World. Totoo ba ito?

“Ay, hindi ko lang siya nakita!” natatawang sagot ni Max.

Yung totoo, nagdedmahan nga ba sila?

“Hindi ko lang siya nakita... well, hindi niya ako binati, hindi ko rin siya binati.

"It’s from afar naman,” sagot ng Kapuso actress.

Parang hindi yata gentleman si Benjamin kung hindi siya binati nito?

Pagtatanggol ni Max, “Gentleman siya.

"I think, kahit hindi niya ako binati noong time na yun, I think gentleman siya.

“Siguro, natakot lang siyang lapitan ako noong time na yun, kasi hindi niya alam kung galit ako o hindi.

“Baka na-intimidate din siya kasi ang dami kong kasama, mga PPL."

Ang PPL ang talent management na kinabibilangan ni Max.

Hindi ba’t muntik na silang magkaroon ng relasyon noong ginagawa nila ang Coffee Prince?

“Hindi naman, date-date lang,” paglilinaw ni Max.

Totoo bang pumagitna si Rachelle Anne Go sa kanilang dalawa ni Benjamin kaya naudlot ang anumang namagitan sa kanila ng aktor?

Sagot ni Max, “Actually, wala akong alam doon.

“Nagulat na lang ako nang lumabas sa news na parang siya [Rachelle] yung dahilan kung bakit niya [Benjamin] hininto ang panliligaw sa akin.

“Yun ang lumabas sa 24 Oras [news program ng GMA-7], yun ang chismis, pero wala akong alam doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang sinabi sa 24 Oras, pero hindi naman.”



STILL FRIENDS. Magkagalit ba sila ni Benjamin?

“Hindi naman, hindi naman kami magkagalit,” sabi ni Max.

Galit ba siya kay Benjamin?

“Hindi naman, hindi naman ako galit sa kanya.”

Tampo?

“Siguro tampo lang," pag-amin din niya sa huli.

Paliwanag ni Max, "Kasi, kapag friends kayo, dapat you talk about how you feel o kinukumusta mo ang kaibigan mo.

“But after the show ended, hindi na kami nag-usap. Hindi na siya nag-effort to be there for me as friends.

“Siguro yun lang yun, pero hindi naman, hindi naman ako galit.”

Sa tingin niya, for the show lang ang ipinakitang closeness sa kanya ni Benjamin?

Sabi ni Max, “Well, siguro nag-end lang yung friendship namin noong mag-end ang show.

“Ako kasi, when I have a friend, ang gusto ko, pangmatagalan talaga…

"Ayoko ng friends lang tayo now then after, hindi na."

Paano kung muli silang pagtambalin ni Benjamin?

Sagot ni Max, “Okay lang, okay lang sa akin.

“Pero siguro rin, kailangan naming mag-usap para hindi maging awkward kung kailangan naming magtrabaho.”



FABIO IDE IN PURSUIT. Samantala, nabalitaan ng PEP na nanliligaw daw kay Max ngayon ang Brapanese model-actor na si Fabio Ide. Totoo ba ito?

Nakangiting sabi ni Max tungkol dito, “Date-date lang, date-date lang kami.

“Kasi actually, yung best friend niya, boyfriend ng best friend ko.

“So, when we go out, lahat kami magkakasama.

"So, yun lang.”

Sa Coffee Prince din nagkakilala sina Max at Fabio. Kailan pa nagsimula yung pagdi-date nila?

“Noong Valentine’s Day,” pag-amin naman ni Max.

“Siya yung ka-Valentine’s date ko. Parang wala siyang ka-date noon.

“Yung best friend ko kasi, ka-date niya yung best friend niya, e, palagi kaming magkasama ng best friend ko.

“Nagkataon lang na parehas kaming walang date.

“Hindi naman siya yung serious na date, parang more on, ‘Labas tayo.’ Ganoon lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman si Fabio?

“Mabait naman siya, wala namang serious...

"Ang gusto ko lang sa kanya, he’s such a happy person. Parang good vibes palagi.

"At saka, guwapo siya at mabait pa, very humble.”

Sila na ba?

“Hindi, hindi pa talaga,” nakangiting sabi ng dalaga.

Parehong talents ng Mercator sina Fabio at Benjamin. Hindi kaya nagkakaroon ng conflict ang dalawa ngayon dahil sa kanya?

“Hindi, hindi naman. I think friends naman sila,” sabi ni Max.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN