Kris Aquino on Ai-Ai delas Alas: "It really broke my heart to see her in so much pain."

Isiniwalat ni Kris Aquino na personal na kinumusta ni Pangulong Noynoy Aquino, sa pamamagitan ng text, ang kaibigan nilang si Ai-Ai delas Alas matapos makipaghiwalay ng komedyana sa asawa nitong si Jed Salang.


Nagbigay ng maikling pahayag si Kris Aquino sa programa niyang Kris TV kaninang umaga, May 21, tungkol sa pakikipaghiwalay ng kaibigan niyang si Ai-Ai delas Alas sa asawa nitong si Jed Salang.

Matatandaang inamin ni Ai-Ai sa panayam niya sa The Buzz noong Linggo, May 19, na hiwalay na sila ni Jed pagkatapos lamang ng tatlumpung araw na pagsasama bilang mag-asawa.

Umpisa ni Kris “Ai-Ai told me na mag-thank you ‘coz she failed it to do it sa The Buzz.

“So, sabi niya na, ‘Friendship, sabihin mo nga na thank you kay brother President [Noynoy Aquino].’

"Kasi Ai is really close to the family.

“Sa gitna ng bilangan [nung nakaraang eleksyon], Noy was texting her and asking kung kumusta siya and kung may kailangan pa ba, kasi mahal na mahal namin si Ai-Ai.”

Bilang kaibigan ay alam daw ni Kris ang nararamdaman ngayon ni Ai-Ai.

Aniya, “It really broke my heart to see her in so much pain.

“Yung nangyari kasi ay isang buwan… maraming nalaman in the course of one month.

“Doon sa mga nabanggit ni Ai—and I’ll be very careful about it and I’m just saying based on what she said at nabanggit niya sa The Buzz.

“One of those issues kasi which came out is gambling.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang rebelasyon ni Ai-Ai na may kinalaman sa pagpunta sa casino ang dahilan ng pag-aaway ng komedyana at ni Jed noong May 2, na humantong sa paghihiwalay nila.

Ayon kay Kris, mahirap kapag sa isang mag-asawa ay involved ang bisyo.

MAKING IT PUBLIC. Pati ang guest ni Kris kaninang umaga na si Senator-elect Alan Peter Cayetano ay nagbigay rin ng kanyang opinyon tungkol sa sitwasyon ni Ai-Ai.

Ayon sa senador, “Before that, Kris, puwede namang tahimik lang si Ai-Ai.

“Na puwede namang hindi na ipakita sa publiko. Wala naman silang mage-gain kung ilalabas nila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think, one reason why she showed it ay dahil sa sobrang pagmamahal niya sa tao—ayaw na niyang mangyari sa kanila.”

Dagdag pa ni Senator Cayetano, “Ganun kasi, what’s going through with the celebrities, yung emotions nila, puwede naman kasi na hindi na nila ipakita sa publiko ang totoong nararamdaman nila.

“Pero ang feeling nila ay para hindi na mangyari sa kanila.

“Actually, kapag hindi mo talaga kilalang-kilala ang mapapangasawa mo…

“Actually kahit pa kilalang-kilala mo, kapag nandoon ka na…

“So, you just have to really rely on sa… yung husband, wife, and God—na tatlo kayo sa relationship.

“Pero kapag hindi talaga workable, e…”

Dagdag naman ni Kris, sa ngayon daw ay nagpakita na ng suporta ang ilang human rights group kay Ai-Ai, dahil na rin sa akusasyon ng komedyana na sinaktan diumano siya ni Jed.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang direktang pahayag si Jed kaugnay ng mga paratang laban sa kanya ni Ai-Ai.



FULL SUPPORT. Sa hiwalay na panayam naman ng PEP kay Kris sa 44th Box Office Entertainment Awards noong Linggo, May 19, iginiit niya ang kanyang suporta para kay Ai-Ai.

Saad niya, “And I think she’s okay now.

“Alam naman niya na hindi basta ganun ang kanyang pinagdaanan.

“Pero she knows na 101 percent, one million percent ang pagmamahal at suportang ibinibigay namin sa kanya.”

Nakaka-relate ba siya sa sinapit ni Ai-Ai?

Natatawang sabi ni Kris, “Hindi naman. Love ko lang talaga siya!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN