TV5 talent Malak So Shdifat on doing daring roles: “Open ako sa mga ganito, mga small, sexy lang naman, e. Hindi ko pa kaya yung sobra-sobra.”

Maayos daw ang relasyon ni Malak So Shdifat sa kanyang non-showbiz boyfriend kahit na gumagawa siya ng sexy roles. Sabi ni Malak, “Siguro malawak naman yung pag-iisip niya. Hindi kami nagkakaproblema sa ganyan as long as faithful ako.”


Big break para sa Artista Academy finalist na si Malak So Shdifat ang pagkakasama niya sa cast ng Misibis Bay, ang bagong mini-serye ng TV5.

Tinatampukan din ito nina Ritz Azul, Daniel Matsunaga, Vin Abrenica, Megan Young, Victor Silayan, Luke Jickain, Vivian Velez, Boots Anson-Roa, at Christopher de Leon. Mula ito sa direksiyon ni Monti Parungao.

Gagampanan ni Malak sa Misibis Bay ang best friend ni Ritz at love interest naman niya si Luke.

Umaapaw sa pasasalamat sa TV5 si Malak nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng serye nila na ginanap last week sa Max’s Restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.

Aniya, “Sobra talagang pasasalamat ko talaga… ‘eto, ha? Totoo ito…

“Sobrang praning ako kasi bago matapos ang NSG [Never Say Goodbye], talagang nagdadasal ako na sana meron pang kasunod.

“Tapos, natuwa ako kasi parang niloloko nila ako na, ‘O, nakita ko yung picture mo.’

“Pero binibigyan nila ako ng maliliit na kurot… ‘Totoo kaya yun?” tukoy niya sa Misibis Bay series.

“Lagi kong kinakausap yung boyfriend ko na, ‘Totoo ba yun?’

“Tapos, noong final na, sinabi na sa akin noong handler ko na, ‘O, Malak, kasama ka sa Misibis Bay. Sexy ito, parang Temptation [Island] ito.’

“So, ang reaksiyon ko, sobrang saya, hindi na ako nagpakipot pa.

“Sabi nga ng mga executives namin, ‘O, ayan, ha? Dahil mabait ka, may kasunod na namang project for you… Pakabait ka pa, pagbutihin mo.’"

Patuloy pa ni Malak, “Actually, nag-promise ako kay Ms. Camille [Montano, head ng Misibis Bay project]. Na pag nagtrabaho na, hindi na ako katulad ng dati na parang easy-easy…

"Babaguhin ko—pag work na, work na talaga.

“Kasi dati, parang nag-a-adjust pa ako. Galing kasi ako sa pagiging estudyante, tapos bigla akong napasok sa showbiz.

“Ganito pala ito talaga, sobrang puyatan. E, wala kang dahilan para magreklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may sakit ka, e, di huwag ka na lang magtrabaho.”



INTENSE PREPARATION. May pagka-sexy ang concept ng project kung saan lahat ng young talents sa series ay laging naka-sexy outfit.

Gaano ka-ready si Malak na magpa-sexy at anong preparasyon ang ginagawa niya para matapatan ang kaseksihan nina Megan at Ritz?

Sagot niya agad, “Sobrang mahirap ang preparation dahil sa pagpapa-sexy, sobrang diet-diet.

“Pagdating naman sa acting, siyempre, makakasama namin dito sina Mr. Christopher de Leon, Ms. Vivian Velez, at Ms. Boots Anson-Roa.

“Pero meron naman kaming acting coach, yung acting coach ni Ms. Alice Dixson.

“Kasi nag-attend ako ng three days acting workshop. Gusto ko pa nga sana mag-extend, pero yun na yung maximum, e.

“Pero sana sa meron pa, kasi nakakailang dahil baguhan pa lang ako—kinakabahan ako sa naiisip kong mangyayari.

“Pero at the same time, excited ako.”



MATURE ROLES. Kapansin-pansin na nalilinya si Malak sa mature roles na may pagka-sexy at hindi man lang dumaan sa mga pa-sweet na character.

Paniniwala niya, “Feeling ko, kahit anong role, puwede nilang ibigay sa akin.

“Kasi sabi ni Direk Mac Alejandre, ‘As an actress, kahit anong ibigay sa iyo tanggapin mo… kasi pinili mo ‘yan.’

“Ako, open ako sa mga ganito, mga small, sexy lang naman, e. Hindi ko pa kaya yung sobra-sobra.”

Open naman si Malak sa kissing scenes at bed scenes gaya ng ginawa nila ni Edgar Allan Guzman sa Never Say Goodbye.

“Light lang yung ginawa namin pero sobrang mahirap na para akin—baguhan pa lang kasi ako.

“Pero tinuruan naman nila ako kung paano gagawin.”



NON-SHOWIZ BOYFRIEND. Proud si Malak sa 22-year-old non-showbiz boyfriend dahil hindi niya ito itinatago sa press.

Gaano ba ka-flexible ang boyfriend niya sa mga roles at sexy characters na gagawin ni Malak sa Misibis Bay?

Hindi ba ito magiging problema sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, hindi naman… hindi naman talaga.

"Kasi pag nag-uusap kami, alam naman niyang work lang.

“Siguro malawak naman yung pag-iisip niya. Hindi kami nagkakaproblema sa ganyan as long as faithful ako.”

Ibig bang sabihin, puwede niyang pagsabayin ang lovelife at career?

“Uhum!” mabilis na sagot ni Malak saka ngumiti. “May mga nagsasabing hindi puwede ‘yan, pero pinipilit ko.”

Gaano niya kamahal ang boyfriend?

“Kasi mabilis akong mag-treasure ng tao. Kasi, wala na akong mommy.

“Yung daddy ko, may sarili nang family. Tapos yung mga kapatid ko lang ang mga kasama ko.

“So, kapag meron akong… yung pinahalagahan mo na.

“At pag nakita mo namang okay at pinapahalagahan ka naman, iti-treasure mo siya—hindi mo siya babalewalain lang.”



NO CONFLICT. Tiniyak naman ni Malak na hindi magkakaproblema sa trabaho niya ang lovelife niya.

“Feeling ko, hindi naman makakaapekto. Basta, wala lang isa sa amin ang magsasara ng isip.

“Kasi, pareho naman kaming busy at magkaiba naman yung trabaho namin.

“Siya naman, tumutulong sa mommy niya,” paliwanag ng 21-year-old Kapatid talent.

Ayon kay Malak, third year college lang ang inabot ng boyfriend niya. Pero abala naman ito sa negosyong buy and sell ng kotse.

Ang isa sa mga issue kay Malak noong kalagitnaan ng Artista Academy ay ang pagpapalayas daw sa kanya ng kanyang mga tiyahin dahil sa boyfriend niya.

Ayon din sa mga bali-balita, nakikipag-live-in na siya sa kasintahan.

Mariin itong itinanggi ni Malak kasunod ng paglilinaw niya sa tunay na kuwento.

Sabi niya, “Ay, hindi. Kasi hindi ko pa siya kilala noon. Nagkikita kami pero hindi pa kami.

“One year pa lang kami nitong March. Saka ang tagal ko na ring wala sa bahay.

“Saka na-bad shot lang talaga ako sa bahay dahil feeling ko hindi nila maintindihan sa umpisa na ito ang gusto kong gawin.

“Hindi naman sa naghihigpit yung mga auntie ko, pero gusto kasi nila may disiplina sa oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto nila yung ganoon, sumunod ka sa oras, ‘Lahat tayo dito nagtatrabaho, e…’ Parang ganoon.

“Lalo raw ako, pumapasok [sa school]. Ang hindi nila alam nag-o-audition ako.

“And then eventually, noong nakita nilang nagugustuhan ko naman yung ginagawa ko, e, di naging okay na.”



RECONCILE. Bumalik naman si Malak sa bahay ng mga tiyahin niya para kausapin sila.

“Mahirap kasi yung may sama ng loob. Parang kahit paano alam ko namang para rin sa amin yung ginagawa ko.

“Saka gusto ko ring makita yung bunso kong kapatid.

“Last Christmas ako nagpunta sa bahay ng mga tita ko. So, okay naman yung pag-uusap namin.”

Sa ngayon ay naninirahan si Malak sa isang apartment sa Quezon City.

Sabi niya, “Kailangan ko ring magsarili para makapag-focus ako sa trabaho.”

Pinasinungalingan ni Malak ang balitang nagsasama sila ng boyfriend niya ngayon sa iisang bahay.

“Ay, hindi. Pero before, tumira ako sa family niya. Pero ngayon, hindi na.

“Kasi yung schedule ng taping ko inaabot ng madaling-araw noon sa Never Say Goodbye.

“Nakakahiya sa Mommy niya na dumarating ako ng madaling-araw, nakakaistorbo ako sa kanila.”



INDEPENDENT. Ngayong nagsisimula nang magkaroon ng sarili niyang buhay si Malak, gusto niyang kunin ang kanyang mga kapatid para magsama-sama na sila.

“Gusto ko talaga kung sasama sila sa akin. Kasi, yung bunso naming kapatid, adventurous, mahilig mag-aral.

“So, kung sasama siya sa akin, matutuwa ako. Baby pa kasi yun kahit magna-nineteen na siya ngayong June.

“Yung panganay naman namin, nakatira sa auntie ko.”

Ang tatay ni Malak na isang Jordanian ay may isang anak sa bago nitong napangasawa na isa ring Jordanian.

Hanggang ngayon ay may communication pa sila ng mga kapatid niya sa ama pamamagitan ng Facebook.

Ang ama naman niya ay tumutulong pa rin financially sa kanilang magkakapatid kahit nag-aartista na si Malak.

Pagmamalaki ni Malak, “Mabait ang daddy ko. Naiintindihan niya ang buhay dito sa Pilipinas kasi graduate siya dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eventually, tumira siya sa Jordan at doon sila ikinasal ng mommy ko.

“Meron siyang business doon and at the same time he’s a computer engineer.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN