Boots Anson-Roa "ecstatically happy" for Grace Poe’s victory

Ipinaliwanag ni Boots Anson-Roa kung bakit ayaw na niyang sumabak sa pulitika: “Baka yung politics kaya ko, pero yung politicking? Iba yun, e. It’s different from the other, baka hindi ko kaya yun.”


Kung napapayag sana ang aktres na si Boots Anson-Roa, malamang ay nakasama siya sa senatorial lineup ng Liberal Party o team PNoy noong nakaraang eleksyon.

Sa story conference ng Misibis Bay ng TV5 last week, naikuwento ni Boots sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kinausap siya ni Senate President Franklin Drilon tungkol dito.

“Nagkita kami last year pa, 2012. Sabi niya, ‘You wanna run again and join the party?’

“So, sabi ko, ‘Hindi na siguro… I can serve better sa media.

“Saka it’s very informal… at hindi rin naman niya pinursue [pursued] yung offer.”

Nilinaw ni Boots na ang pagtanggi niya ay hindi nangangahulugan na nagkaroon siya ng trauma o bad experience nang tumakbo siya noong 2004 bilang senador sa ilalim ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP).

Sabi ng veteran actress “Even if I didn’t make it, I felt I was winner, kasi umikot ka sa 76 provinces.

“Looking back nga, iniisip namin, ’Paano ba namin nagawa yun?’

“Like, four helicopter rides a day? Umpisa ka ng 4 a.m., matatapos ka ng midnight.

“E, siguro adrenaline rush yung naging commitment mo noon.

“And maganda yung chance na masilip mo talaga yung mga nangyayari sa ground level, sa mga probinsiya.

“Yung… ang daming reality check…

"Maganda, magandang experience. Nakakapagod lang, of course.”

Feeling ba niya ay hindi na niya kakayanin ang umikot uli sa napakaraming probinsiya?

Sagot ni Boots, “That was nine years ago. Naku, medyo jurassic na ako!

"Dito na lang ako sa ground level.”



ELECTION RESULTS. Ano naman ang masasabi ni Boots sa naging takbo ng nakaraang eleksyon at sa mga nanalong kandidato?

Sabi niya, “Siguro makikita mo yung ano, e… masisilip yung configuration ng mga botante.

“Maraming young voters, marami pa ring traditional voters.

“Definitely, malaki ang impact ng social media—yun nga, e-mail, Facebook, Twitter…

"Sa trending, maaaring malaki ang impact. Pero hindi naman ibig sabihin na-translate lahat yung lumabas sa social media into votes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kita naman natin, like in the case of… siguro Nancy Binay. She got a lot of bashing sa social media pero nanalo pa rin.

“Si Grace [Poe], nakatulong sa kanya ang social media. Parang everything worked in Grace’s favor, e.

“E, kasi naman, to start with, deserving naman siya, e.

“Marunong naman yung bata, may sariling isip, may breeding, may pedigree—nanay at tatay, malapit sa tao, may puso.”

Si Grace ay anak ng vereran actress na si Susan Roces at ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr., na nakatambal ni Boots noon sa maraming pelikula.

Ano ang nararamdaman ni Boots sa pagwawagi ni Grace?

“Ay, I’m so ecstatically happy for Grace. Because I know na may kakayahan yung bata.

"Kilala ko naman ‘yan noong bata pa, e,” sabi niya.

Nasorpresa ba siya sa pagsulpot ni Nancy sa listahan ng mga tumakbo ngayong eleksyon at nanalo pa?

Sabi ni Boots, “Parang I felt the name would work.

"She always said naman na meron siyang administrative experience… having worked as chief of staff or staff sa opisina ng nanay at tatay niya. That’s a lot.”

Si Nancy ay anak ni Vice President Jejomar Binay at ni dating Makati Mayor Elenita Binay.



CANDIDACY. Noong 2004, kahit walang gaanong background sa pulitika ay tumakbo sa pagka-senador si Boots.

Naka-relate ba siya kay Nancy na first time tumakbo sa isang government post?

Sagot ng aktres, “In a way… ako naman kasi, nag-serve ako sa Commission on Population. I was a commissioner.

“I served in the Philippine Embassy ng ilang taon sa Washington D.C.

“I headed IBC-13 which is a government media… ayun lang.

“Pero sa legislation, yung direct legislation, wala talaga. Pero natututunan naman yun.

“So, siguro yung hinahanap ng mga tao, yung talagang hands-on legislative experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun, wala ako noon.

"Pero working in a government or public administration, meron ako.”

Nakisimpatiya ba siya kay Nancy sa mga nakukuha nitong pambabatikos, o medyo nagduda rin siya sa capability nito para sa puwesto ng pagka-senador?

Sagot ni Boots, “Kasi hindi ako nagdya-judge, e—I never judge.

“I don’t allow myself to be affected by what I see on TV, what I hear on TV, what I read sa Facebook.

“Hindi ako marunong mag-Twitter… sa Facebook , sa e-mail.

“Wala, freewheeling ‘yan, e. It’s a free country.”

Hindi ba nagkainteres si Boots na tumakbo sa mas mababang puwesto sa gobyerno; gaya ng representative, mayor, vice-mayor, o councilor?

Aniya, “There were offers before… ano pa nga, mayor pa nga. Mga in the late ’90s.

“Tapos, even in the ’80s din, bago kami umalis for the States… kasi we lived in the States. Umalis kami, 1982-1993.

"Before that, I was almost drafted na… I mean, for constitutional assembly.

“Kami ni Mathay, Puno, at Alineo as Quezon City representative.

“Pero... baka yung politics kaya ko, pero yung politicking? Iba yun, e.

"It’s different from the other, baka hindi ko kaya yun.”

Mas gamay ba niya ang showbiz?

Sagot ni Boots, “Showbiz, media… kasi showbiz is only a component of media, di ba?

“So, marami namang ibang facets ang media. Kaya lang, happily, dito ako napunta. So I grew older.

“But during those times when I was younger, I do public affairs.”



ADRENALINE RUSH. Sa Misibis Bay ay gagampanan ni Boots ang papel ng may karamdamang tiyahin ni Ritz Azul.

Excited si Boots na makatrabaho ang bagong henerasyon ng young stars dahil nadadala raw siya sa adrenaline rush ng mga ito.

Pero hindi na raw niya kaya ang kasiglahan ng mga ito. Natutuwa lang siyang makita ang dedikasyon ng mga ito sa propesyong ginagalawan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang pananalita sa story conference, ibinahagi ni Boots na ang Channel 5, na ngayo’y TV5 na, ang una niyang pinagtrabahuhang istasyon.

Nagsimula si Boots sa musical-variety dance show na Dance-O-Rama kasama ang yumao niyang asawa na si Pete Roa.

Kuwento niya, “Nasa Makati pa ang Channel 5 at that time, still under the Roces’s… nandoon pa sila.

“It’s a... parang we return to our origin or we return to our roots.

“I’d like to thank the management for the invitation to be part of this project…

“And I’m looking forward to working with Direk Monti [Parungao] and sa inyong lahat… maraming salamat sa support.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN