Bettina Carlos on Marian Rivera’s decision to drop former manager: “I guess she’s happy naman po.”

Bagamat nag-e-enjoy nang husto si Bettina Carlos sa paghu-host, hindi naman daw ito nangangahulugan na iiwan na niya ang pag-arte. Aniya, "His year, gusto ko talaga na hosting na ang i-pursue. But I really love taking character roles to play. Hindi ko po iiwan ang pag-arte, hangga’t may inaalok sila sa aking papel.”


Mukhang ini-enjoy ngayon ni Bettina Carlos ang sunud-sunod na pagho-host niya sa regional shows ng GMA-7.

Nangangahulugan bang tatalikuran na niya ang pag-arte?

Paglilinaw ni Bettina, “Naku, pareho ko pong mahal ang pag-arte... but this year, gusto ko talaga na hosting na ang i-pursue.

“But I really love taking character roles to play.

“Hindi ko po iiwan ang pag-arte, hangga’t may inaalok sila sa aking papel.”



SORTIE. Enjoy si Bettina sa paghu-host ng regional shows dahil marami raw siyang napupuntahan o napapasyalang magagandang probinsiya.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Naku, napakarami na, from north to south talaga.

“So far, ang mga pinakamainit na crowd ay ang mga taga-Dumaguete, Pangasinan, at Vigan.

“Nito lang po, nag-host ako ng Pistay Dayat ng Lingayen by the beach!

“Bago po siya at masaya talaga, kasi mahangin at relaxed lang ang mga tao.

“Tapos, nag-free concert pa ang Southborder.

“Naku, lalo na kaming nagwala sa ligaya!” natutuwang kuwento ng Kapuso actress.

Dagdag ni Bettina, “Kahit saan naman po, actually, masaya kasi laging nakiki-fiesta ang GMA Kapuso sa mga regional shows.

“Pagpapasaya namin yun sa kanila dahil sa walang sawa nilang pagsuporta sa GMA shows.”



JUST FRIENDS. Nilinaw naman ni Bettina ang nababalitang pagkakamabutihan daw nila ng actor-model na si Mikael Daez.

Nagkakasama kasi sila sa regional shows, at may mga photos sila na sweet ang posing sa Instagram.

Hindi ba nanliligaw o nagpaparamdam si Mikael sa kanya?

Sabi ni Bettina, “Naku, si Mikael po ay kaibigan at katrabaho lang.

“Sa photos, we were just being goofy and playful po. Hindi naman sweet yun.

“Ang sweet, magka-holding hands at magkayakap at may kiss!

"E, wala naman po, di ba?” at tumawa si Bettina.



SURPRISED. Naging close si Bettina kay Marian Rivera nang magkasama sila sa dating primetime series ng GMA-7 na Temptation of Wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging reaksiyon niya sa pag-alis ni Marian sa dati nitong manager na si Popoy Caritativo? Sa palagay ba niya ay tama ang naging desisyon ng kaibigan?

Sabi ni Bettina, “Well, like everyone else po, nagulat din ako.

"Pero I’m not one to judge Yan’s [Marian’s] decision—whether it was right or not...

“Because siya o sila lang po ang nakakaalam ng tunay na kuwento sa likod ng desisyon na ito.

“But knowing Marian, I’m sure pinag-isipan niya itong maigi at I’m sure naging mahirap at masakit din sa kanya.

“Pero at the end of the day, ang importante, masaya ka sa desisyong ginawa mo, di ba po?

“I guess she’s happy naman po.”



UPCOMING PROJECT. Ang susunod na primetime series ni Bettina sa GMA-7 ay ang My Husband’s Lover, kunsaan makakasama niya sina Dennis Trillo, Carla Abellana, at Tom Rodriguez.

Sabi niya, “I feel so privileged to be part of yet another big project, possibly the biggest of GMA this 2013.

“From the hit Temptation of Wife, bahagi na naman ako ng isang napakaganda, napakabago at orihinal na konsepto at materyal.

“I feel so blessed and excited and challenged kasi bagong karakter na naman ito—nakakaloka!

“Hintayin ninyo na lang po, but it’s really a far cry from seven-year-old Tiya Madel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN