Nora Aunor celebrates 60th birthday via tribute special

Nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan ang Superstar na si Nora Aunor kagabi, May 21, sa pamamagitan ng isang tribute special na inihanda para sa kanya ng TV5 at ng kanyang mga tahaganga.


Nora Aunor is 60 years old sa kaarawan niya kahapon, May 21.

Ipinagdiwang ito ng Superstar sa pamamagitan ng isang bonggang selebrasyon na pinamagatang Superstar Noon, Ngayon, at Bukas: A 60th Birthday Tribute to Ms. Nora Aunor.

Ginanap ang Nora at 60 birthday tribute sa Meralco Multi Purpose Hall, Meralco Compound, sa Ortigas Center, Pasig City.

Ang pagdiriwang ay sa pagtutulungan ng TV5 at ng mga kinatawan ng iba’t ibang hukbo ng tagahanga ni Nora—Nora’s Friends Forever (NFF) at Noranians Worldwide (NOW)—na hindi lang sa Pilipinas mayroong mga aktibong miyembro kundi sa iba’t ibang panig din ng mundo.

Katulad last year, nang mismong si Ate Guy rin ang mag-host ng get-together ng kanyang mga matatapat na tagahanga, ang birthday tribute sa kanya ngayon ay isang patunay ng maganda pa ring ugnayan sa pagitan ng actress-singer at ng kanyang mga tagahanga.

Bukod sa napakaraming Noranians, in full force ding dumating at sumuporta ang mga opisyales at iba pang mga tauhan ng TV5, sa pangunguna nina Atty. Ray Espinosa, dating pangulo at CEO ng TV5; Joan Cabalda-Bañaga, business unit head; at Perci Intalan, creative and entertainment head.

Sabi nga ni Ate Guy, bago simulan ang programa in her honor, "Sa mga fans, sana magtagal pa rin... at tuluy-tuloy pa rin ang pagsuporta nila."

At sa ginawang paghahanda ng mga tauhan ng istasyon, bagamat limitado ang panahon, "Ito po’y tinatanaw kong malaking utang na loob sa TV5."

Sa maikling interview ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) at iba pang miyembro ng media, bago mag-alas otso ng gabi, naisatinig ni Nora ang labis niyang katuwaan at ang positibong mensahe sa kanyang mga tagahanga.

"Ako’y masayang-masaya at labis na nagpapasalamat.

"Sa lahat po ng mga fans na hanggang ngayon ay nandiyan... kahit na ho mapuputi na rin ang kanilang buhok dahil nagkaka-edad na rin at wala pa rin silang sawa sa pagtataguyod sa kanilang idolo... yun ang hindi ko makakalimutan sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kahit ano’ng mangyari naman... lahat naman ng ginagawa ko ay para sa mga kaibigan ko, na naniniwala at nagtitiwala.

"At yun nga ang mga fans, mga kaibigan... na sila ang nagpakahirap para sa akin."

Kung mayroon man siyang personal birthday wish, maaaring yun ay bagay na pansarili na nga lamang.

"Ay, wala... wala!" natawa si Ate Guy.

Dakong ika-pito ng gabi nang dumating sa venue si Nora Aunor, escorted by her writer-friend Ricky Lee, personal manager Boy Palma, and rap artist-actor John Rendez.

THE ONE AND ONLY SUPERSTAR. Walang maraming artista sa ginanap na birthday tribute ni Ate Guy. Only a handful, ’ika nga, ang kinailangang mag-perform para sa Superstar celebrator.

Kabilang dito ang grupo ng TV5 young talents na sumayaw sa saliw ng "Annie Batungbakal" ng Hotdogs: Vin Abrenica, Nadine Samonte, Eula Caballero, at Edgar Allan Guzman.

Pinagbidahan ni Ate Guy ang pelikulang Annie Batungbakal noong 1979, kaya memorable sa fans ang awitin sa hit disco musical na idinirek ni Maryo J. de los Reyes.

Isa namang special number mula sa soul diva na si Jaya ang rendition nito ng "People" na isa sa mga awiting nagpanalo kay Nora noong late 1960s sa Tawag ng Tanghalan, isang amateur singing contest kung saan naging grand champion ang aktres noong 1967.

Throughout the program, napakaraming videos at photo collages ang ipinalabas, bilang pagbabalik-tanaw sa pagiging phenomenal superstar ni Nora.

Sa mga nag-guest nang live—tulad nina Kitchie Benedicto ng RPN-9 (home station ng Superstar musical-variety show for some 22 years) at ng mismong nag-host ng programa na si Arnell Ignacio—paulit-ulit ding binalikan sa alaala ang matinding naging pagsubaybay ng mga tagahanga sa legendary icon.

Umawit si Gerald Santos at ang kaparehang baguhang singer ng early ’70s signature hit na "Maria, Leonora, Teresa."

Nagsilbi rin itong hint sa nakatakdang gawing malaking telesine ni Nora kapareha ang dati nitong ka-loveteam na si Tirso Cruz III. Ang detalye nito’y masusi ring pinag-usapan sa isang segment ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMEBACK TV-MOVIE WITH PIP. Ang selebrasyon ng 60th birthday ni Nora ay isa ring selebrasyon para sa mga fans, lalo na ang mga naging masugid na tagahanga ng Guy & Pip, ang tambalan nina Nora at Tirso.

Napaka-formal ng announcement na magkakaroon ng balik-tambalan sina Nora at Tirso.

May mistulang skit pa sina Direk Joel Lamangan at Joan Bañaga to announce the project na may title na When I Fall In Love.

Ayon kay Direk Joel, na siyang magdidirek ng proyekto, ang nasabing obra ay tungkol sa isang dakilang pag-ibig o pag-iibigan "that will stand the test of time."

He assured the duo’s followers na magiging kakaibang proyekto ng Nora-Tirso tandem ang panimulang ihahandog ng TV5.

Noong una ay may naging balakid sa pagkuha nila sa serbisyo ni Tirso dahil nakakontrata ito sa ibang istasyon.

Pero ayon kay Joan, "Wala nang problema... tuluy na tuloy na!"

MOMMY GUY. Naging espesyal din ang pagge-guest ng isang talent na malapit kay Ate Guy—si John Rendez, na kanyang mina-manage ang career, with his rap composition "There Can Only Be One."

Sa kanyang immediate family, tanging si Matet de Leon at ang pamilya nito (husband Mickey Estrada and daughters Mikka and Mishka) ang nakapiling ni Ate Guy sa pagdiriwang ng kaarawan niya.

Ang kanyang former husband naman na si Christopher de Leon at biological son na si Ian de Leon ay bumati sa aktres through VTR.

Si Lotlot de Leon at ang iba pang adopted children ni Nora na sina Kenneth at Kiko ay wala kahit video greetings.

Sabi ni Matet, busy sa taping for an ABS-CBN teleserye ang kanyang Ate Lotlot, kaya hindi makakapunta.

Ngunit dumating naman ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, ang balae ni Nora noong hindi pa annulled ang kasal nina Lotlot at Ramon Christopher, Pilita’s actor-son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagsisimula ng programa, naging very emotional si Matet as she lead the night’s invocation.

Maraming mga katangian ng isang ina, patungkol kay Nora, ang nabanggit ni Matet ang kanyang pagsambit.

Nagyakap nang mahigpit ang mag-ina matapos ang madamdaming panalangin ng anak ni Ate Guy.

Naging honest din si Matet sa pagsasabing, "Kahit minsan, hindi po namin siya nadadalaw, alam naman po niya na kasama siya sa prayers namin.

"Mahal na mahal na mahal ka po namin."

OTHER GREETINGS. Nasa venue rin ang direktor ni Nora sa Thy Womb na si Brillante Mendoza, na nakiisa sa pagbibigay ng isang loving tribute sa aktres.

Ani Direk Brillante, "Natutuwa ako na ang susunod na pelikula ni Ate Guy ay isa ring independent film."

May VTR greetings din sa may kaarawan sina Dawn Zulueta, na nagsabing she was flattered na bumati sa Superstar; Ricky Lee, na nagpatunay ng kung paanong laging nag-iisip si Ate Guy ng pagtulong sa maraming tao, mga baguhang talent, at iba pa; Boy Abunda, na forever daw magiging isang Noranian; Eric Quizon, who greeted Ate Guy on behalf of the family of the late Comedy King, Dolphy; and Gary Valenciano, na nag-attest kung paano siya na-mesmerize at pinanindigan ng balahibo sa rehearsal pa lang nang unang silang magkatrabaho ni Nora.

GIFTS OF LOVE. Mga simpleng alaala ng fans, na tanda rin ng marubdob na pag-ibig sa kanilang iniidolong celebrity, ang naging isa sa pinaka-highlight ng Nora at 60 birthday tribute.

May 60 representative followers ang umakyat sa entablado at personal na nag-abot ng kani-kanilang regalo sa may kaarawan.

May maliliit at may malalaking regalong nakabalot. Ang iba’y agad naipakita tulad ng portable bed, directors’ chair (dahil balak ni Nora na muling magdirek ng pelikula), iba’t ibang framed photos/sketches/cross-stitched portrait of Ate Guy, at marami pang ibang nakaantig sa damdamin ng aktres at maging sa mga bisita, tulad ng mga taga-produksiyon at miyembro ng entertainment press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Earlier, sa interview kay Ate Guy, nabanggit naman ang maituturing ding "regalo" niya sa kanyang mga tagahanga.

"Opo naman. Katatapos ko lang yung Ang Kuwento Ni Mabuti... magandang kuwento.

"Manghihilot naman ako dito ngayon at naiiba sa lahat yung magsasalita ako ng Ilocano sa buong pelikula," sabi ng Superstar.

Personal na dumalo sa event ang writer-director ng bagong indie film na si Mes de Guzman; kasama ang kanyang wife at line producer na Rhea de Guzman at ang dialogue coach ng pelikula na si Edlyn Laguit.

Ilang mahahalagang tagpo ng Ang Kuwento Ni Mabuti ang unang ipinapanood, at noon pa man ay ipinagmamalaki na ng direktor nito ang naging maayos niyang pakikipagtrabaho kay Nora.

"Magaang siyang katrabaho at mahusay makisama sa lahat—sa mga staff at crew at mga co-actors niya," sabi ni Direk Mes in an earlier interview.

Sa birthday celebration ni Ate Guy, idinagdag pa ni Mes ang pagiging generous actress ng Superstar, hindi lang sa kanyang art kundi maging sa pagbabahagi ng kanyang earnings.

Aniya, "Yung kinita niya, ibinigay niya sa mga staff at crew nung cast party namin."

Natatawang biro naman ni Nora, "Kaya pagkatapos nun, ako naman ang nangangailangan [ng pera]..."

Nakatakdang ilahok ang Ang Kuwento Ni Mabuti sa unang CineFilipino Independent Film Festival, na gaganapin mula June 26 hanggang July 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN