Jerika Ejercito also reacts to Georgina Wilson and Erwan Heussaff’s snide tweets about new Manila Mayor Erap Estrada

Pagkatapos sagutin ng kanyang kapatid na si Jake Ejercito ang tweets ni Georgina Wilson tungkol sa patutsada nito sa kanilang ama na si Mayor-elect Joseph Estrada, nakisali na rin sa usapan si Jerika Ejercito (nasa larawan) upang ipagtanggol ang ama laban kina Georgina at Erwan Heussaff.


Isa pang anak ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor-elect Joseph Estrada ang nag-react kaugnay ng tweets ng ilang celebrities laban kay Erap.

Sinagot ni Jerika Ejercito ang mga patutsada sa kanyang ama ng model-host na si Georgina Wilson at ng model-chef na si Erwan Heussaff.

Si Jerika ay anak ni Erap sa mistress nitong si Laarni Enriquez at kapatid ni Jake Ejercito.

Matatandaan na noong May 14, isang araw pagkatapos ng May 13 elections, ay nag-tweet si Georgina (@ilovegeorgina) ng ganito:

“ugh i hate politics - but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot"

Bukod kay Georgina, nagpatutsada rin si Erwan sa ama nina Jerika at Jake sa kanyang Twitter post (@erwanjheussaff) noong May 14:

“GMA have you heard? You’ll be pardoned and made mayor soon enough.. Be patient”

Ang tinutukoy ni Erwan na “GMA” ay si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na naluklok sa puwesto pagkatapos patalsikin sa Malacañang si Erap sa pamamagitan ng People Power 2 noong 2001.

Noon namang nakaraang eleksyon, si Gloria ay muling nanalo bilang kongresista sa second district ng Pampanga, habang si Erap naman ay nahahal nga bilang mayor ng Maynila.

Sina Georgina at Erwan ay pinaniniwalaang nasa isang sirkulo lamang ng magkakaibigan.

Si Georgina ay kasintahan ng modelong si Borgy Manotoc, na mula naman sa political clan ng mga Marcos.

Si Erwan ay boyfriend ng aktres na si Anne Curtis at kapatid ng actress-model na si Solenn Heussaff.

JERIKA VS. ERWAN. Gaya ng kanyang kapatid na si Jake, idinaan din ni Jerika Ejercito sa Twitter ang sagot niya sa mga patutsada nina Georgina at Erwan laban sa ama.

Noong May 17, Biyernes, nag-post ng ganitong mensahe si Jerica sa kanyang Twitter account (@MariaJerikaEjercito): “i encourage @erwanjheussaff & @ilovegeorgina not to abuse their "status" to demean ANYBODY for that matter”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Erwan noon ding May 17: @JerikaEjercito Expressing my views and frustrations is all. As a contributing citizen I’m tired of getting toyed with by some politicians”

Tugon dito ni Jerika:@erwanjheussaff you are entitled to your opinion. It would just be better that next time you do share it to get your facts straight FIRST”

Sagot naman ni Erwan: “@JerikaEjercito I corrected myself right after thanks.”

Ang sinasabi ni Erwan na kinorek niya ang sarili ay ang kasunod niyang tweet tungkol kay GMA: “Oops she’s still a congresswoman pala, reality is even funnier than my previous joke.”

Samantala, nananatiling tahimik ngayon si Georgina pagkatapos ng tweet niya na kanya ring binura pagkatapos.

Pero nakarating pa rin ito kay Jake na sumagot din sa pamamagitan ng Twitter noong May 17:

“Ms. Wilson, social media might be a free world but I think it’s quite irresponsible to express such an opinion unless you are well-versed with the current situation of the city of Manila and how the present local administration has failed to handle it.

“Moreover, to call 325,288 Manileños, including the 9.4 million Filipinos who voted for him in 2010, "fucking idiots" is harsh and truly uncalled for. Don’t hate without knowing the facts”

THE PEP INTERVIEW. Kaninang umaga, May 22, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jerika sa pamamagitan ng telepono.

Kinunan namin siya ng karagdagang pahayag tungkol sa mga tweet nina Georgina at Erwan na sinasabing "patutsada" kay Manila Mayor-elect Erap Estrada.

Sabi ni Jerika, “I didn’t even know ng mga tweet na ’yan until my sister Ate Jackie [Jackie Ejercito-Lopez] called and she asked me if I know Georgina.

"And I told her na I don’t personally know her but my brother Jake does so.

"Parang she showed me what Georgina wrote.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then my brother Jake mentioned that si Erwan din merong sinabi about dad or about GMA, but making fun of my dad.

“So, I figured, you know what, pagsamahin na lang to make a plea, di ba, to use their status to be in a more positive light.”

Nasaktan ba siya sa pasaring na ito sa kanyang ama?

Sagot ni Jerika, “No, actually I’m not hurt.

"I mean we got to the impeachment, and with this, wala na ’to.

"You know, the impeachment was way worse and ang mga ganyang bagay ay maliliit na lang sa amin.

"And it’s just, you know, kapag may naririnig kang hindi maganda, mas magandang you put it to right kahit papa’no, as much as you can.”

Ang gusto lang naman daw ni Jerika na hindi magpadalus-dalos ng pagbibigay ng opinyon ang mga tao kung hindi naman daw nila kilala nang lubusan ang nasabing tao—hindi lang sa kanyang ama.

Aniya, “It’s nothing personal, I have nothing personal [against them] at all.”

Sa huli, hiningan namin ng mensahe si Jerika para kina Erwan at Georgina.

Pero aniya, “No more na, tapos na yun, yun lang yun, that’s all I can say. God bless and good luck sa career.”

Bukas ng PEP sa panig nina Georgina at Erwan sa usaping ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN