Ryza Cenon settles issue with real-estate company

Ryza Cenon finally settled her issue with Metrostar Realty and Development Inc., the real-estate company in-charge of her house in Quezon City. According to Ryza’s lawyer, Atty. Vincent Saavedra, the two parties “agreed to no longer pursue whatever legal action they may have against each other, as the issues they had have been resolved.”


Nagkaayos na si Ryza Cenon at ang residential real-estate company na Metrostar Realty and Development Inc.

Matatandaan na kamakailan ay napabalita ang pagkakaroon ng problema ni Ryza tungkol sa kanyang ipinapagawang bahay sa Quezon City.

Noong nakaraang linggo, sa pamamagitan ng isang text message sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ng abugado ng Kapuso actress na nasa “middle of settlement negotiations” na sila ng real estate company.

Ngayong araw, Mayo 22, isang statement naman ang ipinadala ng abugado ng Metrostar na si Atty. Franklin A. Naig sa PEP, at sinabing ang isyung ito’y “resolved” na.

Ayon sa statement, isang “miscommunication” ang nangyari.

Dagdag pa ni Att. Naig, “[T]he parties have reached out to one another in order to swiftly address each other’s issues.”

Nais din daw nilang linawin sa publiko na “the foregoing matter is an isolated issue and the company will not waver in its commitment to build quality homes and attain its mission to establish a safe and peaceful haven to all its clients.”

Samantala, isang statement rin ang ipinadala ng abugado ni Ryza na si Atty. Vincent Saavedra sa PEP ngayong hapon sa pamamagitan ng isang text message.

Kinumpira niya na nagkaroon na ng “final settlement agreement” sa pagitan ni Ryza at ng Metrostar.

Kaugnay nito, napagdesisyunan din ng magkabilang kampo “to no longer pursue whatever legal action they may have against each other, as the issues they had have been resolved.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN