Vice Ganda extends support to Ai-Ai delas Alas with power hug

Ito ang mensahe ni Vice Ganda para sa kaibigang si Ai-Ai delas Alas, na kakahiwalay lang sa asawang si Jed Salang: “Manatili kang matatag, manatili kang punung-puno ng panalangin, manatili kang kumakapit sa Diyos. Ako, kakapit ako sa Diyos para sa iyo.”


Bilang malapit na kaibigan at katrabaho ni Ai-Ai delas Alas, nagbigay ng pahayag si Vice Ganda tungkol sa pinagdadaanan ngayon ng komedyana.

Nakipaghiwalay si Ai-Ai sa asawang si Jed Salang tatlumpung araw pagkatapos nilang ikasal.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vice noong Linggo, May 19, sa 44th Box Office Entertainment Awards, ay tinanong namin siya kung alam niya ang sitwasyon ng pagsasama nina Ai-Ai at Jed.

Saad ni Vice, “Nagte-text kami once in a while [ni Ai-Ai], pero nahihiya akong magtanong.

“Although may hint na akong nararamdaman sa tuwing nagkakausap kami, pero hindi ko na pinapa-elaborate.

“Hinahayaan ko na lang siya, ibinibigay ko sa kanya yung espasyo.

“Yung mahigpit na yakap ang ibinibigay ko sa kanya.”

Ano naman ang reaksiyon ni Vice sa emosyunal na panayam ni Ai-Ai sa The Buzz kung saan isiniwalat nito ang dahilan ng pakikipaghiway niya kay Jed?

Sabi ng Kapamilya star, “Siyempre nalulungkot ako… malungkot na malungkot ako para sa kanya.”

Pero mensahe niya sa kaibigan, “Manatili kang matatag, manatili kang punung-puno ng panalangin, manatili kang kumakapit sa Diyos.

“Ako, kakapit ako sa Diyos para sa iyo.”



PHENOMENAL BOX-OFFICE STAR. Samantala, sa pangalawang pagkakataon ay itinanghal si Vice bilang Phenomenal Box Office Star ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. (GMMSFI).

Noong isang taon ay idinagdag ng GMMSFI ang kategoryang “Phenomenal Box Office Star” sa taunan nilang parangal dahil binasag ng pelikula ni Vice na Praybeyt Benjamin (2011) ang record bilang highest-grossing film sa Pilipinas.

Ngayong taon naman ay binasag ni Vice ang sarili niyang record nang tumabo nang husto sa takilya ang tinampukan niyang pelikula, ang Sisterakas (2012). Ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na niya sina Ai-Ai at Kris Aquino.

Labis-labis ang pasasalamat ni Vice sa karangaalng ipinagkaloob sa kanya.

Sabi niya, “Masaya kasi pangalawang taon ko na ito na magkasunod.

“Magdadasal ako na sana, nasa okasyon na ito uli ako next year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging malaking tagumpay rin ang concert ni Vice na I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta noong Biyernes, May 17.

Sabi naman niya tungkol dito, “Isa na naman yun sa mga idinasal ko na natupad.

“Isa na naman yun sa dahilan ng pagngiti ko ngayon kaya maraming-maraming salamat sa lahat ng nanood.”



SENATOR NANCY BINAY. Nang tanungin naman siya tungkol sa nabalitang pagge-guest ni Senator-elect Nancy Binay sa kanyang programang Gandang Gabi Vice, sinabi ni Vice na bukas siya sa ideyang ito.

Sabi niya, “Hindi pa naman kami nakakapag-usap, tinanong lang ako kung gusto kong mag-guest siya.

“Sabi ko, ‘Why not? Bakit naman hindi?’ That will be fun.”

Dagdag ni Vice, “Suportahan natin siya. Magsuportahan tayo.

“Lahat naman ng mga sendador, suportahan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN