Georgina Wilson clarifies tweet about Erap Estrada; apologizes to the former President’s family

Binasag na ng model-host na si Georgina Wilson ang kanyang pananahimik sa pinag-uusapang tweet niya diumano tungkol kay dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor-elect Erap Estrada na lumabas noong May 14, isang araw pagkatapos ng eleksyon.


Isang linggo pagkatapos pumutok ang kontrobersiya tungkol sa patutsada diumano niya sa Twitter sa dating presidente at ngayon ay Manila Mayor-elect Joseph "Erap" Estrada, nagsalita na ang model-host na si Georgina Wilson.

Sa email na ipinadala ni Georgina—sa pamamagitan ng kanyang manager na si Shirley Kuan—kay PEP managing editor Karen Pagsolingan ngayong gabi, May 22, sinabi nitong luma na ang tweet niya tungkol kay Erap at wala raw itong kinalaman sa katatapos na eleksyon.

Sabi ni Georgina, "I would like to clarify the details of a tweet I posted regarding former President Joseph Ejercito Estrada.

"The tweet was written 4 years ago in 2009 at a time when I was still studying at University in Australia.

"It is in no way connected to the recently concluded elections.

"The original post is still in my twitter timeline."

Sa screen shot na ipinadala sa PEP, kasama ng statement ni Georgina, ay makikita na "21 Oct 09" (October 21, 2009) ang petsa ng tweet niyang ito:

“ugh i hate politics - but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot"

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Georgina sa pamilya ni dating Pangulong Estrada na nasaktan daw dahil sa kanyang mga salita.

Matatandaang nag-react ang mga anak ni Erap sa dating aktres na si Laarni Enriquez, sina Jake at Jerika Ejercito, nang makarating sa kanila ang tweet na ito ni Georgina na lumabas noong May 14.

(Ang legal na asawa ni Erap ay ang dating Senadora Loi Ejercito. Ang anak nila ay sina Jinggoy, Jude, at Jackie.)

Sabi pa ni Georgina sa kanyang statement sa PEP, "I fully understand the responsibilities that come with being part of this industry.

"I know my words were insensitive and hurtful but I feel it is not fair that it has been taken out of context."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN