Judy Ann Santos on rumored annulment with Ryan Agoncillo: “Sa napakaraming tsismosa dito sa Pilipinas, maisi-secret mo ba ang annulment?”

“Hindi naman bed of roses itong pagkakasal namin ni Ryan. May mga pinagdadaanan din kami, hindi lang halata. Pero alam mo, yung isyung ‘yon, sa amin lang ‘yon, natatapos sa bahay,” says Judy Ann Santos about having little misunderstandings between her and husband Ryan Agoncillo.


Natawa ang award-winning actress na si Judy Ann Santos nang tanungin tungkol sa bali-balitang pagpa-file diumano nila ng asawang si Ryan Agoncillo ng annulment upang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa tinaguriang “Teleserye Queen” ng ABS-CBN sa pictorial ng cast ng bagong primetime series na Huwag Ka Lang Mawawala kahapon, May 22, isa-isa niyang sinagot ang mga intrigang ibinabato ngayon sa kanilang mag-asawa.

ANNULMENT RUMOR. Sa isyung annulment, pinabulaanan ito ni Judy Ann sa pamamagitan ng sunud-sunod niyang tanong sa media.

Natatawa niyang sabi, “Ano ba ‘yan?! Hindi ba ang mahal-mahal magpa-annul?

“Kung magpapa-annul kami, hindi na namin ipapaalam para hindi na kami magbayad.

“Mayroon bang secret na annulment? Hindi ba wala?

“Sa napakaraming tsismosa dito sa Pilipinas, maisi-secret mo ba ang annulment?”

"Yung secret annulment? Meron ba nun?”

Ayon pa kay Judy Ann—na apat na taon nang kasal kay Ryan—pinagtatawanan na lamang nilang mag-asawa ang mga intriga tungkol sa kanila.

Sabi pa niya, “Nakakaawa na sila kung sinuman ang gumagawa ng istoryang ‘yan.

“Sa totoo lang, nakakaawa kasi parang, ‘Bored ba kayo?’ Kasi, parang boring na, di ba?

“Hindi naman sa mga nagtatanong, pero parang paulit-ulit na lang.

“Kailangan bang gumawa kami ng event na kakaiba ang pag-uusapan para malayo naman tayo sa hiwalayan na tsismis?

“Nakakatawa na lang din.

“Mayroon ba kaming ipinakitang eksena ni Ryan na puwedeng mag-conclude na naghiwalay kami or nag-undergo kami ng counselling?

“Pero siyempre, sa kabilang banda, gusto ko na lang din isipin na baka concern lang sila.”



"WOMANIZER." Bukod sa isyung paghihiwalay, madalas din nababalita ang diumano’y pagiging “womanizer” o babaero ng asawa ni Judy Ann na si Ryan.

Muli, tinawanan lang ito ng Kapamilya actress.

Sabi niya, “Nakakatawa na nga lang, e.

“‘Susmaryosep, napakaguwapo mo, Ryan!’

“Talagang sabi ko sa kanya, ‘Ang guwapo-guwapo mo, ang tangkad-tangkad mo!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natatawa na lang talaga kami.”

Ayon kay Judy Ann, hindi kailangan bigyan ng anumang kulay ang pakikipagkaibigan ni Ryan sa ibang mga babae.

“Naaawa ako, nahihiya ako sa mga babaeng kaibigan ni Ryan.

“I mean, hindi ba puwedeng makipagkaibigan ang lalaking may asawa sa isang babae?

“Hindi pa puwedeng hindi lagyan ng kulay?

“Kasi, magkaibigan lang naman, baka naman layuan na ng mga babae si Ryan...

"Mga kaibigang babae, ha, linawin natin.”

Tiwala raw si Judy Ann sa pagiging faithful ng kanyang asawa.

“Yung trust and loyalty ni Ryan, 150 percent ‘yan. Hindi talaga ‘yan [mababago] kahit kailan.

“Malalaman mo na honest na tao si Ryan kasi hindi siya magtatago sa ’yo.

“Kung ano ang ayaw niya, sasabihin rin niya.”



MISUNDERSTANDINGS ARE NORMAL. Bagamat itinanggi ni Judy Ann ang isyung hiwalayan nila ni Ryan, inamin niya na hindi mawawala ang maliliit na problema sa pagitan nilang mag-asawa.

Aniya, “Parang sa amin ni Ryan, kung anuman yung natutunan namin for the past four years na magkasama kami, talagang darating ang pagsubok.

“Ang mahalaga lang, dapat may natutunan kami sa pinagdadaanan namin.

"Para kung anuman yung nakaraang pinagdaanan, hindi na ma-discuss o maulit kasi galing ka na diyan, e.”

Dagdag ng actress-TV host, “May mga moments naman na may mga issues kami ni Ryan.

“Hindi naman bed of roses itong pagkakasal namin ni Ryan.

“May mga pinagdadaanan din kami, hindi lang halata.”

Hindi gaya ng ibang celebrity couples, sinisiguro nina Judy Ann at Ryan na magiging pribado ang hindi pagkakaunawaan nilang mag-asawa.

“Alam mo, yung isyung ‘yon, sa amin lang ‘yon, natatapos sa bahay.

“Hindi namin siya ina-allow na lumabas pa kasi it’s between me and him.

“Pero kung anuman ang pinagdaanan namin, it makes us stronger and it makes us better persons.

"So, wala ‘yon, deadma lang.”



STAYING POSITIVE. Sa ngayon, iniiwasan na lamang ni Judy Ann ang anumang mga negatibong isyu sa kanila ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa nagiging positive na lang ako,” sambit niya.

“Ayaw ko kasing magpaka-nega dahil napakasuwerte ko ngayong taong ito.

“Ang daming trabahong pumapasok, ang daming kaibigang nandidiyan.

"ABS-CBN is there, the whole management is there, inaalagaan ako.

“Kung magpapaka-nega pa ako, para namang ang bitter ko pa sa nangyayari sa akin.

“Tinatawanan ko na lang [ang mga isyu] kasi masyado akong masaya ngayon.

“Masyado akong proud, masyado akong overwhelmed with happiness talaga.

"Ayaw kong masira ang konsentrasyon ko, ayaw kong masira ang focus ko.

"I’m just really very happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN