Denise Laurel denies being a “favored” actress in ABS-CBN: “Hindi ba puwedeng sobrang hardworking na lang ako o ipinagdasal ko talaga ang mga ito?”

Hindi raw inoobliga ni Denise Laurel na magbigay ng suporta ang ama ng kanyang anak. Sabi niya, “I’m not the type of person that nag… or force people because I know I can do things on my own. My parents taught me to be strong and brave kasi.”


Ibang-iba o kabaligtaran daw ang gagampanang role ni Denise Laurel sa Annaliza kumpara sa mga dati niyang roles sa Precious Heart Romances (PHR) series.

Kung puro kaseksihan ang ipinakita ni Denise sa PHR, tulad ng sa Pintada at Paraiso, isang ina naman ang kanyang gagampanan sa Annaliza.

Ang Annaliza ng ABS-CBN ay remake ng soap opera na ipinalabas noon sa GMA-7 at pinagbidahan ng namayapang teen star na si Julie Vega.

Sa bagong version, ang gaganap sa title role ay si Andrea Brillantes.

Sabi ni Denise tungkol sa kanyang role, “I am Isabel. Si Lazaro, played by Patrick Garcia, ang asawa ko.

“Pero this is very interesting kasi it’s something new for me.

“That’s why I’m so lucky because since I came back, you know, from pregnancy, Pintada, Paraiso, iba-iba ang ginagawa ko.

“Parang lucky ako that they are trusting me.

"Kahit magkakasunod, hindi mo makikita ang ibang karakter… sana.

“When people watch it, hindi nila makikita ang ibang karakter na nagawa ko.”



MOTHER ROLE. Sa tunay na buhay ay isa na ring ina si Denise, pero ang anak niya sa serye na si Andrea ay hindi naman kaedad ng tunay niyang anak.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang mother role na kakaiba sa dati niyang PHR series at sa tunay niyang sitwasyon?

Tugon ni Denise, “Before I read the story, when I first found out, siyempre natakot ako.

“Pero in-explain sa akin ni Direk Ruel Bayani ang kuwento [ng Annaliza].

“Siyempre, hindi ko pa siya napapanood. Hindi pa ako ipinapanganak.

“So, parang when he told me the story, taas-balahibo talaga.

“Noong ikinuwento niya sa akin, kitang-kita ko ang passion and emotion niya.

“Siyempre, director siya. Kapag ikinukuwento niya, nakikita ko sa mind ko, nai-imagine ko.

“So, sabi ko, ‘Okay, let’s do it!’ I don’t care… it’s a character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m young, you know. I’m also in mommy life. Marami akong natutunan sa kanya because ang pagiging mommy niya, mas advanced.

“I never lost my child… kaya ngayon, parang mas naging praning pa ako sa safety ng anak ko!” natatawa niyang sabi.



FAVORED STAR. Palaging may bagong project si Denise sa ABS-CBN, kaya hindi maitatangging isa siya sa masusuwerteng talents ng Kapamilya network.

Sabi ni Denise tungkol dito, “I can’t ask for anything more. I’m super-duper grateful. I cannot ask for anything more.

“Last year and this year are more than I can ever think of.”

Dahil hindi nababakante sa projects si Denise, naiintriga tuloy na paborito siya o dahil may kapit siya sa management kaya napapaboran.

Tanggi naman ni Denise, “No, kasi I guess nakikita ng ibang tao na hindi naman ako palagi sa ABS.

“Kapag may mga boss, tahimik lang ako, kasi I don’t know what to say to bosses.

“Hi, hello… hindi kasi ako yung gagawa ng kuwento para lang may conversation.

“Even if I don’t look it, may time na mahiyain talaga ako.

“Ang tingin nila sa akin liberated, pero kapag nandoon na sila, ayoko namang mag-feeling close o kapalmuks.

“Siyempre, boss ko ang mga ‘yan, e. So, tatratuhin ko silang boss ko.”



STOCKHOLDER. May suspetsa rin na kaparte si Denise sa pag-aari o management ng network.

Kuwento niya, “I remember one time, I think presscon ng Kristine, somebody asked me if I’m one of the stockholders of ABS, kasi palaging may show.

“Una, na-hurt ako, pero sabi ko, okay, tatawanan ko ito.

"Kasi, wala akong stock dito. Sa ibang network ako may stock.

"Pero inheritance ko naman yun from the time pa ng lolo ko [former Vice President Doy Laurel], na-inherit ko na lang.

“Pero, na-hurt ako na may mga tsismis na ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ba puwedeng sobrang hardworking na lang ako o ipinagdasal ko talaga ang mga ito?

“Pero, hindi lang naman ako sa pamilya ko, it belongs to the whole Laurel clan.

“Ibig sabihin noon, siguro point five percent lang ang mapupunta sa akin.”

Pero hindi na sinabi ni Denise kung saang network siya may stock.

“I don’t know if I’m allowed... people can search it online na lang. At least, it didn’t come from me.

"Pero alam mo yun? Na-hurt lang ako sa ganoon.”



SINGLE MOM. May isang taon nang hiwalay si Denise sa kanyang non-showbiz Italian-American boyfriend na ama ng kanyang anak.

Ayon kay Denise, okay naman sila ng kanyang ex at nagkakasundo naman sila sa set-up lalo na nang ipanganak ang kanyang baby—na tinatawag niyang “Little Warrior.”

Saad niya, “We never fought or anything like that.

“Nothing has really changed, like we send each other photos, emails.

“Pero he’s far away and it’s really difficult like to have that lifestyle.

“I’m settled down here and my roots are here, my families are here… I want my son to grow up with my family."

Sa kasalukuyan, palipat-lipat daw ng bansa ang ex-boyfriend. Hindi ba siya niyaya nito at ang kanilang anak sa mga assignment nito?

Sabi ni Denise, “Alam niya kasi na ayoko nun, alam niya na nandito talaga ang puso ko.

“Even when I’m abroad, it’s nice na pangbakasyon lang, parang nahu-homesick ako agad.

“Ako yung tipo ng taong, okay, sige, puwede akong magbakasyon, pero maximum of four days, five days lang.

“Parang iniisip ko, ‘Oh, my gosh, next five years!” natatawang sabi niya.

Ang dahilan ba ng paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend ay ang long-distance relationship?

Sabi ni Denise, “I guess, pretty much.

"And parang for me, I have my shoes fully submerged in parenthood already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang yung buong puso ko, I am full on a parenthood.”



CONSERVATIVE. Sabi pa ni Denise, hindi naman sila nagsama talaga kahit na nabuntis na siya at nanganak.

“I never lived-in, despite the fact na I got pregnant out of wedlock…

“And despite the fact na I’m a liberated kind of girl, I’m still an old school.

“I still wanted to do things traditionally. I won’t move out of my parent’s house until I get married.

“If I’ll buy a new house, let’s say one day that happens, I would bring my parents with me.

“We all live together, kasi nga, hindi pa kasal yung kapatid kong lalaki at saka yung ate ko… so lahat kami.

“And it’s handy like when my son comes home, lahat kami nandoon, we’re all playing with him.

“E, ako, noong lumaki ako, lahat ng pinsan namin magkakasama.

"I also want that for him. Gusto ko marami siyang playmates.”



PATERNAL SUPPORT. Nagbibigay naman daw ng pinansiyal na suporta ang tatay ng anak niya. Pero hindi raw niya ito inoobliga.

“I said, ‘Whatever you wanna give, just give it. If you don’t feel like giving, it’s okay because I’m working.’

“’If you want to save on your own for his future, that’s good, too. But I’m also saving.’

"At doon din naman ako natuwa.

“I’m not the type of person that nag… or force people because I know I can do things on my own.

“My parents taught me to be strong and brave kasi.”

Ano ang naramdaman ni Denise nang maghiwalay sila ng kanyang ex?

Tugon niya, “Hindi rin naman ako umiyak kasi nga, yung brain ko, full of mom na—mom mode.

“I think, when you become parents, that’s usually what you worry about—it’s not that important anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What is important is what’s happening with your child now… your parents, family, and future.

“But I’m not selfish. Anytime he wants to feel like visiting and playing with his son, I don’t stop that from happening.”



FEELERS. Hindi masagot nang diretso ni Denise ang tanong kung wala pa siyang bagong karelasyon simula nang maghiwalay sila ng kanyang ex-boyfriend.

Natatawang sabi niya, “Yun nga, maraming nagpaparamdam!”

Meron ba ngayon?

Napangiti lang ang aktres. Pero sa mga ganoong reaksiyon, isa lang ang ibig sabihin—meron nga.

“It’s hard,” natatawang sabi naman niya.

“It’s really hard to juggle everything right now. I also have all my time, like not working with my son.

“Kaya kung minsan, kapag may tengga ako sa set na uunahin nila na super important, pero kailangan nila ako, sasabihin nila, ‘O, Denise, puwede mo munang sunduin si Little Warrior.’”

Pero mayroon na nga bang special someone sa buhay niya ngayon?

Pag-iwas pa rin niya, “Ah, basta…

“One day, when the time is right. Palagi ko namang sinasabi yun.

“Sabi nila, ‘Why not?’ Or, ’Why did I get pregnant then?’

“Or, ’Why am I not together with the family now or why am I doing these roles now?’

“And all that I say, God’s timing and in time, mari-reveal din ang answer.”



FORMER LOVETEAM. Matagal naging magka-loveteam sina Denise at Rafael Rosell sa Kapamilya network at minsan na rin silang na-link sa isa’t isa.

Nagkaroon nga ba sila ng relasyon?

Sagot ni Denise, “No… you know why we are such a perfect team? Because we’re best friends.

“Nag-uusap kami, kasi sabay kaming nag-start before. Like Batch 9 [of Star Circle].

“Magkatapat kami ng training hall at ’Booger’ talaga ang tawag ko sa kanya. Kuya Booger pa ang tawag ko sa kanya.

"Nahirapan kami kasi ang tingin niya sa akin, little sis. Ang tingin ko sa kanya, kuya… so yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nag-bonding kami one day… the day that we found out that we will be paired with each other.

“Ang haba ng usapan namin, yung hopes and dreams namin, stuff that are comfortable with our… not comfortable with us, that we’re shy about.

“Lahat talaga, pinag-usapan namin and we knew everything about each other.

“And I think that’s why we worked well, kasi bigay-todo kami sa trabaho.”

Dumating pa nga sa puntong inisip ng marami na si Rafael ang ama ng anak niya.

“Kawawa naman si Boogy,” natatawang sabi ni Denise.

Ano ang dahilan kung bakit hindi naging sila?

“I think it’s because we work so well together and because we know everything about each other.”

Nalungkot ba si Denise nang lumipat sa GMA-7 si Rafael?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

“But seeing him happy, nagiging happy na rin ako.

"But I haven’t seen him for the past two months kasi nga busy siya, busy ako.

“And then, we text. I follow him on Instagram and I always comment on him because I miss him so much.

“Minsan, nagpo-post ako, ‘Boogy, I miss you.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN