Judy Ann Santos on Ai-Ai delas Alas’s ordeal: “Mahal namin siya and we’re all here for her.”

“Sana sa paglabas nitong soap na pinaghandaan namin, marami kaming mahikayat na mga kababaihan na ipaglaban ang mga sarili nila,” says Judy Ann Santos about her new soap Huwag Ka Lang Mawawala.


“Ang babae, dapat marunong lumaban basta nasa tama ang ipinaglalaban niya.”

Ito ang pahayag ni Judy Ann Santos tungkol sa mga babaeng nasa isang relasyon at nalalagay sa alanganin.

Women’s empowerment kasi ang magiging tema ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Huwag Ka Lang Mawawala.

Ayon kay Judy Ann, napapanahon ito, “Para mag-boost rin ng pakiramdam ng babae.

“Hindi porke’t asawa ka, e, basta ka na lang papayag sa nangyayari lalo na kapag naaapi ka na.”

Sigurado rin ang Kapamilya actress na marami ang makaka-relate na mga babae sa bago niyang teleserye, na magsisimula sa June 17 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Sabi pa niya, “May mga manaka-naka rin naman akong kakilala na ito ‘yong mga pinagdadaanan nila.

“Not necessarily wife but sila mismo bilang isang tao.

“Kahit single din naman, nabubugbog, di ba?

“Nakakalungkot lang din kasi isipin na maraming involved sa mga situations na dehado sila.

“So, to inspire women na hindi sa lahat ng pagkakataon ay lalaki ang sinusunod lalo pa’t kung maling-mali na talaga.”



ON AI-AI DELAS ALAS-JED SALANG ISSUE. Dahil sa tema ng kanyang bagong TV project, hindi naiwasan ng press na tanungin ang opinyon ni Judy Ann tungkol sa kasalukuyang pinagdadaanan ng kapwa niya Kapamilya na si Ai-Ai delas Alas.

Noong nakaraang linggo ay kinumpirma ng comedienne ang paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Jed Salang. Ito ay pagkatapos ng mahigit isang buwan pa lamang nilang pagpapakasal sa Las Vegas, Nevada.

Isiniwalat ni Ai-Ai na sinasaktan siya ni Jed noong nagsasama pa sila.

Paglilinaw ni Judy Ann, nagkataon lang daw talaga na maiuugnay ang tema ng Huwag Ka Lang Mawawala sa kasalukuyang problema ni Ai-Ai.

“Para sa lahat ito. Nagkataon lang talaga.

“Hindi naman ito talaga patungkol sa sitwasyon ni Ms. Ai-Ai.

“Mahal namin siya and we’re all here for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkataon lang na ito ang naging tema ng teleserye namin.”

Gayunman, nanghinayang daw si Judy Ann na hindi naging maganda ang kinahantungan ng relasyon nina Ai-Ai at Jed.

“Siyempre, sad kasi kaibigan na natin si Ai-Ai. But I don’t know Jed personally. I have nothing else to say to him.

“It’s just that it’s really sad na parang ang isang love story na pinangarap ng isang tao, all of a sudden ay biglang nawala."

Dagdag pa niya, “Sana talaga walang ganun.

"Sana hindi umaabot ang lalaki sa puntong kailangang pagbuhatan ng kamay ang babae—asawa, anak, nanay, o kung sino pa man.

“Kasi, hindi dapat nagkakasakitan ang mga taong nagmamahalan, di ba?”

Sa huli, umaasa si Judy Ann na maging magandang impluwensiya ang Huwag Ka Lang Mawawala sa mga manonood.

“Sana sa paglabas nitong soap na pinaghandaan namin, marami kaming mahikayat na mga kababaihan na ipaglaban ang mga sarili nila,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN