Bamboo Mañalac says being popular is a “humbling thing”

Ipinaliwanag ni Bamboo Mañalac kung bakit noong miyembro pa siya ng banda ay mailap siya sa press. Sabi niya, "Dati kasi I was part of a band, may wall. I guess you can say that. I always believe na pag banda ka, equal kayo [ng ka-bandmates mo], because I want everyone to have the same voice, same attention from the whole thing. Again [ngayon] wala na akong tataguan, e. It’s just me, wala na akong tataguan, e."


Inamin ng pop-rock singer na si Bamboo Mañalac na hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya sa atensiyon na nakukuha niya mula sa kanyang mga tagahanga o sa mga tao.

“I’m always surprised. Lumabas lang ako sa grocery [o] sa bangko, nagugulat ako!” natatawang sabi ni Bamboo.

Dagdag niya, “I mean these days it’s a different energy, a different vibe from the people who come up to me.

"People from all ages now come to me and shake my hand and, you know… say thank you… you know… love for the music.

“At some point, nakaka-humble na rin.

"It’s a humbling thing, e, when something like that happens. It’s been great.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bamboo sa press conference ng Musikat Jam, isang week-long event na pagsasama-sama ng mga kilalang singers and performers sa bansa from different genres.

Halos dalawang dekada na si Bamboo sa music industry. Nagsimula siya bilang vocalist ng bandang Rivermaya noong 1993 hanggang 1998. Kumalas siya sa banda para manirahan muna sa Amerika.

Nang bumalik siya sa Pilipinas noong 2003 ay lumikha siya ng isa pang banda na tinawag niyang Bamboo. Nabuwag ang banda noong 2011 at nag-solo si Bamboo.

Sa ngayon ay visible si Bamboo sa Sunday musical variety-show na ASAP 18 at isa rin siya sa mga hurado sa upcoming reality-based singing competition na The Voice, franchise ng hit show sa ibang bansa.



MORE VISIBLE, MORE VOCAL. May reputasyon noon si Bamboo na misteryoso at tahimik. Pero sa pagiging visible niya recently, mas madali na siyang kunan ng mga pahayag ng media ngayon.

Tinanong ng PEP si Bamboo kung nahihirapan ba siya na mas maging “public” ngayon.

Tugon niya, “Hindi naman. Dati kasi I was part of a band, may wall. I guess you can say that.

“I always believe na pag banda ka, equal kayo [ng ka-bandmates mo], because I want everyone to have the same voice, same attention from the whole thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Again [ngayon] wala na akong tataguan, e. It’s just me, wala na akong tataguan, e.

"So that’s pretty much it.”


GIRL MAGNET. Hindi lang female fans ni Bamboo ang humahanga sa kanya. Kahit mga fellow singers niya, gaya ni Sarah Geronimo, ay may atraksiyon kay Bamboo dahil sa husay nito sa kanyang propesyon.

Ano ang nararamdaman niya na maraming babae ang humahanga sa kanya?

Sabi ni Bamboo, “Oh, well, I mean I just wanna say thank you.

"I guess they just appreciate the passion I put in, the work I put in.

“Importante sa akin na… may pagka-workaholic ako, so when I do something, I try to inhabit the song, believe the song, believe what I’m singing.

“I guess with all these singers, they see that they hear that and I’m thankful for it.

“Kita mo naman when I sing with other people [like] on ASAP, it’s a different energy, di ba?

"I mean, ganun yun, e. Pakiramdaman ‘yan, e.

"When you blend to something different, it becomes different.”

MUSIKAT JAM. Nakatakdang mag-perform si Bamboo sa June 7 sa Newport Performing Arts Theater para sa rock genre bilang bahagi ng Musikat Jam.

Samantalang ang iba pang genre gaya ng Broadway, Jazz, Opera, at soul at itatanghal naman mula June 1 hanggang June 6 na kinabibilangan ng mga sikat na theater artists sa bansa.

Sabi ni Bamboo sa pagkakasali niya sa Musikat Jam, “I’m honored.

"It’s such an honor to be sharing with great artists from all different genres, so excited na rin ako.”

Aminado siya na kinabahan siya na mapabilang sa musical celebration na ito, na dadaluhan din ng mga kilalang artists gaya nina Lani Misalucha, Bituin Escalante, Pinky Marquez, Audie Gemora, at Menchu Lauchengco-Yulo.

Sabi niya, “Noong una medyo kinabahan ako, e… little butterflies [in my stomach].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ve known of these artists, but for the first time, I sat down and talked to them which I love.

“Sana may mapulot naman ako something from them from this whole week experience.”

Paglalarawan pa ni Bamboo sa kanyang upcoming stint, “Yung show na ito, it will be different in the sense na theater ito, e. So, iba yung atake namin.

"It will be a different attack, so I’ll have strings for this one para bagayan naman natin ang venue, di ba?

“We’ll have a bit of rock, old hits, but gusto ko ring magulat yung tao na you know... I guess in honor of yung meaning ng buong week, di ba... na napaka-diverse.”

Ibig bang sabihin nito ay magtutuloy-tuloy na siya sa ganitong klaseng pagtatanghal sa teatro?

“Hindi ko pa alam… sana… we’ll see what happens.

"Di ko puwede i-forecast ‘yon kung ano’ng mangyayari. Medyo busy na rin ako.

"I think the next two years, alam ko na ang mangyayari na, e, so we’ll see what happens later on,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN