Richard Gutierrez accepts defeat of mom Annabelle Rama last election but...

Bagamat tanggap na raw ng pamilya Gutierrez ang pagkatalo ng kanilang ina na si Annabelle Rama sa kandidatura nito bilang representative ng first district ng Cebu, may pasaring pa rin si Richard Gutierrez tungkol sa naging resulta ng eleksyon. Sabi ni Richard, “We did a good campaign. We did our best. Ang kalaban namin hindi nangampanya, pero nanalo. So that will tell you kung ano talaga ang nangyari.”


Positibo ang pagtanggap ni Richard Gutierrez sa pagkatalo ng kanyang ina na si Annabelle Rama noong nakaraang eleksyon.

Solid ang buong pamilya Gutierrez na sumuporta sa pagtakbo ni Annabelle bilang kongresista sa first district ng Cebu. Ngunit hindi pinalad ang talent manager dahil tinalo ito ng re-electionist na si Raul del Mar.

Kaagad naman daw tinanggap ni Richard ang pagkatalo ng kanyang ina.

Ayon sa Kapuso star, wala silang pinagsisihan sa pagpasok ng kanyang ina sa pulitika. Malaki raw ang naitulong nito para maging buo silang pamilya at lalong maging close, pati sa mga kababayan nila sa Cebu.

“Para sa amin no regrets,” umpisa ni Richard.

“Actually, ang buong experience ng campaign namin was very positive to our family. Mas naging close kami sa Rama sa Cebu.

"We did a good, clean, and strong campaign sa Cebu.

“Even our family, nagkaroon kami ng maraming bonding time.

"It was a good experience. We were able to go around in different barangays in Cebu and see the people, met the people of Cebu, and inalam namin kung ano ang puwede naming itulong sa kanila.

"So ngayon, tutulong pa rin kami sa Cebu.

“Nakita namin kung ano ang naging problema nila dun.

“Just because iba ang naging resulta ng eleksyon, it doesn’t mean na we will stop helping them in Cebu.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa mini-presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7, ang Love & Lies. Ginanap ito kahapon, May 23, sa GMA Network Center.

REALIZATIONS. Ayon kay Richard, may mga realization lang daw siya sa pagtulong niya sa pangangampanya ng kanyang ina.

Saad niya, “Ang hirap ng pulitika dahil nga hindi mo alam kung ano ang mangyayari until the last two days.

“Kahit nag-campaign ka nang matindi, umikot ka sa Cebu, nakuha mo ang puso ng mga tao, sa last two days, maaaring mabago ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap dahil maraming nagaganap sa last two days of election. May mga milagrong nagaganap diyan.”

Sabi pa ni Richard, napag-usapan ng kanilang pamilya na manalo o matalo si Annabelle ay maluwag nilang tatanggapin—basta napatunayan nilang lumaban sila nang tama at parehas.

“We did a good campaign. We did our best.

"Ang kalaban namin hindi nangampanya, pero nanalo. So that will tell you kung ano talaga ang nangyari,” makahulugang sabi pa ni Richard.

Dagdag niya, “Okay lang sa amin, tanggap namin.

"Masaya kami na nanalo ang uncle namin, si Uncle Mike [Rama].

"Ang objective namin was to help him out win as mayor of Cebu City, and we were able to do that.

"So, nagawa rin namin ang objective namin, kahit papano.”

Ngayon ay balik na raw sa dating trabaho ang mommy niya bilang manager ng Royal Era Entertainment.

“Maraming trabaho ang naghihintay sa mommy ko dito sa Manila. Maraming naghihintay na meeting sa kanya.

“So, finally, she’s back. She’s excited to be here again.

"She’s happy, and we’re all happy, and it was a good experience for us,” pahayag ng bida ng Love & Lies.

Wala pa raw masasabi si Richard ngayon sa sinabi ng mommy niyang “I shall return” dahil matagal pa raw ang susunod na eleksyon. Marami pa raw mangyayari bago dumating ang panahong iyon.

LAST SHOW ON GMA-7? Sa ngayon ay gusto na munang mag-focus ni Richard sa pagtatapos ng kanyang drama series sa GMA-7, dahil dalawang linggo na lang ang Love & Lies.

Ngayong araw, May 24, ang last taping day niya na kukunan sa Morong, Bataan. Matinding aksyon daw ang pinaghandaan nila para sa pagtatapos ng kanyang teleserye.

Pagkatapos nito ay hindi pa masagot ni Richard kung ito na ba ang huling programa niya sa GMA-7 dahil tapos na ang kontrata niya sa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi niya masagot kung magre-renew ba siya o tuluyan nang iiwan ang Kapuso network.

“Hindi ko pa po masasagot sa ngayon ‘yan siyempre. May tamang panahon para diyan,” sabi ni Richard.

Pagkatapos nito ay magbabakasyon daw muna siya kasama ang pamilya at magkakaroon ng sapat na panahon para sa sarili.

Tinanong ng PEP kung kasama ba sa mga lugar na pagbabakasyunan niya ang bansang Switzerland, kung nasaan ngayon ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati.

“Tingnan natin... maaari,” pakli nito.

Dagdag ni Richard, “I wanna spend time with my family, unwind and relax. Naging hectic din ang taon ko, kaya relax muna.”

Pagdating naman kay Sarah ay tikom ang bibig ni Richard.

Wala rin siyang komento tungkol sa huling ipinost ng young actress sa kanyang Instagram account kunsaan ipinakita nitong payat siya at hindi buntis, gaya ng nababalita.

Aniya, “Tsaka na lang natin pag-usapan ‘yan.

"Nandito tayo for Love & Lies, and ayoko munang pag-usapan yung mga personal na nangyayari sa buhay ko ngayon.

"We have the right time to discuss that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN