PEPtalk. Steven Silva and Carl Guevera: how important it is to have six-pack abs?

Carl Guevara (left) on Kris Bernal: "Getting there... Exclusively dating kami."

Steven Silva (right) prefers to keep his love life open, "Kasi I think, sa tingin ko lang, If you deny it, e mas lalong magpa-pry yung mga press or something."


Bago pa magtapos ang summer ay binisita ng Kapuso hunks na sina Carl Guevara at Steven Silva para sa PEPtalk Bodies Special.

Naging game ang dalawa sa pagsagot ng mga tanong mula sa mga host na sina Demai Sunio-Granali at Kathleen Benavidez.

Demai: Hello there PEPsters and welcome to another episode of PEPtalk. Sa pagpapatuloy ng ating Bodies Special, makakasama natin ang dalawang Kapuso hunks... ladies and gentlemen, please welcome Steven Silva and Carl Guevara!

Steven: “Hello.”

Demai: Bati muna kayo sa PEPsters before tayo mag-start.

Steven: “Hello PEPsters. How are you?”

Carl: “Hey PEPsters.”

Steven: “Happy summer.”

Kath: So guys, mid-May na, summer’s almost over. Kamusta yung summer ninyo so far? How did you spend it?

Demai: Start tayo kay Steven.

Steven: “Ang sa akin, ang bilis ng summer, ‘no?

“It just started tapos matatapos na yung summer.

“But for me, may mga times na nag-swimming kami, I was with my family, may mga outings kami, at saka medyo busy din sa work, so parang yung summer, kahit papaano, I tried to go out when I could.

"But may mga work, may mga times din na I was busy with work.”

Carl: “Sa akin actually, yung summer, hindi ko pa nararamdaman e. Kasi hindi pa ako nakakapag-beach.

“So, by next week, ‘yan, magbo-Boracay ako. So yun, dun ko pa lang mararamdaman.”

Demai: Pero did you ever go out this summer na, yung ano lang, relax-relax lang?

Steven: “Summer outings?”

Demai: At sinong mga kasama mo?

Carl: “Bakasyon? Hindi pa rin e. Puro kasi ano, e... tapings.

“So bakasyon? Siguro kasama yung family ko.

“Yun, sa bahay lang nung Holy Week.”


Demai: (To Carl) But were you able to spend time with... si Kris Bernal?

Carl: “Kris Bernal? Uhm, Oo pag walang trabaho.

“Ayun, pag puwede siya, pag free. Pag wala siyang work, yun, niyayaya ko siyang lumabas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Demai: Ano na ba talagang real score sa inyong dalawa? Kasi kami nako-confuse e…

Carl: “Real score?”

Demai: Ano na ba talaga?

Carl: "Ano, a… yun, getting there. Sana, tapos ayan, exclusively dating kami."

Demai: Exclusively dating?

Napatawa na lang si Carl.

Kath: Papalapit na yung birthday ni Kris (May 17). Meron ba kayong plans, at may birthday gift ka na ba sa kanya?

Hindi naman diretsong sinagot ni Carl ang tanong pero ang mga ngiti na ipinakita niya ay nagsasabing oo.

Carl: "Plans?"

Demai: Namula siya.

Carl: "Namula ba ‘ko?"

Demai: Sorry.

Carl: “Kasi, e… Di ayun, sige, may pinaplano akong gift sa kanya pero surprise, surpise ko sa kanya yun, e.Ayoko naman na sabihin na agad.

“So yun, sana maikuwento niya, ‘di ba?”

Ang sinasabing "surprise" ni Carl kay Kris ay trip to Singapore.

Napunta naman ang usapan sa pagtatago in private ng relationship status ng mga celebrities. Ano kaya ang masasabi nina Carl at Steven dito?

Demai: Part ba talaga yun ng pagiging showbiz personality, that you need to keep your relationship status a secret? Or is that a personal preference lang sa inyo?

Steven: “Sa tingin ko, depende sa tao.

“May mga tao kasi na everything that happens gusto mo sabihin sa lahat.

“May mga tao din na they like to keep it to themselves.

“Na alam mo yun, like for me, like sometimes, yung business mo, you don’t always have to share it to everybody.

“If it’s really... if it’s part of who you are, you don’t always have to share.

“But there are some things na we should share.”

Demai: Do you think it affects yung magiging outcome ng relationship? Kasi, di ba, may mga celebrities na couples na for the longest time, they deny na naging sila, tapos kung kailan nag-break, saka na lang umaamin, yung mga gano’n? Do you think na nakakatulong talaga yun na sini-secret, nilo-low profile yung relationship ng isang celebrity couple?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Steven: “Parang hindi e.

“Kasi, I think, sa tingin ko lang, if you deny it, e, mas lalong magpa-pry yung mga press or something. That they really wanna know.

"Really, like what I said, really, it depends on the person.

“If they wanna share, magse-share sila. But if they don’t, maybe that’s why they also try to keep it to themselves.”

Demai: Si Carl?

Carl: “Siguro. Depende rin e, depende din sa tao kung gusto nilang secret o hindi.

“Yun nga, tama si Steven, pag lalong mas itinatago ninyo, mas lalong pinag-uusapan ng ganyan-ganyan."

Steven: "Di ba? Oo."

Carl: "Depende."

Demai: So kapag naging official kayo ni Kris will you be willing to share it to the public, or what?

Carl: “Siguro, siguro. Siyempre gusto ko rin na sabihin, di ba?

“Kasi ang hirap naman itago, siyempre kahit saan makikita’t makikita rin kayo.

“Pag lumabas kayo, kung mag- date kayo, di ba?

“So, mas magandang aminin niyo.”

Steven: “Oo, yeah... We’ll text you.”

Demai: Thank you, sure, go.

Pagkatapos ng kuwentuhan tungkol sa pag-ibig ay nabalik ulit sa summer ang usapan.

Kath: Kayo ba yung tipo na pag pupunta kayo sa beach, you make it a point to shape up?

Steven: “Yes, yes.”

Kath: So, ano yung mga form of workouts niyo?

Steven: “Ako naman, regular ako sa gym. I also play soccer and football.

“Last year, actually, I was part of the UFL, not the UFC, di ba?

“And nag-play ako sa Team Soccerroo for the Division two. So that was last year.

“Ang hirap kasi, parang yung sinabi ko kanina, sa schedule, may mga times na I had to choose either mag-football or mag-work.

“E, siyempre mas priority yung trabaho ko.

“So there were mga... there were times na nahirapan ako sa schedule so I had to take time off this season.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They’re still playing, ongoing pa rin yung UFL this year, but I decided to step aside this year.

"And back to your question, I like going to the gym, swimming and just... I’m trying to work out in any way I can, so yeah."

Kath: Si Carl?

Carl: “Ako naman, siyempre pag merong guy na pag summer na, talagang kailangan mo talaga as in magpaganda ng katawan kasi mas more on beach ganyan, so yun.

“Pero sa trabaho namin, minsan talagang busy, ang hirap din humanap ng time para mag-workout.

“Kung anong kailangan mong gawin sa katawan mo para mag-fit yung katawan mo..."

Steven: “At saka parang kasama din yun sa trabaho. Kasi if you’re fit, mas ready yung body mo to handle the schedule.

“Like, if you’re not going to the gym, you’re not taking care of yourself, I mean pati yung diet mo, pag hindi maayos yung diet mo, I think you also suffer under the schedule.

“Like I said kasi, minsan sunud-sunod ang schedules namin.

"So if you’re also fit, parang mas ready ka to [work]… you’re also ready to handle [yourself]…"

Demai: So more of sa health reasons?

Steven: “Oo.”

Demai: Important ba talaga for male celebrities right now to have yung six-pack abs talaga? Na talagang macho-look? Gaano ba kaimportante yun sa career ninyo as actors, as models?

Steven: “I think importante yun na if you ever you have abs, kasi it’s really a plus for you, it’s really a plus pag may abs ka.

“At saka mas lalo kang magiging confident na, you know, anytime puwede na makita yung [body]…"

Carl: “Pwedeng mag-topless, yun.”

Steven: “Yeah, pwede mag-topless.”

Carl: "Minsan kasi sa mga... like sa mga eksena na kinukunan sa’min, minsan meron kang kailangan mong maghubad, topless, so kailangan lagi kang handa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Steven: "Parang it helps kasi wala kang restrictions na kailangang maghubad, kailangang mag-topless, ready ka na.

“So that’s another thing na if you’re ready, parang you’re not restricted sa mga roles, like sa mga eksena, sa mga shows, like even fashion shows.

“May mga fashion shows na, the first question they ask is, ’Pwede ka bang mag-topless?’"

Demai: And your answer is?

Steven: “’Puwede next time na lang?’” (joking)

Carl: “Like yung, yung ano ninyo… like yung Indio ninyo, di ba?"

Steven: "Yeah. Actually sa Indio, yung role namin diwata. E, lahat ng mga [diwata]... hindi ko alam yung mga diwata, lagi silang nakahubad, wala silang… hindi sila mahilig mag-T-shirt.

“So, so yung mga diwata, as in when I did my first taping sa Indio, sabi ko ‘Okay, Steven kailangan mag-gym na, every day, pag may time kailangan mag-gym.’

“Kasi ang costume namin, ano lang kami, naka-shorts lang [anong] shorts and naka-wig ako, and then I have no... I have no covering sa... from the top.

"So I really have to be ready, so I really make it a point lalo na nasa Indio ako, every time, I’m really trying to make sure that I stay working out."

Demai: Pero pagdating naman sa like, lovelife or attracting women, do you think it’s important for a guy to have a [fit body]?

Steven: “No, because love is blind.”

Demai: Ah…

Steven: “No, I was just kidding.”

Demai: Ang deep naman nun!

Steven: “It helps. Ayun siguro, it helps.

“Siguro, I don’t think it’s a lie to say na you become attracted to what you see. Pero I think the personality is, like, keeps you there, parang gano’n?

“You are attracted by what you see but the personality is what… kung ano namang meron dun sa tao na yun, that’s really what, keeps you there, so…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na sumali Carl sa reality search na Be Bench at siya ang nanalo sa male category. Marami ang nagulat na dating 240 lbs si Carl at ngayon ay isa nang hunk. Kaya naman game siyang nagbigay ng tips sa mga PEPsters tungkol sa pagiging fit.


Carl: Nung gano’n ako, siyempre nahihiya ako sa mga... nahihiya akong manligaw, nahihiya akong mag-ano.

"Kasi medyo inaasar ako, inaasar ako ng mga kaklase ko. "Ngayon yung pumayat na ako…

Steven: "I feel you. Parehas tayo, bro, parehas tayo."

Carl: "Mas ano, mas okay. Mas minsan…"

Demai: Grabe, hindi naman mukhang galing kayo sa ano, chubby phase.

Steven: "Parehas, parehas kami.

"Ako kasi ano, ang course ko dati is Culinary, so siyempre ano kami every day…"

Demai: Sa food.

Steven: “Oo, kain nang kain kami sa class and out of class.

“So I think ang pinaka-heaviest ko, I was like 180, 190? Ngayon, mga 150 ako, 150-160.

“So I feel you.”

Demai: Si Carl, what was your heaviest?

Carl: “240.”

Demai: Wow, 240 tapos ganyan ka na ngayon!

Carl: “Yung waistline ko nun nasa 38.”

Kath: Ilang months bago mo na-achieve yung ganyan?

Carl: "Mga one year. Puro gym talaga at saka diet."

Steven: "’Yan, diet."

Demai: How did you lose all those weight?

Carl: “Siyempre, exercise and diet, tapos yun, almost every day, talagang exercise ako tapos...

"Pero sa one week na yun, Sunday ko, cheat day. Kinakain ko lahat.”

Steven: “Cheat day, cheat day.”

Carl: “Mga junk foods, lahat ng gusto kong kainin—cakes, ice creams... Yun yung treat ko sa sarili ko.”

Demai: Pero anong nag-motivate sa ’yo that time to lose weight?

Carl: “Sa totoo lang, wala naman akong balak talagang magpapayat, e.

“Yung daddy ko, talagang in-encourage niya ‘kong magpapayat, kinuha niya ako ng personal trainer sa gym.

“Tapos yun, kasi nakita niya maya’t maya kain ako nang kain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Steven: “Gano’n ka dati?”

Carl: “Oo. So sabi niya, baka mas mauna pa daw akong mamamatay.”

Kath: Pero nung time na yun, talagang nag-decide ka na, na gusto mo nang mag-enter into modelling?

Carl: “Hindi, yung brother ko talaga, siya talaga yung mga sumasali talaga sa mga model, ganyan. May commercial din siya.

"So one time, yun, meron na nung Be Bench model search tapos nag-audition siya.

"And then nagkita kami sa mall, isinama niya ako, so ayun, sinuwerte ako.

Abangan ang second instalment ng #PEPtalkbodiesspecial kasama sina Carl Guevara at Steven Silva...

To watch Steven Silva and Carl Guevera on PEPtalk, click here.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN