Niño Muhlach returns to acting via two indie films; finds politics “dirty”

Kaiba sa ibang magulang, gusto ni Niño Muhlach na mag-showbiz ang kanyang mga anak. Katuwiran niya: “Maganda naman ang nagawa sa akin ng pagiging child star. Siguro sa iba, hindi maganda ang experience nila kaya ayaw nila, pero sa akin, hindi, e.”


Kung dati ay halos hindi visible si Niño Muhlach sa showbiz, ngayon ay sunud-sunod naman ang mga pelikulang ginagawa niya.

Dalawang pelikula, ang Slumber Party, na ipapalabas pa lamang sa June 5, at Juana C. The Movie, ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Ang Juana C. The Movie ay base sa mga viral videos na lumalabas tungkol sa mga kaganapan sa bansa, partikular na sa mundo ng pulitika.

Ang karakter ni Niño bilang General Palakpak ay nag-i-spoof ng mga military general.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Niño kamakailan at naitanong namin kung ano ang tema ng pelikula.

Ayon kay Niño, “Sex-comedy siya, pero, nakatago sa likod niya—tatawa ka ng tatawa—pero, ang lakas ng message.”

IN BUSINESS. Mas pinagkaka-abalahan ni Niño ang pagiging negosyante kunsaan, ang Muhlach ensaymada ay nagdiriwang ngayon ng ika-20 taon.

Bukod dito, producer din ng ilang indie films si Niño.

Sa estado niya ngayon, bakit niya tinanggap ang Juana C. The Movie na isang sex-comedy?

“Honestly, it’s not for the talent fee kasi, ang baba lang naman ng talent fee.

“But to be involved in the advocacy of Juana C., ang ganda noon. I really admire Mae Paner sa mga ginagawa niya.

“Ang dami niyang ginagawa, ang hirap. Ang dami niyang kalaban.

Si Mae Paner ay director ng mga commercial din, pero artista siya sa Juana C. The Movie.

Ang director naman ng Juana C. The Movie ay si Jade Castro.

“Kung tutuusin, puwede siyang ipapatay ng mga kalaban,” sabi niya.

Bakit mukhang mas aktibo si Niño sa pag-arte ngayon?

Paliwanag niya, “Actually, nagsimula sa Slumber Party ’yan. After Slumber, ang dami nang kumontak sa akin, doon na nagsimula.

“E, nagdi-direk na ako. Nagpu-produce na ’ko ng mga plays at saka indie.

“Yung sa Slumber naman, kinontak ako kasi, parang ayaw naman daw nila ng bading na talaga, so, I was cast on that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, pumasok na nga itong Juana C. at OTJ [On The Job].”

MESSAGE. Kung sakali at lumabas na nga ang Juana C., ano ang nakikita niyang posibleng maging epekto nito sa manonood?

“Well, sana kung ano ang naging effect sa akin, yun din ang maging epekto sa manonood.

“Kasi yung iba, baka naman sobrang babaw nilang manood. Sana, huwag namang ganoon.

“Kasi, may mga ganoon, e, ayaw na lang mag-isip.

“Pero ang sa akin lang, mag-sink in lang ang message ng pelikula, kasi ang ganda-ganda talaga ng message ng pelikula.

Dugtong pa niya, “At hindi naman ako gagawa ng isang bagay na hindi ko gusto.

“I’m not doing it for money, I’m not doing it for anything,” muli niyang idiniin.

PHENOMENAL CHILD STAR. Nagsimula si Niño na gumawa ng pelikula at magbida sa mga ito, dalawang taong gulang pa lamang.

Sa mga child stars na nagsusulputan, masasabing si Niño pa rin talaga ang may hawak ng titulo bilang Child Wonder.

Ayon naman kay Niño, “Well, I don’t think or mahihirapan na silang anuhin yun, e.

“Noong time ko kasi talaga, pelikula ang ginagawa ko. Alam ninyo yun?

“I was doing, kumbaga ako ang title role, Bokyo—I did 46 title roles… title roles yun ha?” saad niya.

“So, I don’t think kahit na sinong child stars ngayon, wala nang makakagawa noon.

Pero dugtong din niya, “Yung talent siguro, oo.

“Pero yung ginawa ko, I don’t think na magagawa pa yun because hindi na puwede.

“It’s not possible anymore with the environment. TV na kasi, wala ng puwedeng gumawa ng sunud-sunod na pelikula.

“At saka ang movies, binabayaran, e. Sa TV, libre. So, hindi mo talaga maku-compare.

“So, mahirap na talagang magawa yung ginawa ko,” paliwanag niya.

Yung pakiramdam na siya na nga lang ang may hawak ng titulong Child Wonder?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, I’m just lucky na yun ang panahon ko. Pero in terms of talents, maraming magaling ngayon, di ba?

“Si Ryzza Mae Dizon, natutuwa ako sa kanya. Maggi-guest pa nga ako roon next week,” masaya niyang ibinalita.


SUPPORT FOR AGA. Naitanong din ng PEP kay Niño ang tungkol sa pinsang si Aga Muhlach na tumakbong congressman ng 4th District sa CamSur pero natalo kay Wimpy Fuentebella.

Isa si Niño sa tumulong at sumuporta sa kauna-unahang pagtakbo ng kanyang pinsan.

Kuwento niya, “On my part, nag-donate ako ng dalawang jeepney doon para magamit pang-campaign.

“Ang sa akin naman kasi, 107 years yung pamilya na nakapuwesto.

“Hindi talaga sila papayag na ibigay nang ganun-gano’n lang.

“Nagulat lang ako, ang lakas ni Aga sa campaign, sa rally, pero still, hindi pa rin siya lumamang.

“Kung mga beinte-mil ang lamang ni Aga, mahihirapan nang mahabol yun.”

Sa palagay ba niya, “nadaya” noong nakaraang eleksiyon ang pinsan?

“E, mahirap magsalita, pero, I believe that… pero, mahirap magsalita,” sabi niya.

Napag-alaman din namin kay Niño na bumalik na sa pagte-taping si Aga pagkatapos ng naging bilangan.

Sabi na lang ni Niño, “Siyempre, he has to go to work dahil yun ang kontrata niya, di ba?”

POLITICAL ARENA. Batang musmos pa lang si Niño ay kilala na at kahit hindi na ganoon ka-aktibo sa showbiz, kilala pa rin siya ng karamihan.

Bakit tila hindi niya naisipang pasukin ang mundo ng pulitika?

“Mahirap, e, hindi mo hawak ang oras mo. Dati naman, nag-e-S.K. [Sangguniang Kabataan] ako.”

Ngayong nakasama siya sa kampanya ni Aga, nakapag-ikot siya, hindi pa rin siya na-engganyo na pasukin ang pulitika?

“Hindi pa rin, kasi ako, naniniwala na maayos ang sistema.

“Marami pang palpak, e, marumi pa, e. Sa SK pa lang, noong nag-chairman ako, marumi na,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAMILY MAN. Masaya naman si Niño ngayon sa kanyang personal at buhay pamilya.

Dalawa ang anak ni Niño. Si Alisandro na 11-years old na sa una niyang napangasawa at si Alonzo, three years old sa kasama raw niya talaga ngayon.

Kung sakali, gusto ni Niño na ang mga pelikula niya noong araw, ang anak niya ang magre-remake.

Ang panganay raw niya ay nag-i-stage play na. Ang bunso naman daw niya, tinitingnan pa niya.

Medyo kakaiba si Niño sa ibang artista lalo na nagmula sa pagiging child star, madalas, ayaw nilang pag-artistahin ang mga anak.

Siya naman, gusto niya.

Katwiran ni Niño, “Kasi, hindi naman masama ang naging experience ko, di ba?

“Maganda naman ang nagawa sa akin ng pagiging child star.

“Siguro sa iba, hindi maganda ang experience nila kaya ayaw nila, pero sa akin, hindi, e.

“Nakatulong naman sa akin—gumanda ang buhay ko, kaya ako ganito,” pagmamalaki niya.

Tinanong naman namin si Niño kung dalawa lang ba talaga ang naging anak niya.

Pag-amin naman niya, “Well, meron. Actually, pinuntahan ko naman.

“Kasi, gusto ko sanang i-acknowledge. Pero kinukuha ko, ayaw namang ibigay.

“So, hindi ko alam kung ano ang totoo… sinasabi lang ng nanay.

“Noong sabi ko, ‘Sige, ako na magpapaaral,’ ayaw naman niya.”

Siguro raw nasa 15 years old na ang bata at babae raw yun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN