Ai-Ai delas Alas shrugs off report that Jed Salang is spreading "sex-maniac" rumors about her

May lumabas na report na magsasalita na raw si Jed Salang kaugnay ng hiwalayan nila ni Ai-Ai delas Alas. Diumano’y sasabihin nito na siya ang "biktima."


Nag-react si Ai-Ai delas Alas sa balitang ipinagkakalat diumano ng hiniwalayan niyang asawa na si Jed Salang na “mahilig sa sex” ang komedyana.

Kahapon, May 23, sa Facebook page na “ABS-CBN Corporation” ay naka-post ang mensaheng ito:

“May nakarinig na nagpa-plano raw rumesbak ni Jed Salang sa ex-wife niyang si AiAi delas Alas na ibinuko ang kanyang pananakit. Ayon sa source, diumano ay sasabihin ni Jed na siya ang biktima sa mga pangyayari at ang pinakamasakit, ipinagkakalat daw ni Jed na mahilig sa sex si AiAi at ikinukulong siya sa kuwarto.

“Kapamilya, ano ang masasabi ninyo dito?”

Kalakip ng post na ito ang litrato ni Jed katabi ang Chevy Camaro na iniregalo sa kanya ni Ai-Ai bago sila maghiwalay.



AI-AI REACTS. Two days ago, May 22, ay nag-post si Ai-Ai ng larawan niya kasama ang panganay na anak na si Sancho. At may isang follower niya ang nag-comment dito.

Sabi ng follower ni Ai-Ai, “Ms. Camaro pla ang car ni salang noh sosyal tlg kapal ng facelak walang kunsensya, nbasa kasi nmin e sabi e may pgkakalat daw sya tungkol sayo at gaganti daw sya..kapal ng mukha e sarap ipa DDs..hehe..basta Ms. Ai Stay strong ikaw pa rin ang tanging ina ng lht.”

Kaagad naman itong sinagot ni Ai-Ai.

Aniya, “ALAM KO NA YUN...na sex maniac ako sabi...hayaaan nyo na...

Kasunod pang mensahe ni Aiai sa kanyang followers: “babuyin nya na ko sa buong pilipinas wala naman na akong magagawa kung gagawin nya yun...LET GO LET GOD.GOD BLESS HIS SOUL.”

Hanggang ngayon naman ay wala pang naririnig na reaksiyon mula sa kampo ni Jed, mula nang isiwalat ni Ai-Ai on national television ang kanilang paghihiwalay.

Ngunit mananatiling bukas ang PEP kung may nais ipahayag si Jed o ang kampo niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN